FIFTEEN

7 0 0
                                    

FIFTEEN

Dear Miguel,

Kamusta ka na? Matatapos na ang klase ngayon. Grabe! Ang daming nangyari sa loob ng tatlong buwan. Pinakilala sa akin ni Jejemon iyong pinsan nyang si Rayven. Mabait din si Rayven, gwapo, masayang kasama, mayaman rin sya at HINDI SYA JEJEMON. Hehehehe, nagulat nga ako ng malamang mayaman pala ang pamilya nila Jejemon at hindi talaga Jejemon ang pangalan nya kundi Jerome. Nagkunwari lang din syang jejemon dahil gusto nya raw mapalapit kay Mika. Alam mo naman si Mika diba? Hindi yun basta-basta nakikipag-usap sa mga lalaki kaya naman ayun at nagbakasakali si Jerome at ngayon ay nililigawan nya na si Mika. Ang sweet nga ng dalawa e, minsan nagmumurahan silang dalawa pero kahit ganun ay ramdam mong mahal na mahal ni Jerome si Mika. Kapag lumalabas kami nila Mika, Jerome at Rayven ay inaasar nila ako kay Rayven. Mabait si Rayven pero hindi ko talaga sya gusto in a romantic way. Anyway, nung february naman nakapasa ako dun sa elimination round sa math. May plus points tuloy ako sa card. Nakakatuwa talaga. Tapos wala akong bagsak ngayon, mabuti na lang at mabait ang mga teachers namin. Tsaka tinulungan rin kasi ako ni Jazleen na gumawa ng mga requirements. Siguro, tama nga si Jazleen no? Siguro hindi ko na dapat sayangin pa ang oras ko sayo. Pero sa tuwing sinusubukan ko, nahihirapan talaga ako. Ang hirap mong tanggalin sa sistema ko. Parang nakaprogram na sa puso ko ang pangalan mo. Ang hirap i-delete. Lalo na at sa tuwing magbubukas ako ng facebook ay lagi kong dinadalaw ang wall mo. Ang hirap hirap. Pero ikaw kaya? Nahihirapan ka kaya? Siguro masaya ka na sa buhay mo ngayon. May nakita nga ako sa wall mo na picture nyong dalawa ng babae at profile mo pa talaga. Ang saya naman talaga no?

-Yson

The Girl with a Broken HeartWhere stories live. Discover now