FOURTEEN

7 0 0
                                    

FOURTEEN

Dear Miguel,

Sa ma'y bahay ang aming bati, Merry Christmas nawawalhati. Ang pag-ibig na syang naghari. Araw-araw ay magiging pasko lagi. Mamamasko po ng pag-ibig at atensyon! Hahahaha. Peace tayo! Merry Christmas! Kakauwi ko lang galing sa mall kasama ang mga pinsan at tita ko. Gumala kami dahil pasko naman, nanood rin kami sa sinehan at kumain sa isang restaurant. Nakakatuwa no? Kasi kasama ko ang mga pamilya ko pwera lang sa parents ko. Masyado kasi silang busy sa ibang bansa e. Naiintindihan ko naman na kaya nila binubuhos ang sipag at panahon nila doon ay para sa kinabukasan ko. Uuwi rin naman sila sa New Year kaya nga excited na ako e. Hehehe. Kayo? Kamusta ang pasko nyo ng pamilya mo? Kasama mo ba ang parents mo? Saan kayo nagpunta? Uy! Sorry ha? Na-turn off ka ba sa akin nung chinat kita bago magpasko? Sorry kung nakaistorbo man ako. Yiee! Nakakatuwa naman, alam kong nakita mo ako noong nagsimbang gabi ka kasama ang mga pinsan mo. Kasama ko rin ang mga pinsan ko noon e. Destiny hehehe. Joke lang. Kaso pagkatapos magbigay ng ostiya ni Father ay nawala na kayo. Nagstay pa man din ako doon para makita kita tapos mawawala ka rin pala. Ni hindi mo man lang ako nginitian nakakainis ka naman. Ang dami mo ng atraso sa akin! Ikaw ha! Akala mo. Grabe ka na, sana makita ulit kita sa susunod na simbang gabi. At sana ngitian mo na ako. Pogi ka pa naman kapag nakangiti, ayieee! Hehehehe. Sana ma-enjoy mo ang Christmas vacation mo at sana makita na ulit kita sa lalong madaling panahon. Miss na miss na kita, Migs.

-Yson

The Girl with a Broken HeartWhere stories live. Discover now