21: UNBREAKABLE

238 6 0
                                    

AGNES

"Tita Dean, how old are you na po?" TJ asked Dean who's beside me.

Tulad nang nabanggit ni Pat kay Jam ay dinala nga ni Poch si Dean dito sa bahay ni Jam. Poch asked permission din naman kay Jam as a sign of respect at heto na nga, nandito na si Dean.

Napagkasunduan ng tropa na magpractice together for the exhibition match. So yeah halos kumpleto nanaman kami dito sa bahay ni Jam aka Tropa Rest House. And we're watching our friends play in the grounds from one of the benches.

"I'm already 32 just like Ninang Agnes" Dean answered the kid

"Matagal pa po ba akong mag-32?" The kid asked once again

"Yes baby, sobrang tagal pa. Bakit mo naman natanong" Dean entertained the kid's question

"You look beautiful po kasi eh, I can't wait to be as beautiful as you" napatawa naman kami pareho ni Dean sa narinig namin. Hay nako, nakakatuwa talaga ang mga bata

"Magaling bumanat tong inaanak mo Agnes ah" Dean told me while chuckling

"Wag kang mag-alala, marami nang nakakapansin"

"Tita Dean, Ninang Agnes, I'll just play with Tito Paolo" paalam ni TJ bago lumapit kay Pao na nagpapahinga sa kabilang bench

I suddenly feel awkward nang kami nalang ni Dean ang magkasama rito. Naalala ko nanaman yung eksena sa lobby ng Horizon Company building atsaka yung nalaman kong koneksyon ni Dean sa kaibigan ko. Bigla akong nawalan ng composure kakaisip ng pwedeng itopic.

"How did you met Mela?" Sambit ni Dean na nagpagulat sa akin. Did she just opened a topic regarding her ex bestfriend?

"Ahm. She's my bandmate, narecruit nila ako nung nasa Batangas ako for my rehabilitation and unwinding, nagsession lang ako sa banda nila until finally naging part na nila ako" sagot ko

"Nagbabanda pala siya?" She asked. Nilingon ko naman siya, she's not looking at me, nakatulala lang siya habang natatanong sa akin

"Yah. She once lost hope on pursuing volleyball and music became her escape from sadness tapos yun na yung naging career niya" paliwanag ko

"Kaya pala I never heard of her sa volleball scene. Sayang, she's so talented pa naman. If you could only see her play in uniform, mamamangha ka talaga." She said

"What happened to the two of you?" Tanong ko sa kanya. I wanna hear her side.

"I assume na may idea ka naman na pero sige, magku-kwento ako" panimula niya "Mela and I had friendship that seemed so unbreakable. We're open sa isa't isa, and we knew we're half sisters at wala kaming problema dun. But one time, nalaman ni Dad na may communication ako kay Mela and he forced me to stay away from her. Nonsense right? Pero wala eh, sunud sunuran pa ako nun sa tatay ko. Iniluwas ako ni Dad ng Manila nung mga panahong iyon and hindi na ako nakapagpaalam kay Mela, hindi pa rin naman ganun ka-effective yung technology that time so we don't have any form of communications na"

"Mela told me it's a mutual decision to let go" sabi ko

"Nasa akin din yun eh, hindi ko siya ipinaglaban sa tatay ko, naduwag ako at nagsunud-sunuran lang" she said "Pero siguro, yung point ni Mela na mutual decision of letting go is yung hindi namin pinag-usapan yung problema. We never really talk about the problem eh, we let things happen and then we separate without any closure"

"Talking is really essential ano?" Sabi ko sa kanya "A simple sorry message can mend us, and at the same time, an untold sorry message could break us or could leave us incomplete"

"Dapat pala matagal na kitang na-meet, edi sana marami na akong relationship na nagwork dahil sa napupulot kong wisdom sayo" she joked to lighten up the atmosphere "Edi sana nag-work kami ni Jam together"

"Hoy! Akala ko si Poch na ngayon?"

"Joke lang naman. Pero don't worry, I'll apply to Poch all the lessons I've learned from you and my past experience" pagbawi niya "Kasi feeling ko communication din yung nag-lack sa amin nung ex kong tawa ng tawa, yun pa naman yung kailangan di ba?"

"Tama yan, alagaan mo si Poch. Kapag hindi ka pa nagtino, sa akin ka na matakot. Tatlong kaibigan ko na yung napagdaanan mo" banta ko

"Yes Coach!" Sabi niya at sumaludo pa sa akin "Hindi kita bibiguin Coach Agnes, I really look up to you kaya. Saka sa relasyon n'yo ni Pat"

"Nako! If I know, diniskartehan mo rin si Pat"

"Hoy hindi ah! Promise, hindi talaga si Pat ang kursunada ko nun! Teka nga, bakit mo inuungkat yung nakaraan ko eh moment mo na dapat?" Makulit niyang tanong

"Hinuhuli lang naman kita" natatawa kong sabi

"Heh! Basta, eto na nga, I really look up to your relationship with Pat. You've gone through alot nang magkasama, despite the distance, despite the uncertainties, despite the unpredictability of life, magkasama pa rin kayo. Sana kayo na talaga hanggang dulo—"

"Sa inyo rin sana ni Poch"

"Teka lang may sinasabi pa ako, wag kang sumabay. Yun nga, sana hanggang dulo na kayong magkasama. Andami n'yo nang kinayanan kaya alam kong ready na kayo to face life together... ano pa nga yung sasabihin ko? Ayan nawala tuloy! Ah basta stay strong sa inyo, ninang ako ng mga anak n'yo ha"

Napailing nalang ako sa kakulitan ni Dean. She's such a jolly person kapag naka-close mo na, and a good friend too. Sana ma-settle na nila ni Mela yung issue na soon.

———

"Pat tubig" alok ko kay Pat. Kakatapos lang nilang maglaro ng buong tropa at nagpapahinga na sila ngayon

Kumuha naman ako ng towel at pinunasan ang pawis niya sa mukha at sa likod after niya tanggapin yung tubig. Jowa duties. Naks.

"Hay nako, hindi na ako natutuwa sa natutunghayan ko. Masyadong sweet, nakakabitter" Karelle exclaimed

"Masasanay din kayo, ako nga immune na eh" singit ni Jam na nagpatawa sa amin

"Sa harap n'yo lang naman ganito tong si Agnes, hayaan n'yo na" depensa ni Pat

"Sus, ang sabihin mo enjoy na enjoy ka lambing ng jowa mo" hirit ni Migs

"Guys may bata pa tayong kasama. Paalala lang" napatahimik naman kami sa sinabing iyon ni Pao. Pero parang wala lang naman kay TJ yung usapan namin eh, binabato lang niya ng bola si Pao na parang wala siyang naririnig sa amin.

"TAO PO!!!" someone shouted from the gate... at pamilyar yung boses na yun

"Bawal kang pumasok, di ka welcome" Jam shouted back. Kahit siya nakilala na rin niya yung boses kahit hindi pa niya nakikita yung tumawag.

"Belat bukas yung gate, hindi mo 'ko mapipigilan" bigla namang sumulpot si Mela

Napalingon naman ako sa gawi ni Dean, nakatingin din siya sa akin. I gave her knowing look at tinanguan siya. If she'll settle things with Mela, today is the perfect opportunity para gawin iyon.

"Bakit ka nandito aber?"

"Makikisali sa inyo"

"Sorry kakatapos lang namin, pwede ka na umuwi"

A calm communication? I guess hindi uso yun sa tropa namin, ang mahalaga nagkakaintindihan kami kahit gaano pa kagulo.

—BB—


UnbreakableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon