CHAPTER 42

69 4 0
                                    


JANE'S POV

Tama nga hinala namin ni Riana ang galing talaga namin. Pero minsan lahat ng hinala natin ay mali.

Lahat sila nagsisigawan kahit ibang school chinicheer sila. Napatingin ako kay Racky may hinahanap siya pero hindi ko alam kung sino. Hanggang sa napadapo ang tingin niya sa akin kumaway siya sa akin kinawayan ko rin siya.

"Ayieeee kita ko yun ikaw ahhh"sabi ni Jenna.

"Ayieeee kita rin namin yun! Jane!"sigaw ni Alexis. Langya to sinigaw patalaga ehh.

"Ayieeee sana all"sabi ni Riana eto naman lagi si sana all.

"Huwag nga kayo maingay!"sabi ko. At nagsimula na ang laro. Ang kalaban nila ay mga mukhang mayayabang. At nagsimila na sila maglaro. Ang unang nagshoot ay ang kalaban nila. At sumunod ay sila naman ang nagshoot.


*Fastforward*

Mga ilang minutong lumipas at nagtimeout sila grabe ang gagaling rin pala ng mga taga CU parang feeling ko hindi na makakahabol ang mga kalaban nila onti na lang malapit ng matapos na ang laro.

"Naiihi ako"sabi ni Riana.

"Ako rin"sabi ni Hannah.

"Iihi na rin ako"sabi ni Alexis.

"Sama ako!"sabi ko. At pumunta na kami sa cr nagtanong muna kami bago kami pumunta sa cr nila grabe ang laki ng school na to mayaman talaga.

"Ang ganda naman dito"sabi ni Hannah.

"Oo nga"sangayon ni Alexis.

"Parang gusto ko lumipat dito kaso baka hindi kakayanin sa pera medyo malaki daw ang tuition dito"sabi ko.

"Kung magscholarship ka dai"sabi ni Hannah.

"Kaso baka hindi ako makapasa sa entrance exam nila"sabi ko.

"Ay oo nga"sabi ni Hannah.

"Siguro mahirap din ang exam nila"sabi ni Riana.

"Sabi nila Krixen marami na daw sumubok sa entrance exam nila kaso marami rin hindi nakakapasa onti lang daw ang nakakapasa yun yung mga matatalino at mga taong nagsusunog na kilay"sabi ni Alexis at tumatango kaming tatlo.

"Teka naiihi na talaga ako na saan ba yung cr?"tanong ni Hannah.

"Liliko pa tayo tas diretso at nandun na daw yung cr"sabi ni Alexis.

"Grabe naman kalawak to"sabi ni Hannah.

"Dalian na lang natin baka wala na tayo maabot sa laro nila"sabi ko at binilisan namin ang lakad namin. Pagpasok namin sa cr ay pumunta kami sa cubicle buti pagpunta namin dito walang tao nasa gymnasuim ang lahat yung iba nagala lang.

Pagkatapos kong umihi ay naghugas ako ng kamay.

"Grabe ang linis ng cr nila"sabi ni Hannah.

"Oo nga at ang kintab pati mga tiles nila dito yung tiles natin dun lagi may putik kaya lagi yun binubuhusan ng janitress natin"sabi ni Alexis.

"Oo nga"sabi ko.

"Ano tara na? Riana ok ka na?"tanong ni Hannah sa kanya tumango lang siya kaya patakbo kami pumunta sa gymnasuim at pumunta sa pwesto namin.

"Buti nakahabol pa kayo malapit na matapos"sabi ni Liam.

"Ang layo masyado yung cr nila"sabi ni Alexis napatango lang si Liam. At pagshoot ni Zero sa bola at lahat kami nagsisigawan lalo na ang taga CU hahaha kahit hindi kami taga CU nagchicheer rin kami ihh hahahaha.

The Section CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon