PART 1: MEETING MR. SOPAS GUY

750 28 13
                                    

Ilang araw na ang nakalipas at balewala na sa akin ang nangyari.. Lalo pa't naging busy ako sa mga activities namin dito sa school.

'"Kuya!" Sabay kulbit ko sa lalaking nag-iisa rito sa may science clubroom.

"Wala akong kapatid.." Simpleng sagot nya at hindi parin sya lumilingon. Tss. Pilosopo, mukha kasing matanda sya sakin feeling ko mga one year...

"Edi, bata! Magtatanong lang.." Umiling lang sya kaya naman hinawakan ko na sya sa braso nya at hinarap ko sya sakin.

"Kulit mo kasi magtatanong nga lang a--" Natigilan ako ng makitang parang kilala ko ang lalaking ito. Naningkit pa ang mga mata ko habang inaalala kung saan ko nga ba sya unang nakita.

"Ano bata? Natigilan ka yata, sige libre lang naman akong pagpantasyahan, sanay naman na ko.." Agad nag-iba ang awra ko sa sinabi nya..

"Yabang! Teka, ikaw yung..." Naalala ko na!

"Ikaw si Mr. Sopas guy--"

"At ikaw naman yung heartbroken sa carinderia.." Nakangisi pa sya sakin. Hindi ako heartbroken 'no!

"Hoy! Hindi ako heartbroken, for your information.. Epal ka lang talaga, may pabigay-bigay ka pa ng sopas sabay hugot mo, mukha mo!" Sabi ko sabay irap sa kanya.

"Tigilan mo na nga ang pagbalik sa nakaraan, hindi mo na yun mababalikan pa.. Ano na ngang kailangan mo?" Napailing-iling nalang ako dahil mahilig yata talagang humugot ang lalaking ito, di bale, matino naman na syang kausap pagdating sa ipinunta ko..

Diko nga akalaing tatagalan kong kausap to.

"Weh? Di nga kuya? Ikaw pala president ng science club?" Tumango tango sya at nag-pogi sign pa.

"Oo nga! Hindi lang naman kasi ako gwapo, matalino din! At isa pa, wag mo nga akong tawaging kuya, my name is Sean." Natawa nalang ako. Tatawagin ko ba talaga sya sa pangalan nya? Or wag muna, kasi parang masarap syang asarin. Hmm...

"Okay, edi kuya Sean hahahaha!" biro ko pa. Nagulat naman ako ng guluhin nya ang buhok ko.

"Hoy! Sinong nagbigay ng permiso sayong pwedeng guluhin ang buhok ko?!" Inis na sigaw ko sa kanya habang inaayos ko ang buhok ko na ginulo nya.

"Tss. Ang kulit mo kasing bata ka.. Isang taon lang naman tanda ko sayo ah! kuya ka pa dyan! Sean na nga lang! Ikaw ano bang pangalan mo?" Inirapan ko sya habang inaayos ang buhok ko.

"Teka, paano mo nasabing isang taon lang ang tanda mo sakin? At gusto mo pang malaman ang pangalan ko ah! Naku! Interesado ka sa kin 'no?" Ngayon lang ako naging ganito, ewan parang ang sarap nyang asarin.. Ito yung unang beses naming mag-usap ng mahaba ah! Natatawa lang talaga ko sa kanya, it seems like he's fun to be with.. Nagkwentuhan kami ng hindi namin alam ang mga pangalan namin.

"Uy! Babae! Feelingera ka na ha! Kakakilala lang natin, interesado na ko sayo? Tsaka isa pa hindi ka kagandahan, uy!" Ouch ha! Nasaktan naman ako sa sinabi nya. Aba! Akala mo kung sino sya ah!

"Kapal mo! Nagtatanong lang naman eh! Kala mo gwapo! O sige, kuya Sean dyan ka na nga! Che!" Padabog akong umalis..

Bwisit!

Ayoko na pala makita uli ang pagmumukha nung lalaking yun! Akala ko maayos na, pero ipinamukha pa sa akin na hindi ako kagandahan, sya rin naman eh--Oo na! Sya na gwapo at maitsura! Bwisit, hindi ko mapintasan ang itsura nya!

Pero bitter naman yata eh hahahaha!

Akala ko huli na ang pagkikita naming iyon pero hindi pa pala.

"Hi Ma'am! Bakit nyo po pala ko ipinatawag?" Salubong ko sa science teacher namin.

"Ikaw ang lalaban sa science quiz bee, this year." Napanganga naman ako, nagbunga na din ang paghihirap ko sa science! Dati noong elementary ako ay pangarap ko iyon pero hindi ako nangingibabaw noon sa klase pagdating sa science kaya naman hindi pa ako nilaban noon.

"T-talaga po?! Omg! Ma'am? Edi kailan po tayo magre-review?"

"Bale hindi mo ako makakasama mag-review but I will give you reviewers.. By pair kasi ang science quiz bee. You're grade 7, so ang partner mo ay grade 8.." Ah ganun pala yun.. First timer kasi ako eh, hindi ko tuloy alam.

"Nakaka-excite naman po.. Teka, sino po pala yung partner ko? Gusto ko na pala syang makilala para maka-start na rin po kami.." Ngumiti si Ma'am at lumabas sya saglit.

Pagbalik nya may kasama na sya..

Nagulat naman ako at parehas kaming nagkagulatan.

"Keila, this is Sean.. And Sean, this is Keila.. O'sya maiwan ko na kayo, mag-get-to-know each other muna kayo para hindi kayo awkward, tapos mag-review na kayo.. Sige, bye! And good luck!" At iniwan na nga kaming dalawa dun sa room ni Ma'am.

Good luck talaga! Dahil kasama ko na naman itong si Mr. Sopas guy.

---

THANKS FOR READING! <3

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT GUYS! LOVELOTSSS!♥♥♥

-moshi_Clever

Study BuddiesWhere stories live. Discover now