Chapter 9: Patawad

" Ha anong sinabi niyo? Planado lahat ng nangyari kanina?!" naghihisterikal na usal ko mas lalo yatang tumaas ang temperatura ng aking katawan sa aking nadinig, Ni-prank nila ako?

Hinagod ni Maria ang likod ko at waring pinapakalma ako. Tumawa naman si Teban at nagpasorry dahil nadulas siya at naibulgar ang kanilang ginawang prank kanina sa akin. 

Sinuntok naman ni Aurel si Teban at mabilis naman itong pumasok sa loob ng bahay nina Aurel, sabay ng paghatak kay Maria.

" Totoo ba 'yon Aurel?" nagpipigil na usal ko, nagmukha akong ligaw na pusa kanina at ang dami kong pinagdaanan, muntik na nga akong mamatay e, kinuyom ko ang aking kamao at akmang susuntukin sana siya ngunit umilag ito pero di niya alam ay nakaabang rin ang sugatan kong paa para tadyakan ang kahinaan niya, Gotcha! Makabawi man lang. Sino nga ba ang matutuwa kapag pinrank ka at higit sa lahat ay ikamatay mo pa!

Napadaing si Aurel sa sakit at parang lumabas sa kanyang bibig ang impit na mga mura," Bagay sa'yo! Sa susunod na gumawa ka ng masama sa akin at i-prank mo ako ulit, mas doble ang gagawin ko at tiyak na maghihirap ka, choose your enemy, patpating tao" saad ko at tinalikuran siya, pero nagulat nalang ako sa sarili ko na nais lumingon ulit at pagbugbugin ko siya hanggang sa malusaw ang katawan niya, di ko expect na mangyayari ulit yung araw na naligaw ako sa kagubatan at walang ibang tumulong sa akin kundi ang aking sarili. Napakagat nalang ako ng aking labi at pilit na pinipigil ang impit na mga paghikbi, umaapaw na rin ang namumuong luha kanina pa.

Humarap akong muli papunta sa kanya at tiningnan siya ng diretso sa mata. " You know what I'm doing my best just to satisfy you and yet ito yung binigay mo sa akin Aurel... nagpapakaalipin ako sa'yo para lang makatira kami sa pamamamahay niyo pero sumusobra ka naman, hindi ka ba naaawa sa akin?" nanlulumong saad ko at pinunasan ang aking luha na umagos na kanina pa sa aking magkabilang pisngi.

" Niligtas ka na nga kanina e" pabalang nitong sagot at napalingon akong muli sa kanya.

" Salamat" mapait kong tugon. " Di ko alam kung dapat bang ipagpasalamat yung mga bagay na ginawa mo kanina, pinrank mo ako Aurel, di sana ako magkakanda-sugat-sugat na ganito kung di mo ginawa 'yon!" saad ko habang pinipigil ang paghikbi. " Oo, Aurel mahina akong tao sa mga prank prank na 'yan, pero gusto kong malaman mo na minsan na akong niligaw sa kagubatan noong kabataan ko, at hindi ko alam kung sino ang mga taong nangligaw sa akin, tila yatang umulit ang nakaraan ko pero ang kaibahan nga lang ay prank ito, sige ikaw na, nagtagumpay ka na sa prank mo, happy ka na?" sarkastikong tugon ko at pinatatag ang sarili at tinalikuran siya.

Dumiretso ako sa kwarto at bumungad doon si Maria na aligaga namang lumapit sa akin. " Ma'am okay ka lang ba?" aniya.

" Okay na okay, ang saya nga ng palabas kanina, 10 over 10 perfect na perfect talaga " sarkastiko kong tugon at dumako sa mga bagahe.

Pinulot ko ang ilan naming mga gamit at nilagay iyon sa aking mga maleta.

" Aalis na po ba tayo ma'am?"  tanong ni Maria habang nagkakamot pa sa ulo nito na waring away niyang umalis sa lugar na ito.

" Kung gusto mong manatili rito Maria, di kita pipigilan pero ako? Desidido na ako Maria,  no one can stop me anymore..."

Sampaga Where stories live. Discover now