Kabanata 1

770 35 33
                                    


Kabanata 1






Sumikat na ang araw. Matingkad na rin ang sinag nito na tumatagos sa manipis na kurtina ng kwarto. Everything inside is glowing softly.

I stood up and went to the window to drag the curtains to the sides. Ang dalawang malalaking kurtinang see through na lamang ang naiwan na sakto lang upang makapasok ang sinag ng araw ngunit hindi ganoon ka init.

I rerouted and went back to the seat just beside the bed. Sumandal ako sa likod ng upuan habang ang mga mata ay nanatili pa rin sa kanya.

He's sleeping peacefully and I just can't help but to stare at him. Ang marahang paghinga niya ay nagsasabi na maayos ang tulog niy at mukhang nasa isang magandang panaginip pa.

"Ano kayang napapanaginipan mo?" bulong kong tanong sa kanya na akala mo'y sasagot ito.

He's clean now. Kumpara sa itsura niya kagabi, mas mukha siyang desente na ngayon. Ang mga sugat ay mayroon na ring bandage. Kinabahan pa ako noong ginamot ko siya dahil wala naman akong sapat na kaalaman kung paano gamutin ang malalang sugat. Kinailangan ko pa tuloy tumawag sa family doctor namin. I'm glad I did it right naman.

Pinahiram ko na rin siya ng damit ni Papa na naiwan niya rito noong huli naming bisita sa Puerto Alegre. I must admit that this man looks so handsome in his black shirt. Ewan ko ba pero nakakaramdam na ata ako ng inggit dahil sa balat niya. He's white and what he is wearing right now makes him glow whiter.

I remembered that I was hesitant to let him stay here because he was a stranger, and still a stranger. Though mukha naman siyang harmless. Gwapo siya at mukha namang mapagkakatiwalaan, but that guarantees me nothing. Hindi porket gwapo ay matino at mabait na. Iyong iba nga ginagamit ang mukha para makapanakit. Sus, awit sa inyo boys.

Nabalik ako sa diwa nang gumalaw ito. He slowly opens his eyes with hands holding his stomach. Nang magmulat ay sandali itong napatitig sa kisame at di kalauna'y nangunot ang noo. I bit my lower lip.

Ano kayang iisipin nito? Paano pag nagwala? Paano ko ipapaliwanag na may nangyari sa amin? Char! Joke lang iyon.

I cleared my throat and composed myself.

"Ok ka lang? Anong nararamdaman mo?" I asked, a bit worried.

Kita ko ang pagkunot ng noo niya na tila ba nahihiwagaan. Nagpalinga linga ito at nang nagtama ang aming tingin ay dumoble pa ang pangungunot ng noo niya. I awkwardly smile.

"Who are you?" he asked and rerouted his eyes to see the things around him. "Why am I here?"

I gulped as I smacked my lips. Englishero?

Sandali kong inayos ang suot kong robe saka tumingin sa kanya. How should I explain things? Baka pag sinabi ko sa kanya na muntik ko na siyang masagasaan ay magalit ito sa akin.

"Nagdadrive kasi ako kagabi habang binabaybay ang daan patungo rito tapos bigla ka nalang sumulpot sa daan kaya muntik...." I stopped and lowered my head.

"Kaya muntik?" he probed.

Nang mag angat ako ng tingin ay sumalubong sa akin ang mga mata nito na puno ng pagtataka. I took a deep breath before continuing my words.

"Kaya muntik na kitang masagasaan."

The tension in my body starts to rise. "But believe me, I did all my best to stop the car to save you. Promise, I don't have any intention to harm you. Nakita ko pa ngang may mga sugat ka kaya dinala kita rito."

Bumaba ang tingin nito sa sarili saka tsinek kung may mga sugat nga ba siya at napabuntong hininga na lang nang makompirmang meron nga. Akala ko ay magtatanong ito o manunumbat matapos marinig ang paliwanag ko pero wala, he stayed calm. I secretly smiled as I saw him this calm.

Meet Me When It Rains (Amiche Series 1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt