24

50 13 3
                                    


Star's P.O.V

"Star hey wake up. You need to eat"

"Hmmmm" napakaingay naman kase ng higaan ko. Niyakap ko ng mahigpit ang unan ko at sinubukang matulog ulit

"Hey sleepyhead everybody's watching" bulong ng unan ko

"If you don't wake up I'll kiss you till you drop" Agad akong napamulat ng mata bumungad sakin ang napakalapit na muka ni Helios kaya agad akong lumayo rito

Nakita ko naman ang pag ngisi nito

"Here eat this" kinuha ko ang isdang inabot saakin ni Shark at sinimulang kumain. Napansin ko namang hindi kumakain si Cloud kaya kinuha ko ang natitirang isda at inabot rito ngunit imbis na kunin ay ngumisi lang ito sakin

"Ate star! Come here!" Nawala ang atensyon ko kay Cloud ng tawagin ako ni Forrest. Naglakad ako papunta kay forrest at umupo sa tabi nito

Nag sasalita si forrest pero hindi ko maintindihan ang sinasabi nito nakatingin lang ako kay Cloud na hanggang ngayon ay nakangisi saakin

Nagulat naman ako ng hilahin ako ni Shark papunta sa gilid ng ilog malayo sa grupo agad itong yumuko at pumantay sa tenga ko

"Pansin mo ba?" Agad napakunot ang noo ko dahil sa tanong nito

"Ang alin?" Mahinang bulong ko

"What are you two doing?" Napaayos si shark ng marinig namin ang boses ni Helios

"Come here Capt! Wag kang maingay" mariing bulong ni shark nilagay ni Helios Ang mga kamay nito sa kanyang bewang at maangas na lumapit saamin

"Cloud." Maikling sambit ni Shark

"Hmmm kala ko ako lang nakapansin" seryosong Bulong ni Helios

"If this is about him acting strange yes kanina ko pa napapansin" mahinang bulong ko sa dalawa"

"What do you both think happened to that scallywag?" Mahinang tanong ni Shark

Napatingin naman kami kay Cloud na nanlilisik ang matang nakatingin kay Night na kumakain ng isda at makikipag tawanan kila Forrest at Land

"Kanina habang nag hihilamos ako I thought namalik-mata lang ako but parang hindi eh parang totoo" mahinang sabi ko habang nakatingin sa parte ng ilog kung saan ako nag hilamos kanina

"What do you mean?" Tanong ni Helios habang nakalagay ang dalawang kamay sa batok

"His reflection. It was not him I saw a brown thing with leaves sa reflection nya sa tubig do you think na it has something to do with him acting strange?" Pinalipat lipat ko ang tingin ko sa dalawang piratang kasama ko

"Shiver me timbers. elfi mutaforma" mas lalong sumeryoso ang muka ni Helios dahil sa sinabi ni Shark

"Elfi what?!" Tanong ko

"Elfi mutaforma are shape shifting elves, they're elves but they are taller than humans. Once they had contact with anyone they can copy all their victims trait"

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Helios. In our time wala ng naniniwala sa mga tanong bagay we thought that they we're just created by people from the past para maging panakot sa mga bata but they were actually true

Tumingin ako sa kinaroroonan ni ni Cloud napakapit ako kay Helios nang makita kong nakatingin ito sakin nanlilisik ang mga mata at nakangisi

Naramdaman ko naman ang pasimpleng pag tago sakin ni Helios sa kanyang likuran

"Wag kang magpahalatang alam na natin. They can copy the traits and features of humans but they have a small brain. That's their weakness."

Sinubukan kong ngumiti kay Cloud para sundin ang sinabi ni Helios Agad naman itong nag iwas ng tingin at ibinaling ang kanyang atensyon kay Land na nagsasalita ngayon

"Shark. Bring Land with you and find Cloud"

Hindi na nag aksaya ng oras si Shark at mabilis na naglakad papunta sa kinaroroonan nila Land  agad nitong hinila si Land sa kwelyo ng damit nito

"Ano ba?!" Sigaw ni Land habang sinusubukang alisin ang kamay ni Shark pero parang tuod na walang pakielam si Shark habang hinihila si Land papasok sa gubat

Naglakad naman kami ni Helios pabalik kila Forrest hinawakan ko ang dulo ng damit ni Helios Alam kong ramdam nya ang takot ko dahil mahigpit nitong hinawakan nito ang kamay ko

"Kuya ano yan ha?" Mapang asar na sabi ni Forrest habang nakatingin sa kamay naming mag kahawak ngunit siningitan lang ito ni Helios kaya napanguso nalang si Forrest

Napansin ko namang pasimpleng nag sesenyasan sila Helios at Night gamit ang kamay nila

Isang hintuturo ang inilabas ni Helios nakita ko namang nag labas ng apat na daliri si Night napansin ko naman ang pasimpleng pag turo ni Helios Kay Cloud gamit ang kanyang mata bakas naman sa muka ni Night ang pag tataka

Night's P.O.V

"Ano ba!" Sigaw ni Land ng bigla nalang ito hablutin ni Shark  sa kwelyo nito at sapilitang simula ito sa loob ng gubat

ano nanaman kaya ginawa ng siraulo na yon at mukang galit si Shark?

Napangisi nalang ako sa kakaupo lang na si Helios at Star na magkahawak ang kamay na inaasar ni Forrest

Masyado palang possessive ang sira ulong kapitan namin. Nagulat ako ng sumenyas saakin si Helios

Pasimple nitong inangat ang hintuturo nya. Pasimple kong hinawakan ang sandata ko dahil nangangahulugang May kalaban ang senyas na ginawa nya

Apat na daliri ang pasimple kong pinakita rito nangangahulugang nasaan

Pasimple itong sumenyas na tumingin ako kay Cloud tumingin naman si Helios kay Star na bakas sa mga mata ang takot.

Nagtataka akong tumingin kay Cloud na ngayon ay nanlilisik ang mga mata na nakatingin kay Forrest na kumakain ng isda

Something is wrong

Ng tumingin sakin si Helios ay agad itong sumenyas saakin pitong pikit ang ginawa nito nangangahulugang mag antay ako ng tamang oras para sumugod napansin ata nitong hawak ko ang sandata ko

Dalawang daliri naman ang senyas nito ngayon nangangahulugang umarte ako ng natural tumango naman ako rito

"Forrest ayusin mo nga yang damit mo para kang hindi dalaga!" Pangaral ko kay forrest ngunit inirapan lang ako nito

Nakita ko naman ang pasimpleng pag ngisi ni Helios

"Cloud kumain ka na at pagbalik nila Shark aalis na tayo" binato ni Helios Ang isda kay Cloud ngunit imbis na saluhin ay tumama lang ito sa noo ni Cloud

"BLIMEY! KUYA bat mo naman kase binato si kuya Cloud?!" Inis na sabi ni forrest

Akmang tatayo si forrest ngunit inunahan ko na ito nakita ko namang sinenyasan siya ni Helios

"Bat ka ba nagbabato captain? Oh Cloud Kainin mo na yan para May lakas ka sa paglalakbay natin" inabot ko kay cloud ang isda at kinuha naman nya ito parang asong kinain ni Cloud ang isda gamit ang kanyang bibig sa pagkakataong iyon alam ko na kung ano ang kaharap ko.

An Elfi mutaforma.

Where The Sky Meets The SeaWhere stories live. Discover now