SIMULA

254 35 36
                                    

Simula

"Leonardo Di Ser Piero Da Vinci was an Italian polymath of the Highly Renaissance who is widely considered one of greatest painters of all time, despite fewer than 25 of his painting having survived."

"He is widely considered one of the most diversely talented individuals ever to have lived even though he had no formal academic training."

"Ang kanyang mga likhang sining ay binigyang papugay at pagkilala dahil hindi sa matatawaran mensahe na nakapaloob dito, at kaagaw-agaw na ganda ng mga ito."

"Ilan sa kanyang mga gawa na binigyang pagkilala ay ang 'The Last Supper' na binigyan ng titulo bilang most reproduced religious painting of all time, habang ang 'Vitruvian Man' naman ay kinilala bilang cultural icon, dahil sa pag papakita ng iba't-ibang kultura ng mga tao noon sa Rome."

"Kung papansinin ninyong maigi, lahat ng gawa ni Leonardo Da Vinci ay may nakapalood na mensahe. Lahat ng kanyang gawa ay talaga namang magbibigay sainyo ng ideya sa mga bagay-bagay."

"Pero sa lahat ng kaniyang likhang sining, isa lang ang hindi masagot-sagot ng maraming tao, at maging nang mga eksperto sa pagpipinta."

"Ito ay ang misteryosong babae na ipininta ni Leonardo Da Vinci sa taong 15th century na pinangalanang Mona Lisa."

"Pero Ma'am, di po ba ayon sa research, si Lisa Del Giocondo raw po talaga ang babaeng nasa painting na 'yon ni Da Vinci?"

"Paano mo naman na sabi?"

"Eh Ma'am, may proof daw po na nahanap sa isang library sa Italy na nagpapatunay na si Lisa Del Giocondo at si Mona Lisa na ipininta ni Da Vinci ay iisa."

"At saka Ma'am, may ilang theory rin po akong napanood, at ayon po sa kanila, bakla raw po si Da Vinci kaya ipininta niya na lang ang sarili niya bilang isang babae."

"Lahat ba ng inyong tinuringan ay sigurado kayo na totoo?"

"Hindi Ma'am."

"'Di po."

"The word "history" has several meanings. History is an umbrella term comprising past events as well as the memory, discovery, collection, and interpretation of these events. Sa kwento ng kasaysayan maraming haka-haka, maraming sabi-sabi, pero ni isa rito hindi natin sigurado kung totoo. Sa isang kwento, may napakarami pang kwentong nakapaloob dito. Sa pag-aaral ng kasaysayan para kang nagiging instant detective, hindi mo alam na ang bagay na matagal mo ng pinaniniwalaan ay isa lamang kasinungalingan. Katulad na lang ng paniniwala niyo ngayon..."

"Alam niyo ba na hindi lang si Leonardo Da Vinci ang nagpinta sa Mona Lisa?"

"Hala Ma'am totoo?"

"We, 'di nga Ma'am?"

"Si Leonardo Da Vinci ang nag-umpisa na magpinta sa Mona Lisa, pero hindi siya ang nagtapos nito."

"Kung ganun, Ma'am. Sino ang tumapos sa Mona Lisa?"

"Isang ordinaryong babae na walang alam sa pagguhit ang tumapos sa Mona Lisa. Dahil sa labis na pag-ibig nagawa siyang turuan nito na ipinta ang lalaking pinakamamahal niya."

"Ha? Ma'am ang gulo! 'Di po ba babae si Mona Lisa? Paano naman siya naging lalaki bigla?"

"Eh Ma'am sigurado ka po ba dyan? Baka naman po gawa-gawa mo lang yan?"

"Oo nga Ma'am! Hindi kami naniniwala. Napakaimposible po."

"Kung ganon, bakit ko naman kayo pagsisinungalingan? Maniwala kayo sa'kin, may mga kwento ang hindi nailagda sa mga libro. Marami pa kayong hindi nalalaman tungkol sa kasaysayan."

"Bakit Ma'am? Bakit may mga kwentong hindi nailagda sa mga libro?"

"Marami ang rason. Pero alam niyo ba kung ano ang pinakamasakit na dahilan? Ito ay ang kasawian sa pag-ibig. Ang piliin ng dalawang tao na manahimik patungkol sa kanilang kwento ng pagmamahalan upang maiwasan ang kanilang sakit na nararamdaman."

"Paano mo po nalaman ang lahat ng ito kung hindi naman po pala ito nakasulat sa mga libro?"

"Dahil ang taong nagmamahal, ay hindi makakalimot kahit na ilang dekada na ang nakakaraan...Dahil ang babaeng ikwenekwento ko sainyo na nagmahal ng lubos kay Leonardo Da Vinci at tumapos sa painting na Mona Lisa ay ako..."

"I am the Lover of Leonardo Da Vinci, the modern Mona Lisa."

------------

"I am the Lover of Leonardo Da Vinci, the modern Mona Lisa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"I am the Lover of Leonardo Da Vinci, the modern Mona Lisa."

MONA LISA: The First PortraitWhere stories live. Discover now