Chapter 17

62 10 0
                                    



Mari's POV

"Sinag?" Pagkamulat ng mga mata ko pagkatapos ng malakas na pag-ikot ng hangin, siya agad nakita ko. Inaabangan niya ba ako?

"Mari?" Unti-unti akong humakbang palapit sa kanya, pati siya. Parang bumagal ang paggalaw ng universe. Pero hindi ko namalayang....

kayakap ko na pala siya.

"Sinag.... I missed you."

"Ako rin Mari." We stayed like this for who knows how long. Ang importante magkasama na ulit kami ngayon.

Time Skip

"Biglaan ka nalang ba umalis sa inyo? Baka hinahanap ka nila."

"Hayaan mo Sinag. Hindi ako magtatagal."

"Ngunit iba ang takbo ng oras dito at sa inyo. Ang kakaunting panahon dito'y katumbas na ng ilang araw."

"Ayaw ko munang isipin yun Sinag. Nais lamang kitang makita ulit." Napatigil kami nang saglit. Maya-maya ngumiti ulit siya.

"Kung ganun. Dito ka ulit tumuloy sa silid na ito. Magsabi ka lang kung kailangan mo nang umalis. Ituring mo na rin 'tong tahanan mo. Kuha lang ako ng damit mo." Tumayo siya sa sofa at paalis na sana.....

kaso wala binack-hug ko siya eh.

"Labis na yata iyan Mari ah." Medyo asar niya sa akin.

"Hindi ko alam kung kailan tayo ulit magkikita Sinag. Kaya gusto kong sulitin ang mga sandaling nariro ako kasama ka."

"Gusto? Spanish?" Ay oo nga pala...

"Ibig kong sabihin, nais."

"Alam ko. Pangunahing kaalaman yun sa wikang yun."

"Tsk. Dito ka muna." Napa-pout ako sa kanya.... yikes hindi ako ganitong tao omg.

"Kung ayun ang nais mo, pagbibigyan kita."

And here we are, catching up with stuff.

"Nakabalik na kami sa pamantasan. Nagkita na ulit kami ng mga kaibigan ko. Sila Mahalina, Ligaya, Mayari, marami pa."

"Natapos na namin bakasyon namin kaya bumalik na rin kami sa paaralan."

"Bakasyon? Vacation?"

"Oo ganun na nga."

"Ang tagal nating hindi nagkita Mari. Sa katunayan hindi ko alam kung bakit ganito na nararamdaman ko. Eh isang araw kang tayo nagkasama."

"Ako rin....."

"Maaaring ito ang tinatawag na pag-ibig....." Kinikig ako roon ah...

"Ngunit ayaw ko pang magmadali. Isang napakalalim na bagay yun. Nais kong uri ng pagsasama yung ano.... yun nga dahan-dahan. Yung kilala na namin isa't isa, masaya sa isa't isa, hindi nagkakailangan, walang tinatago ganun. Ikaw ba Mari, bago ka mapadpad dito, may minahal ka na ba?" Sasabihin ko bang si Dian na siya sa kabilabg universe yung naging crush ko.... Tama walang tinatago raw gusto niya.

"Magugulat ka ba kung sabihin kong si Dian na kamukha mo ang hinangaan ko roon?" Napalaki siya ng mata.

"Talaga? Siya ang mahal mo roon?"

"Hindi naman sa mahal. Crush ganun lang." Gets naman siguro nito.

"Noong unang tingin palang hinangaan ko na siya. Ngunit may kasintahan na ito. Nais mo bang malaman kung sino?" Mash-shookt ito promise.

"Sino..? Kilala ko ba ito?"

"Si Gelo o sa sansinukob na ito, si Abian." And as expected nagulat siya.

"Pinsan ko? At ako? Sa kabilang sansinukob?" Tumango ako. Shookt nga istura niya ahahahaha laptrip.

"Hindi ko nga alam eh. Maaari bang nagkaiba ang dugo niyo rito at sa kabila Sinag?"

"Sandali lamang. Ang alam ko hindi." Nanlaki mata ko. Ibig sabihin.....

"Ngunti ang alam ko hindi ko siya biological cousin." Ohhh..... mali iniisip ko.

"Alam mo Mari huwag mo itong ipagkakalat ah." Ano crush niya si Abian? Pati ba naman dito?

"Minsan ko na ring hinangaan si Abian.... ngunit mga bata pa kami noon. Hindi ko batid na magkamag-anak pala kami. Hindi nga lang sa dugo." Sana all si Gelo/Abian.

"Anong mukha yan? Huwag ka nang magtampo. Hindi ako mawiwili sa kanya kagaya sa'yo." Uhhmmm ghorl what?

"Sa'yo ko lang naramdaman 'to." Kinuha niya naman kamay ko na malugod kong binigay.

"Mukhang ayaw ko nang itago. Sabik na sabik akong makita kang muli. Nais sana kitang kilalanin pa nang lubusan bago manligaw." Ligaw? Omg ang speed akal ko ba dahan-dahan.... charot papakilala nga raw nang lubusan eh.

"Mari, maaari ka bang maging Tala ko sa madilim na kalangitan?" Tala.....

———————————
Nag-aapoy na tala, natatanaw sa langit~~~

My Love From Another Universe [MarIan]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن