Chapter32 - ENGAGEMENT PLAN

1.4K 69 1
                                    

Khai POV

Nandito na kami sa sport complex ng R.U.S. Univ. halos kasing laki rin ito ng school namin.. Dito kasi magaganap ang opening then laro na agad..

Nakaline kami gaya ng sabi ng emcee..
Tatlong line sa boys at ganon din sa girls.. Katapat namin ngayon sila Kate pero wala si Khazy..

"Asan si Khazy?" tanong ko

"Nasa bahay pa.. Ewan ko tulog pa ata yun" sagot niya..

"Eh bat tulog pa? Eh may laro kayo agad after this"

"Oo nakita ko nga sa sched. Don sa harap kanina.. Sana lang maaga siyang pumunta dito.. Mga taga R.U.S pa naman unang kalaro.. At double elimination ang mangyayari" sabi ni Kate

"Kami din double elim. bat hindi niyo kasi siya ginising? Manonood pa kami sa laro niyo kasi mamayang hapon pa kami" sabi ko

"Ayaw nyang nagpapagising yun baka tinamad pang maglaro kapag ginising namin" sagot naman ni Khiara... Hindi nalang ako nagsalita at nakinig sa nagsasalita sa harapan.. Itong mga kasama ko nasandal o magkayakap sa  kani kanilang jowa.. Nakakainggit hahhaha...

Hanggang sa inaanounce ng officially opened na ang laro.. At kinabahan na mga volleyball girls dahil wala si Khazy..

Kanya kanya pumunta na sa kani kanilang venue pero kaming basketball players sumama sa mga volleyball girls manonood muna kami ng laro nila...

Nagwarm up na ang mga girls..

Naupo kami sa may bench nila.. May cheerer na din sa taas pero hindi pa nakasuot ng pangcheer dahil sa finals pa yun if ever na palarin kaming makifinals.. Lahat ng kaklase namin nasa taas..

Nang matapos magwarm up ang girls dumating naman ang mga taga R.U.S. at nag umpisang magwarm up...

"Wala pa ba si Khazy?" nag aalalang tanong ng coach

"Wala pa po Coach.. Si Brinna nalang po muna ang papalit sa kanya.. Hahabol nalang yun.." sagot ni Kate..

"Ano bang nangyari sa kanya baka mamaya hindi pupunta yun matindi kalaban natin ngayon.."

"Don't worry coach pupunta yun.. Habang wala siya papatibayin muna namin ang depensa" sabi ni Khiara...

"Sigee.. Relax na muna kayo diyan at Kate ikaw nalang ang pumalit na captain kay Khazy ngayon" sinunod naman ni Kate at nakipag toss coin..

"Supportive naman ng boys.. Galingan niyo din ah" sabi ni coach Ara..

"Opo naman coach" sagot ng mga kasama ko..

Pumito na ang referee 1 hudyat para magserve na ang RUS dahil sila ang service.. Captain pa ang unang magseserve..

Prrrtttt..

1-0 agad floating kasi service niya jump serve pa...

Hanggang sa 15- 10 lamang ang R.U.S. wala pa din si Khazy kaya nagtext na ako..

To: MA
Mahal.. Asan kana.. 15-10 na score nahihirapan mga kasama mong humabol..

Nagreply naman agad.. Kaya nakahinga ako ng maluwag dahil alam kong gising na.

From: MA
Sorry mahal... Otw na asa parking lot na ako ng R.U.S

Pagkabasa ko don sinabi agad kay coach na magtime out para sakto sa pagdating ni Khazy..

Score 16-10 saka nagtime out si coach Ara..

Uminom ang girls.. Effort na effort naman tong mga kasama ko lalo na si Khielle at tagalagay pa ng towelcsa likod ni Kate eh...

Heartless Meet Cold Gangster King (R+16)Where stories live. Discover now