Chapter 3

7 0 0
                                    

Pagkababa ko sa parking lot ay natanaw ko agad ang itim na kotse ni Tyler. Shit! Baka kanina pa ito nag-aantay, nawala din kasi sa isip ko.

Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko agad ang inip na inip nitong mukha.
"What took you so long?" walang emosyon niyang tanong pagkaupo ko sa passenger seat.

"I'm sorry nagkaroon lang ng sudden emergency with my team, pero naayos naman agad, don't worry" pagsisinungaling ko habang kinakabit ang seatbelt. Mabilis niyang pinaandar ang kotse paalis ng kompanya. Nasa kalagitnaan kami ng biyahe ay may tumawag nanaman sa akin, tinignan ko kung sino ito. Si Mommy.

" Vrae! Are you fine? Anak naman , please be careful okay? Wag masyado magpagod alam mo naman ang sitwasyon mo diba? " umiiyak na tugon niya sa kabilang linya. Bigla akong naawa kay Mom dahil noon pa man ito na ang problema nila sa akin. My heart failure.

" Mom okay lang po ako, besides I'm with Tyler right now" mariin kong sabi at tiningnan ang taong katabi ko na super focus sa pag d-drive. Malayo layo pa ang biyahe dahil sa Laguna pa ang bahay namin at nasa Manila kami.

" Alam na ba ni Tyler ang sitwasyon mo anak?" napapikit ako sa tanong ni Mommy. Hindi ko kayang sabihin kay Tyler, wala akong balak ipaalam aa kanya.

" N-no Mom, I'll tell him soon" mahina kong sambit upang hindi marinig ni Tyler.

"You better be Vrae" pagkatapos niyang sabihin yon ay ibinaba ko na ang tawag. Sumandal ako sa upuan at pumikit. I'm so exhausted. Tumingin nalamang ako sa bintana at pinagmasdan ang aming nadadaanan. Malakas akong napabuntong hinga dahil sa nangyari kanina. Akala ko ayos na ko, akala ko lang pala. Mapait akong napangiti. Napatingin naman ako Tyler ng mapansin kong may kausap ito.

" Bryle just call James about it, I'm busy right now, We're going to Laguna" bakas ang inis sa boses nito dahil sa kausap. I wonder why.

"Woah, chill pre. You're with Vrae?" dinig kong sabi ng kausap nito. Agad naman itong sumagot ng oo at ibinaba na ang tawag. Dahil malayo pa naman ang aming pupuntahan ay natulog na lamang ako.

-------------------
-------------------

Nagising nalamang ako ng may tumapik sa pisngi ko. Si Tyler.
" We're here" dinig kong sabi nito kaya't inayos ko na ang sarili ko. Nauna na itong bumaba at inayos ang sarili, nagulat ako ng pagbuksan ako nito ng pinto.

" Thank you" nahihiya kong pasalamat sa kanya, ngunit hindi niya ako pinansin. Ang mas kinagulat ko pa ay when he put his arms on my tiny waist. Sakop na sakop yung bewang ko.

" Let's go" lumakad na kami papasok sa bahay. Nang makapasok kami ay nagulat ako ng hindi lamang pamilya ko ang nandito. My in-laws are also here. Tinignan ko si Tyler ngunit wala man lang bakas ng gulat ang mukha niya.

" Why didn't you tell me that your family will be here? " takang tanong ko sakanya dahil wala akong kaalam-alam.

" You didn't ask " tamad niyang tugon sa akin. Lumapit siya kay Tita Luisa at humalik dito. Mabilis naman akong sumunod sakanya at nagmano din.

" Hello there young lady, how are you and Tyler?" tanong sa akin ni Tita. " We're fine po Tita" daling sagot ko.

" Oh c'mon, call me Mom" parang nagtatampong sagot nito. Hindi pa din kasi ako sanay na tawagin siyang Mom kaya i stick with calling her Tita.

" Uh, okay po M-mom" nahihiyang tawag ko sakanya bago humalik sa pisngi nito. Hinanap naman agad ng mga mata ko si Mom ngunit nagtaka ako ng makitang wala ito , nagulat nalang ako ng may sumigaw na boses galing sa kitchen.

" Leandro our daughter is here na" rinig kong tawag niya kay Daddy. Mabilis naman akong tumakbo sakanya ngunit ang ngiti niya ay nawala ng makita niya akong tumatakbo kaya't agad niya akong sinenyasan na mag dahan-dahan.

Nang makalapit ako sa kanya ay mabilis ko itong niyakap ng mahigpit at hinalikan sa pisngi. " I missed you so much Mom" naiiyak kong sabi.
Mabilis naman ako nitong inalo upang hindi maiyak lalo. " Shhh, don't cry baby" hinaplos-haplos niya ang likod ko upang tumahan.

" Can I join you guys? " rinig kong boses sa likodan kaya napatingin ako dito. " Dad!" sigaw ko at patakbong lumapit dito. Agad naman ako nitong niyakap pabalik.

" How are you Dad?" tanong ko habang yakap ito. " I should be the one asking you that Vrae, your Mom told me what happened earlier" seryoso nitong pangaral sa akin. Sinabi na pala agad ni Mommy.

" I'm fine Dad just slight pain , it's endurable naman po " saad ko naman dito at kumalas sa yakap. This is the reason why I don't want to tell them if i have my episode because they're so worried as hell. Ayokong makita sila na nahihirapan at nasasaktan dahil sakin.

------------------------------------
thank you po :))

At The End of the DayDonde viven las historias. Descúbrelo ahora