Chapter 16:Rumors

11 6 2
                                    

Nagising ako ng maka recieve ng text mula sa taas- kay taba pala.

May pa meeting tapos kasama pa akets...Siguro mataas na position na ibibigay saaken dito sa bighit. Masyado akong magaling para maging producer lang, siguro yun yung mga naiisip nila habang tinitingan akong mag trabaho. Well...may point naman sila masyado akong PRO para maging producer lang kaya eto na siguro yung time para saaken.

Kung tatanungin niyo kung anong ginagawa ko hindi ko sasabihin tanungin niyo muna. Edi wag. Ngayon ay nag aayos na ako ng sarili para hindi ako maging taong grasa.

Formal ang suot ko ngayon which  is ayoko hindi ako komportable naka long sleeves ako na polo tapos naka tak-in iyon sa  palda hindi ko rin alam kung ano iyon eh..sila kase nag provide neto malay kobang ang sexy ko pala sa damit na to.

Tapos sa sapatos bahala na ako. Duh ang pinaka favorite kong sapatos ang puma na white shoes mas maganda pa sa maganda. Eto ay uri ng sapatos na kahit anong damit ay babagay kaya naman isa lang ang masasabi ko, arat na~

Nag susuot na ako ngayon ng pinaka magandang sapataos sa balat ng lupa. Ng maka recieve nanaman ako ng text, mga ataters tong mga toh eh..

From: sohyun

Make it fast jaymie, the media is coming.

Kinabahan ako...media?...shocks..malamang magkakaroon ng meeting.

Napa iling nalang ako at tinapos na ang pag sususot ng damit kinuha ko na ang pangmalakasang purse ko saka ako lumabas ng kwarto ko.

Nagmamadali ako ngayon na mag lakad dahil nga sa mga ataters na kinkaukulan. Buti hindi ako nag heels, wala naman kase ako non eh.

Hinanap ng mga mata ko ang 15th floor which is para sa mga conference ng  bighit. Ng makita ay agad ko naman iyong pinindot       malapit lang naman ang floor na iyon sa floor ko kaya walang problema. Mabilisan lang rin naman ako ng makarating na sa floor na iyon.

Bumungad saakin ang isang guard na naka upo sa mahabang desk may sinususlat siya.

"Ah..excuse me.."tawag pansin ko nag angat naman siya ng tingin saaken,at napa tigil sa pag sususlat

"Ah?..yes?"sabi niya, salamat sa diyos at marunong siya mag-english."Do you have  an appointment?"tumango tango ako habang papalapit.

"I'm Jaymie Ortega"Sabi ko habang naka tingin sa papel, tumango naman yung guard tapos naghanap sa nakalista, laking gulat ko ng makitang naka lista sa korean ang name ko. Jeimi otega ang pagkakabasa ko ng makitang ang pangalan ko roon

제이미 오테가

"Ah...here's the way"sabi niya at iminuwestra ang daan sa kanan. Nag bow naman ako bilang pasasalamat at agad ko naman tinahak ang daan pa-kanan

Hinanap ko ang pinto na may pangalang conference room- at iyon! Nakita ko na!buti talaga naka sulat sa english ang mga ganito.

Agad naman akong lumapit roon marahan iyong binuksan. At ang bigat naman ng pinto na to. Ng mabuksan ko ay may nakita na akong mga media sa harapan pa rectangel ang lamesa.

Ng palibutin ko ang mga mata ay nakita ko na magkakatabi ang BTS at nasa gitna si taba, nayon ko lang rin napansin na andito pala yung haliparot- si veronica pala.

Nag bow na ako at lumapit sa bakanteng upuan at dahil ako nalang naman ang inaantay nila ay isa lang ang bakante.

"Okay...So everyone here can speak english? Right?"Tanong ng kung sino sa likod ko transator ata. Ng walang sumagot ay napapahiya siyang umubo "So.. I guess not all of you can"sabi niya pa at napa tango tango sa sarili...may sayad ba siya?..

Writing You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon