lalim

14 1 0
                                    



hindi ako eksperto sa paggawa ng haligi o ano mang establishimento.
pero nakagawa ako ng mga pader na nakapaikot sa aking mundo.
tingkayadin mo man o gumamit ng hagdan ay 'di mo maabot sa tayog nito. matibay ito.
sa nagdaang mga taon sinigurado kong mapoprotektahan ako nito.
may saktong lalim mula sa pinakailalim. na 'di pangkaraniwang tutuklasin o sisisirin.
may mga sumubok ngunit kung ikukumpara sa paglusong mula sa dalampasigan ay umaahon kagad ito ng umabot ang tubig sa kanyang mga dibdib.
'di kinaya ang dilim at lalim.
mga sikretong kumukulimlim na tuklasin.
umahon at di na muling bumalik.

ganon naman palagi may mga lalim na kahit sino man ang dumating ay hindi ito lulusong sa pinakailalim at tatanggapin na ikaw ay iba,
iba mula sa mga pangkaraniwang babaw ng tao.
na ang lahat ng damdamin ay maigi mong dinadama at tumatagos mula sa iyong buto,
na ang malillit na bagay ay siyang sa iyo'y nagsasalba; yakap na mahigpit, tapik sa balikat, mga salitang sa iyo'y nagpapakalma, mga maliliit na bagay na nagpapaalala sayo sa kanila.

lalim na, ang ulan ay ang iyong kumot na yumayakap sa iyong init.
na ang kulog at kidlat ay nalikisabay sa ingay ng iyong utak. maingay at matalim.
na ang mga liriko ng kanta ay siyang nakaguhit sa aking balat, nakaukit.

baliw daw ako ngunit sadyang may sari-sarili tayong sira sa utak na may kanya kanya tayong paraan para maikubli ito; sa tawa o ngiting tipid, kibit-balikat, o sadya mang pag-iling.
nais lamang ay matanggap na ang ang ikot ng aking utak ay alon na sa tuwing buo ang buwan ay umaalon ng marahas at di papaalpas.
gustong maabot ang mga tala o kahit madampian ang buwan na nagkukubli sa mga ulap.
nais ko lamang matanggap.
sa paraan na 'di ko na kailangang ipaliwanag ang aking sariling mga letra ng bawat salitang hindi ko maibigkas sa paraang gusto kong ipahiwatig gaya ng katahimikan at buntong hininga.

hindi ko gustong maisalba, ang nais ko lamang ay maintindihan.

                                                   - mnnttlcrrn

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

                                                   - mnnttlcrrn

Letra't mga Parirala. Saknong at mga Taludtod.Where stories live. Discover now