17: Second Chair

173 34 51
                                    

Maulan pa rin halos dalawang araw na ang nakalilipas. The weather accurately depicted what summer would be like—a rainy summer.

As soon as Wross woke up, he put his hands in the pocket of his jacket and left his apartment. Wala ng pagkain pang natira sa kitchen cabinet niya. Wala na siyang mailutong instant noodles o kahit man lang stock ng itlog sa ref na pang-omelette. He's craving something sweet right now—cakes, pancakes, or cinnamon rolls... maybe? His tongue likewise yearned for something pleasant and sweet.

Hindi na siya namomroblema sa iinuming tubig since may tap water sa apartment na tinutuluyan niya. Malinis naman ang tubig doon kaya ligtas ang kalusugan niyang inumin ito.

If there is any risk of rain, he won't use an umbrella; instead, he will cover his head with the hood. Mabilis na naglalakad si Wross sa sidewalk habang ang mga taong nakakasalubong niya ay may kanya-kanyang payong na dala panangga sa nagbabadyang ulan. A rainy day, yet busy street. Mabagal din ang usad ng mga kotse sa kalsada noong mga oras na iyon. Basa ang semento at naiipon ang tubig sa ilang lubak na daan. Now, he's hating rain for this. Mas nakadaragdag ng inconvenience sa kanya ang ganoong klase ng panahon dahil wala na siyang ibang gustong gawin kung hindi ang matulog sa maghapon.

Wala nang patumpik-tumpik pa at nagmadali na siyang pumasok sa loob ng convenience store. Unang hinanap ng kanyang mga mata ang mga matatamis na bagay sa pagitan ng mga istanteng nadaraanan niya. Chocolates, candies, donuts... everything sweet. Dinamay na rin niya ang mga processed food at pagkaing madaling lutuin para sa consumption niya sa mga susunod na araw.

Nang nailatag na ni Wross ang pinamili sa counter ng store, saka siya muling kumilos at idinagdag ang mga bote ng beer saka nagbayad. Naalala niya rin bigla na wala na siyang gaanong alak sa ref kaya ay naniguro na siyang magkakalaman muli iyon. Incase na hindi na naman siya makatulog kaiisip sa kung anu-ano tuwing gabi, at least secured siyang may pantapat siya rito.

He left the shop with a large bite of a glazed donut. Mas lumalakas na ang ulan kaya nagawa nang maglakad ni Wross nang mabilis upang makarating na agad sa walking distance niyang apartment.

Nakasabay pa niya sa elevator ang may-ari ng apartment building, si Miss Alice—isang matandang dalagang guro sa isang elementary school malapit lang din sa lugar na iyon. Base sa mga kuwento at usapan sa paligid, minana nito ang gusaling iyon sa yumaong ama. Kasama nito ang babaeng tuwid na tuwid ang buhok na may katangkaran at tila bago lang ding tenant.

"Cecille, kung may problema sa loob ng apartment mo, magpunta ka lang sa help desk department para maaksyunan agad ang reklamo mo. These days, some of the renters are grumbling about leaks and clogged plumbing. To handle such regular issues with apartments, we have some repair and maintenance personnel. Please call me or immediately report it, okay?"

"Yes po, Tita," sagot ng babae.

Sa liit ng elevator ay hindi maiwasan ni Wross na hindi mapakinggan ang usapan ng mga ito. It's proof that Miss Alice is familiar with the girl because she addressed her as "Tita".

Nahati sa gitna ang pinto ng elevator nang makarating na ito sa ikaapat na palapag ng gusali. Lumabas si Wross doon bitbit ang plastic ng mga pinamili saka pinindot ang kombinasyon ng numero sa pinto ng kanyang apartmet room saka pumasok sa loob.

Habang kumakain ay binuksan niya ang kanyang computer. When he looked at his sketchbook's final page—the one that had been taped—he made plans to check the flashdrive he had. Agad niyang isinaksak iyon sa usb port at halos isang minuto rin ang itinagal nang mabasa ang lahat ng laman no'n.

He barely remember why he had this flashdrive. Malalaman niya siguro at maaalala kung makikita niya kung ano ang laman nito.

Nang lumabas ang mga folder sa loob ng flashdrive, isang zipped (compressed) file lang ang naroroon. After extracting all of the files from it with a right click, he navigated all to his own folder. Photos, videos, and notes were extracted from the file. Sinubukan niya munang buksan ang tatlong litratong naroroon, subalit ang lahat ay corrupted files na, pati iyong note ay ayaw na ring mabuksan. The note file cannot be opened due to an error, but he believes it is still intact. Tiyak ay may magagawa pa siya paraan upang makita ang mga nilalaman ng mga ito. Sa pagbabaka-sakaling makita niya ang mga nilalaman nito, mas lalo siyang na-curious dito at gusto niyang busisihin ang lahat.

Take Me to My FuneralWhere stories live. Discover now