Kabanata 1

147 23 38
                                    

Kabanata 1: Si Elizabeth at Caroline

"Self-confidence cannot be taught but is reached by the individual when they decide to believe in themselves." -Elizabeth

————

"OmyG, Carolita! What happened to your face?!" pambungad na tanong ni Elizabeth habang nakahawak pa ang kanyang mga kamay sa bibig, na tila ba hindi makapaniwala sa itsura ko ngayon.

Agad siyang dumiretso ng pasok sa kwarto, at saka naupo sa kama para mas mapagmasdan ako.

Napailing na lang ako sa bigalang kilos niya. At saka muling nagtalukbong ng kumot, dahil panigurado, sermon na naman ang aabutin ko sa kanya nito.

"Bakit ganyan 'yang mukha mo! Hindi ka na naman ba natulog?" May bakas na pag-aalalang tanong niya.

Bumuntong hininga na lang ako, at mas lalo pang ibinalot ang sarili sa kumot. Wala ako sa timpla para makipag-usap sa kahit na kanino, ngayong pagod na pagod ako buong gabi dahil sa pagpipinta.

"Hoy kinakausap kitang babaita ka!" Malakas ng sambit niya, na ngayon ay bakas na bakas sa boses ang pagkairita sa inasta ko.

Hindi ako sumagot at saka aktong natutulog na sana muli nang sapilitin niyang hinila ang kumot na nakabalot sa katawan ko.

Napabalikwas at inis ko siyang tinignan, pero nginisihan lang ako nito at saka namewang sa harapan ko.

"Ikaw na babait ka! Napaka mo talaga! Ate Chona ka ba ha, gurl?" tanong niya. "Bumangon kana dyan, aba baka nakakalimutan mo mayroon pa tayong klase ngayon!"

Wala sa sarili akong napairap sa kawalan. Ito na naman, papasok na naman ako sa klase na pakiramdam ko, ako ay naiiba.

Fine Arts ang kinuha kong kurso sa isang kilalang universidad sa buong Maynila. Ang University of the Philippines o mas kilala bilang UP ay isang pampublikong paaralan para sa mahihirap, talentado at biniyayaan ng katalinuhan, katulad nitong pinsan kong bungangera.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ko nagawang makapasok sa isang prestiryosong iskwelahan na 'yon gayong wala naman ako gaanong katalinuhan at higit sa lahat, wala akong talento lalong-lalo na sa pagpipinta.

"Huwag mong sabihin na ayaw mo na namang pumasok sa iskwela?!"

Tumango ako at saka alanganing tumingin sa kanya, "Parang ganon na nga."

Ayoko talaga pumasok sa klaseng iyon. Sa klase kung saan hinahasa kami sa pagpipinta. Hindi ko alam pero sa klaseng 'yon talaga, para akong naiiba. Para bang nasa isang kwarto akong punong-puno ng talendatong tao, habang ako ito, tarantado lang.

"Aba, Hoy Carolita! College na tayo, kailangan na nating magseryoso!" Panenermon sa 'kin nito. "Aba, walang tamad-tamad ngayon, baka nakakalimutan mo malapit na ang finals natin—"

Hindi ko na tinapos ang sasabihin niya.  Agaran akong tumayo mula sa pagkakahiga, at saka dire-diretsong nagtungo sa salamin para kumuha ng panali sa buhok.

"Tignan mo 'to, bastos na bata! Alam ng kinakausap siya, at saka ako tatalikuran!" Naiinis na sambit niya, habang nakasunod sa likuran ko.

Napailing-iling na lang ako sa inaasta niya. Ganito siya sa'kin lagi tuwing umaga, sa araw-araw na lang talaga akong nabubusog sa panenermon niya.

"Hoy ano ba, CAROLITA! Kinakausap kita, humarap ka nga sa'kin." Pagde-demand niya pa, habang mariin na binabanggit ang pangalang pinaka ayoko.

Bagot akong humarap sa kanya. "Ano na naman ba ha, Elizabeth? Ano pang ise-sermon mo? 'Di ka pa rin ba tapos?" naiinis na ring sambit ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MONA LISA: The First PortraitWhere stories live. Discover now