Chapter 4: Ing kutang [ Ang Tanong ]

Nagising ako dahil sa ingay ni Aurel, dahil pinag-uumpog niya ang dalawang takip ng kaldero at ang sakit nun sa tenga!

" Ano ba?!" singhal ko sa kanya. "Ang aga-aga, alas-singko palang!" dagdag ko pa,

" Gising na alipin, Unang araw na ng pagtatrabaho mo ngayon!" malakas na sigaw nito at hinila pa ako papatayo!

Napaungol nalang ako at padarag na hiniga ang aking katawan, Aray! ang tigas ng higaan, umarko kaagad ang likod ko dahil sa sakit at tumawa nang malakas si Aurel!

" Rugo, katangahan naman pung babi" [" Ay, ang tanga naman ng baboy na ito!"] sabi niya at ngumisi pa dahil sa posisyon ko ngayon na mukhang may pasan na isang kaban ng palay sa likod. Ang sakit kaya!

" Ma'am, tayo na po kayo ma'am," sabi ni Maria at inalalayan ako patayo. " Masakit po ba ang likod niyo?" tanong niya habang hinahagod hagod ito.

"  Mukhang bang okay ako?" pagtataray ko at biglaang tumayo. Ang sakit! Napahawak nalang ako sa balakang ko at minasahe iyon...

" Wag ka ngang umarte diyan, unang araw mo ngayon, bilisan mo, magdadamo tayo ngayon tapos magtatanim tapos mamimitas tapos..---"

" Sandali lang pwede ba? Magsesepilyo na muna ako kamahalan..." sarkastikong tugon ko at yumuko pa para mas magmukha akong alipin!

" Good, bilisan mo!" sabi niya pa at mabilis na umalis sa kwartong tinutuluyan namin.

***

" Ma'am paano niyan? Kaya niyo kaya?" tanong ni Maria habang inaayos ang susuotin ko mamayang magtatrabaho kami, pinasuot niya sa akin ang isang green na longsleeves at isang pants na kulay brown, inabot niya sa akin ang salakot at pinatong iyon sa nakapusod kong buhok.

" Oo kaya ko," wala sa sariling tugon ko at bumuntong hininga nalang.

Lumabas na ako sa bahay at pinasuot rin sa akin ni Maria ang isang pares ng boots, halos madapa ako nang buhatin iyon ng mga paa ko, ang bigat! Ang tigas mng boots na ito!

" Dahan-dahan lang po ma'am" wika ni Maria at pumasok na sa loob ng bahay.

Kanina kasing nag-almusal kami ay pinagusapan na si Maria ay siyang tutulong sa dalawang mag-asawa sa gawaing bahay at siya rin ang mag-aalaga kay Angelo. Umalis na si Teban papuntang Baliti, sakay sakay ang hiniram niyang bisikleta ni Ingkong Salem. Samantalang kaming dalawa raw ni Aurel ay pupunta sa kanilang bukid at magtatrabaho hanggang hapon. Pinabaunan niya rin kami ng pagtanghalian, nakabasket iyon at mayroong nilagang itlog, inihaw na manok at isang pitsel ng tubig. Nakabalot rin sa dahon ng saging ang  ilang sandok na kanin na may nakapatong na kamatis at asin. 

Buhat-buhat ko ngayon ang basket at ang mga kagamitan na gagamitin namin mamaya, samantalang si Aurel ang taong patpat na ito ay swabeng naglalakad na walang buhat buhat. Ang bilis nitong maglakad!

" Mayap a abak, Aurel!" [" Magandang Umaga Aurel"] bati sa kanya ng mga tao rito na sa tingin ko ay  mga trabahador niya at yumuyuko pa ang iba, hindi naman sa nagmamayaman ako pero mukhang ekta-ektarya nga ang kanilang lupain pero yung bahay nila ay di nila kayang ipagawa man... Kuripot siguro ang mokong na ito!

" Dalian mong maglakad!" sigaw niya kaya binilisan ko pa ang paglalakad ko, dumaan sa palayan at dinaanan rin namin ang taniman ng mais, mani, kalamansi at tubo. Halos maubos ko na ang inumin namin pero hindi pa rin kami nakakarating sa destinasyon namin. Sadyang malaki nga ang kanilang lupain at higit  sa lahat ay mukhang sa kanila talaga iyon, dahil lahat ng mga tao ay binabati siya at pinasasalamatan sa magandang ani nilang nakuha. Kahit na kapampangan ang wika nila ay parang naiintindihan ko na rin! Ang galing! Ang  talino ko talaga!

Sampaga Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon