Kabanata 9.

1K 26 0
                                    

"Oh ano? Handa naba lahat ng mga papeles mo dyan para sa pag-aaply mo ng trabaho?"

Mula sa pagaasikaso ko ng mga requirements ay nag-angat ako ng tingin kay Jessy bago ngumiti at tumango sa kanya.

"Oo, handa na ang lahat." Sagot ko na kinatango nya. "Pero teka, okay lang ba yung suot ko?" Nag-aalangang tiningnan ko ang suot kong damit.

Umikwas ang isang kilay ni Jessy dahil sa turan ko, "Ano ka ba! Okay na nga yan no!presentable ngang tingnan."

Tumango ako sa kanya bago sya nginitian. "Salamat Jess."

"Oh sya tayo na at baka malate pa ako sa trabaho at pati ikaw sa pag-aapply mo." Biglang sabi nya bago nya ako hinila.

Namilog ang mga Mata ko. "Teka-Teka lang!" Awat ko sa kanya.

Nilingon nya ako bago sinimangutan. "At bakit?"

Pinanlakihan ko sya ng mata at bahagyang tinampal sa braso. "Gaga! Yung anak ko. Alangan namang iwan ko yun dito."

Bigla namang nanlaki ang mga mata nya at tila natauhan, "Ay oo nga pala! yung alaga kong ubod ng gwapo! Langya! Muntik na nating makalimutan!"

Natawa nalang ako ng mahina nung dali daling pumasok si Jessy sa loob ng apartment at iniwan ako dito sa labas ng apartment at napailing na lamang ako nung tuluyan na nga nyang nakuha ang anak ko.

"Why are you carrying me like a sack of rice Tita panget?" Ang inosenteng tanong ng anak ko.

Oo nga naman. Mukha lang kasing nagbubuhat ng isang sakong bigas si Jessy sa klase ng pagkakarga nya sa anak ko. Ayan sa kamamadali nya yan.

Napapailing na lamang ako bago sila sinalubong.

"Aray baby boy ah. Saan nayong Tita ganda, tita dyosa at tita beautiful na palagi mong tinatawag sa akin? Nakakasakit ka ng feelings ah. Dina tayo bati." Rinig ko pang sabi ni Jessy sa anak ko bago nito ibigay sa akin si Rj.

Mahinang napatawa nalang ako nung makitang napalabi lang ang anak ko.

"Tama nayang mga kalokohan nyo." Banalingan ko si Jessy. "Ano tara na?"

Nanlaki ang mga mata nito bago napatingin sa pambisig na relo, "Ay! oo nga pala. Nako patay late na ako nito!" Halos mamutla pa ito.

Kaya imbis na mag sayang pa nang oras ay kaagad na kaming pumara ng masasakyan at nagpahatid na sa kompanyang pinagtatrabahuhan ni Jessy.

Ang napag-usapan namin ni Jessy tungkol dun sa paghahanap ko ng bagong trabaho ay tutulungan nya daw akong makapasok dito rin sa kompanyang pinagtatrabahuhan nya.

At gaya nga rin ng ibang normal na aplikante ay kinakailangan ko ding mag pasa ng mga kinakailangan na mga papeles. Syempre dadaan parin ako sa matinding proseso at isa na dyan ay ang interview.

Kaya ng marating namin ang pinagtatrabahuhan ni Jessy ay agad na kaming bumaba at nagbayad sa taxi.

Muntik pa akong malula dahil sa subrang taas pala ng building nitong pinagtatrabahuan ni Jessy.

May nakalagay pa sa taas na.. "AGC..." mahinang bulong ko.

Actually. Alam ko naman ang meaning nung G at C dahil Group of Company yun. Ang A lang talaga ang hindi ko Alam.

Apilido siguro iyon ng may ari nitong kompanya at dahil ngayon lang ako nakapunta dito panigurado namang hindi ko nga talaga alam ang may-ari nito.

"Mama..."

Nagbalik ako sa aking malalim na pag-iisip nung magsalita ang anak kong karga ko sa aking bisig.

Nagpapababa ito na ginawa ko naman. Ngunit nanatiling hawak ko ang kamay nya.

His Possession (COMPLETED)Where stories live. Discover now