CHAPTER 2

22 3 2
                                    

It's Time

"HAPPY ANNIVERSARY!!!"

"O, bottoms-up to ah! Walang aangal!"
"First beer ngayong gabi, woooh!!!!"
"Okay, one, two, threee!!!!"
CHEEEERSSS!!!"

Sabay-sabay nilang tinungga ang tig-iisang hawak na bote ng SanMig habang naka paikot sa cocktail table.

Tuwang-tuwa ang anim na magkakabarkada dahil nagmistulang "mini-bar" ang mansion na bahay ni Lexie. Sinadya nilang ipa-set-up ang lights and sounds sa tabi ng swimming pool para makapag-soundtrip sila habang nagsi-swimming sa buong magdamag.

Nag-imbita naman si Nick ng isang acoustic band para tumugtog sa kanila ng mga sweet and RNB music. Naisip niyang magandang magkaroon ng live band dahil sa lihim na plano nila ni Lexie.

"Babe, hindi mo naman sinabi na may pa-live band ka, ikaw talaga you're so sweet!!!", pabulong na sabi ni Lexie kay Nick na hindi maitago ang pagka-surprised.

"Surprise nga eh 'di ba? Tsaka... para mas maging romantic yung announcement natin mamaya."

"Hoooy!!! Ano 'yang mga pinagbubulungan niyong dalawa?" tanong ni Claire habang tinutulak si Lexie palapit pa lalo kay Nick.

"Ah, wala naman, wala." ani Nick sabay hawak na may konting pisil sa baywang ni Lexie na tila nagsesenyas na mag-isip ng magandang palusot.

"Ahm, nag-iisip kami ni Nick ng mga song requests na pwede natin ipakanta sa band mamaya. 'Di ba Babe?"

"Yeah, yeah!" pagsang-ayon ni Nick.

"Kayo, ano ba gusto niyo ipakanta? Para masabi natin sakanila. Nagse-set up pa naman ang band kaya pwede pa natin sila maistorbo. Pag all-set na sila nakakahiya na mag-approach. Hehe." ani Lexie.

"Hmm... well, kanino ba kasing idea na magpa-live band? Diba Nick? Eh tinanggalan niyo ng trabaho yung DJ niyo ooh." pang-aasar ni Iya habang nakangusong tinuturo ang magandang set-up ng sound system ng nirentahan nilang mobile.

"Don't worry Iya, makakasayaw ka rin. It's still early. 7PM palang. Maaga pa para magpakalango sa alak at magsayaw sayaw. Baka nakakalimutan mong overnight walwalan ito?" Sabi ni Ryan sabay tawa ng lahat ng barkada.

"Grabe kayo sa akin! Ako lang yata ang talagang party people dito. Ay, party person pala. I hate you all!" Pabirong sabi ni Iya habang nagtatawanan ang lahat at kina-kantyawan siya.

"Well, may live band para talaga sa ating lahat. You know, Anniversary natin today and, we don't see each other for a while and... hindi tayo nagkakaroon ng quality conversation time with each other... Maybe it's a good opportunity to all para magkamustahan. Parang di naman tayo magkakarinigan kung yung mga kanta eh 'chugs chugs' agad. Diba?" ani Nick.

"And don't worry guys. Well-informed naman ang lights and sounds natin na later sila bibira. kaya, chillax lang and just go with the flow!" pagsegunda naman ni Lexie.

"Daming sinabi" patuyang sabi ni James. "Pero tama kayo. I like the idea."

Sabay-sabay nanaman silang naghalakhakan. Naputol lang ang kanilang tawanan nang lumapit na sa kanila ang female vocalist.

DARK LOVEWhere stories live. Discover now