pag-iisa

14 1 0
                                    

may panahong gusto kong mapag-isa. hindi ang malungkot na mapag-isa.
bigla nalang itong kakatok sayo.
at pagbubuksan mo.
pagtakas.
pagtakbo.
pananahimik.
paglayo.
pagpikit.
o kahit ano pang salitang magtutugma sa pag-iisa.

tila ubos ang baterya sa pagiging tao,
pagod
pagod magalit
pagod maging baliw
walang gana,
nasawa na,
sa walang kasiguraduhan ng bukas o kahit sa susunod na oras

pahinga kung saan ayaw mong lamunin ng mundo
sa pagiging masalimuot nito
pagsalba
pag-ahon
pag-layag
pag-lipad
paghilom
pagtakbo
sa kung saan ka ligtas,
sa ginawa mong mundong ikaw lang ang nakakapasok
tahanan na iyong inuuwian
ginawa mo na rin itong sumbungan.

sabihan ka mang baliw sa iyong paggawa ng tahanang
walang bubong
sahig o kaya nama'y bintana
magkibit balikat ka
dahil 'di nila alam
wala silang alam

na ito'y ang tunay na tahanan
na palaging
babalik-balikan.

balik-balikan.

Letra't mga Parirala. Saknong at mga Taludtod.Where stories live. Discover now