Prologue

20 3 0
                                    

PROLOGUE

"Ang gwapo talaga ni Calix!" Tumili si Charry nang makita ang nakaka laglag panty na ngiti ni Calix.

Every girls or should I say, everyone almost faint. It's just because of his smile though.

Bakit kaya nagkakaganito ang mga babae sa kanya, kahit ang mga mahinhin na babae ay nagiging maingay. Lakas naman ng impact!

Oh! Not really!

If malakas ang impact, lahat kikiligin. Lahat naman nag ingay at kinilig sa ginawa ni Calix or should I say Calixto.

Hindi naman eh! Ako nga lang toh, ang naka survive sa nagpapalindol niyang ngiti.

"O my gosh! He's really handsome!" Napairap na lamang ako sa ere dahil sa satsat ni Charry. Ginawa pa niya akong parang unan.

Si Charry ay ang aking matalik na kaibigan, mula nung elementary pa kami. Even we're Grade 12 students, magkaibigan parin kami.

Maganda si Charry at marami itong manliligaw. Black short hair at maputi ang balat nito. Matangkad naman siya at sexy rin siya. Matalino rin siya at active sa sports. Sumasali rin siya sa mga pageants.

Nasa football stadium kami ng Roosevelt University. Punong puno ng mga estudyante ang stadium. Marami kasing nanonood lalo na't si Calix ang bida sa laro. Kalaban nila ang ibang school. Maging ang mga estudyante ng mga iba pang paaralan ay nandito para manood sa laban.

"Wahhhh!"

"Ahhh!"

"Ohhhhh!"

"Yeeesss!"

"ROOSEVELT LIONS, HERE WE GO! ROOSEVELT LIONS, THE KING! THE KING! THE KING OF ALL!!!

Naghiyawan ang lahat ng mga tao sa stadium nang maka puntos si Calix. Ang cool niya talaga hah!

Muli siyang ngumiti at nag flying kiss pa sa banda namin. Marami kasing mga highschool students na babae sa banda namin. At may gusto silang lahat kay Calix.

Obviously!

But except for me!

At dahil doon, nagsitilian ang mga babae at nagmistulang uod o kiti kiti dahil sa kilig.

Parang may lindol ah. This girls... Nevermind!

Ang lakas ng karisma ni Calix hah! Hindi ako tinamaan! Stay strong lang po ang secret ko!

"Waahhh! Liana! Ang wafu wafu niya talaga!" Niyugyog ako ng todo ni Charry. Grabe naman kiligin itong BFF ko. Crush na crush niya talaga si Calix. Wafu word pa ang ginamit.

Nababaliw na ata siya.

"Ano ba Charry! Wag mo nga akong idamay sa kabaliwan mo kay Calix!" Marahas kong inalis ang mga kamay nito sa magkabilang balikat ko.

Ang bigat ng kamay ni Charry!

"Kyaaah! Ang wafu wafu talaga niya! I think I'm inlove!" Umarte itong nahimatay. Sinalo ko siya at pinatayo ng tuwid. Kinurot ko ang tagiliran niya.

"Aray naman Liana!" Ngumuso siya at humalukipkip.

"Nakakadiri kayong tingnan. Grabe naman kayo maka kilig! Para kayong baliw!" Pa irita kong saad at mas lalo siyang ngumuso nang umarte akong nandiri.

"Hindi ka talaga maka relate nuh!"

"Duh, of course! Hindi ko naman siya gusto!" Umiwas ako ng tingin sa kanya.

Parang na guilty ako. Hindi ko alam kung ano tong nangyayari sa akin pagdating kay Calix.

I'm always angry when girls flock at him, I'm always fuming mad of how he hits the girls! Sometimes, nervous with mixed feeling of excitement!

River of Tears (Seville Series 1)Where stories live. Discover now