CHAPTER 3

22 2 0
                                    

We're Getting Married

Dali-daling pumunta si Nick sa harap at magalang na pinahinto sandali ang tugtog ng banda.

"Ahm, Hello, everyone! May I have your attention please?"

Napahinto at napalingon kay Nick ang lahat. Hindi lang ang limang kabarkada niya kundi pati ang lahat ng event crews and caterers at mga housemaids na nandoong kasama nila.

"First of all, I would like to thank you all, kayong lahat na nandito't kasama naming nagse-celebrate ng Anniversary. Magdamag na party ito, at magdamag din namin kayong makakasama. Kaya gusto kong kunin ang pagkakataon na ito para i-express ang pasasalamat ko—hindi lang ako, kundi lahat kaming anim na magkakaibigan na pinaglaanan niyo ng effort at panahon."

"Haha. Pasensya na kung medyo 'maramdamin' ang mga sinasabi ko. Pero ito lang masasabi ko sainyong lahat. YOU GUYS ROCK!!! Palakpakan naman dyan!!!"

Nagpalakpakan ang lahat at mababakas sa mukha ng mga event crews and caterers na talagang natuwa sila sa pagpapasalamat  sa kanila ni Nick.

"Meron akong dalawang mahalagang sasabihin ngayong gabi...Ang una... ay dedicated para sa nag-iisang rason kung bakit tayo nandito lahat. TROPANG DREAMERS! Mag-ingay!!!!"

Agad namang nagcheer ang limang kabarkada niya na naroon parin sa dining table at excited na nakikinig sa mga sasabihin pa niya.

"Woooooohhhhh!!!!!!"

"10 years. 10. Solid. Years. Hanggang ngayon hinding hindi ko nalilimutan ang araw na nagsimula tayong magturingan, hindi lang bilang magkakaibigan, kundi magkakapamilya."

Bahagyang napapikit si Nick. Maririnig lang ang paghinga niya sa mic.

"Ansarap balik-balikan kung paano tayo nagsimulang lahat..."

~~~~~~~~~~
May 25, 2010
UP Diliman Annual Oblation Run

Makikita sa eksena ang napakaraming nakapalibot na estudyante na nag-aabang sa bawat dadaanan ng mga lalaking lalahok sa oblation run.

"O James, nasan na ba daw sila Claire at Ryan? Diba napag-usapan natin na sama sama tayong manunuod  ngayong taon ng mga lalakeng nakahubad?" ani Nick na nasasabik na sa pagsisimula ng taunang tradisyon.

"Aba ewan ko nga eh, chillax ka lang bro, di pa naman magsstart yan eh" sagot ni James.

"Hoooy!" panggugulat ni Lexie na nasa likod na pala ng dalawa.
"Aba't nauna pa kayo talaga sa akin? Mga bakla. Hahaha!"

"Sus, nagpa-late ka kase ayaw mong masabihan na malibog ka? Aminin mo?" pang-aasar ni Nick.

"Ano ba kayong dalawa? Kung alam niyo lang ang malalim na kahulugan ng tradisyon na yan, di kayo magbibiro nang ganyan" sabat ni James.

"Hay nako, umiral nanaman 'yang pagkamakabayan mo..." ani Lexie.

"Haha. 'Selfless Offering for the Country'. Alam na alam na natin yan since day 1 nung first year. Pero siyempre iba yung moment na makakakita ka ng nudes na libre... HAHAHA!" pang-aasar pa lalo ni Nick kay James.

DARK LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon