Chapter 21

233 9 2
                                    

"Kamusta na pala si Kuya Ish??"


Napaangat ang tingin ko kay Nathan nang magtanong ito. Nandito ako ngayon sa mansion kasama si Vince dahil nagluto si Mommy ng pagkain.


"He's still asleep," Sagot ko.


"Makakalimot ba siya??" Tanong ulit nito.


"We still don't know about that," Humigpit ang hawak ko sa kutsara ko.


Just the thought of my cousin losing his memories makes me want to rage.


Napatayo kaming lahat na nasa lamesa nang biglang dumating si Tita Mae. Kasama nito si Tito Den na kakambal ni Mommy. Mga magulang ni Ish.


"I'm sorry ngayon lang kami," Ani Tito at bumati sa mga tao doon. "Can you accompany us to the hospital, hija??" Tanong nito sa akin kaya agad akong tumayo.


Tumango lang si Mom at sumunod naman na sa akin si Vince. We used his car papunta sa ospital habang nakasunod naman ang mga magulang ng pinsan ko.


"Nagpapahinga ka pa ba??" Vince asked nang makarating kami sa parking lot ng ospital.


Sinabi ko muna kina Tito ang room number ni Ish bago ako humarap ulit kay Vince. Hindi pa kami bumababa ng sasakyan. I turned to him and gave an apologetic smile.


"Binantayan ko lang si Ish dahil wala pa mga magulang niya," Sagot ko at tinanggal ang seatbelt. "Don't worry uuwi na ako sayo mamaya." I cupped his face and gave him a soft kiss on the cheek.


"Miss na kita," Nakangusong aniya.


I sighed. "I'm sorry, baby."


Isang buong linggo na akong hindi umuuwi sa condo namin dahil binabantayan ko si Ish sa ospital. Hindi naman pwede si Ate Lea dahil abala siya sa pag ayos ng kaso.


Naging busy na rin kaming pareho ni Vince sa trabaho. Mas naging hands on kami sa mga site na hawak namin. Lalo na at palagi akong hatak ni Mika. She just got appointed as the head of the architecture department.


Bumaba na kami sa sasakyan para umakyat sa kwarto ni Ish. Parang gusto ko na lang ulit bumalik sa sasakyan nang makita kong umiiyak si Tita Mae. I can't understand how I am able to withstand seeing myself cry but I break to easily when I see my loved ones crying.


"Hindi pa rin siya gumigising," Nandoon si Ate Lea.


"He will soon, don't worry." Lumapit ako kay Tita para patahanin ito. Tito was talking to the doctors about my cousin's state.


Everyone looked worried, sino ba naman ang hindi? We don't know when he'll wake up and what will happen to him when he wakes up. Even Vince looked really worried for his best friend. We stayed for a few hours before me and Vince decided to go him already dahil gabi na.


"Sandali," I stopped Vince from going in the car. "Kakausapin ko lang saglit si Ate Lea."


"Take your time, Bub." He gestured ma maghihintay lang siya doon sa kotse.


Sinundan ko si Ate Lea sa kotse niya at agad naman akong hinarap nito nang mapansin na nakasunod ako. I looked at every direction to make sure na walang makakarinig sa pag uusapan naming ni Ate Lea.


"Yes, baby??" She asked as she was looking for her car keys.


"Can you help me??" I bit my lower lip because I was feeling nervous.


Tears of the Paradise (Isla Filipinas Series #2)Where stories live. Discover now