chapter 1

37 8 14
                                    

Francine POV:
          Sobrang aga ng marinig ko nanaman ang sigaw ni mama.
    "Francineee!ano na anong oras na wala ka bang balak pumasok sa skwelahan mo ha?!"
araw araw nalang ganyan ang naririnig ko,kumbaga boses na ni mama yung pinaka alarm clock ko.kaya dali dali na kong bumangon at lumabas ng kwarto ko.

            Bago ko makalimutan,ako nga pala si Francine Ava.Isang 4th year highschool student na nag aaral sa Princeton University.ahm kung didescribe ko ang sarili ko,isa lang naman akong simpleng babae.yung kahit sampung beses dumaan sa harapan mo hindi mo man lang pag aaksayahan ng oras lingunin.in short,hindi ako ideal type ng lahat ng lalake.pero wag kayo kahit ganto ako may karapatan din ako mag kagusto no.at sino yon?Sya lang naman si Tristan Ferrer 4th year highschool student din.ahm hindi naman sya katulad ng mga ibang lalake na nababasa sa wattpad na as in sobrang popular.pero marami din nagkakagusto sakanya,bukod kase sa gwapo sya,cute,matangkad,football and basketball player din sya sa school namin.dagdag mo pa na magaling sya sa mga mobile games.ang isa lang sa pinaka nagpapapanget ng pagkatao nya?yung lang naman ay ang pagiging snobber nya.Or siguro hindi lang ako maganda kaya hindi nya ko mapapansin.Hays habang buhay na ata ako magiging invisible sa paningin ng tristan na yon.siguro habang buhay ko nalang itatago yung feelings ko sakanya.
    
"Francine!Wala ka pa talagang balak mag almusal?!kapag ako pinatawag nanaman ng adviser mo dahil late ka sa klase malilintikan ka sakin!"
biglang nawala sa isip ko yung tungkol sa tristan na yon ng marinig ko nanqman ang mala armalite na boses ni mama na nasa tabi ko na pala. nagmadali ng kong kumain at para makapag ayos na din.
   
    Oh...sige na mga bes,mag peprepare na din ako para makapasok na,babushh!
                             **********
Francine POV:
          Palabas na ko sa kwarto ko dahil tapos na ko mag ayos.7:30am palang naman at 8:30am ang start ng klase kaya mag lalakad nalang ako tutal malapit lang naman bahay namin sa school. Lumabas na ko ng kwarto at dumeretso sa kusina kung nasaan ni mama
 
  "Mama pasok na po ako,hindi na po ako sasabay sainyo kase po mag lalakad nalang ako" pupunta kase ng grocery si mama ngayon para mamili.
     
   "akala ko pa naman sasabay ka nagmadali pa ko,oh sya mag iingat ka ha,yung bilin ko sayo francine ha"hays here we go again.
         
  "opo mama.Hindi ka ba napapagod kaka paalala sakin nyan araw araw mama?lagi lagi mo sinasabi sakin yan naririnig ko na tuloy yung boses mo kahit saan"Biro ko sakanya.
   
hindi kase nawawala yung bilin ni mama  yon,na huwag muna ako mag boyfriend,hays parang may mag kakagusto naman sa isang kagaya ko diba?kung meron man baka siraulo nalang yon.
   
   "pumasok kana nga dami mo nanamang sinasabi pinapaalalahanan lang kita"tawa nalang ang nasabi ko saka na lumabas at nag paalam.
                           ************
     Habang naglalakad si Francine papasok ng school hindi nya alam na nakasunid na pala sakanya ang dalawa nyang kaibigan na sina Zendra at Lheya.

Zendra POV:
          "Hoy si Francine oh tara gulatin natin"mahinang sabi ko kay lheya.

"Taraaa!"mahinang pag sang ayon naman ni lheya sa kalohokan ko.

Francine POV:
            "Hays papasok nanaman ako.panibagong araw panibagong sakit sa ulo nanaman to"sabi ko sa sarili ko.
    "Isa pa makikita ko nanaman si tristan habang ako walang magawa kundi tignan nalang sya sa malayuan"
       nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ko ng biglang may tumulak sakin na kinagulat ko.
       
  "Woaaaaaah! HAHAHAHA success ang plano nagulat natin sya HAHAHA"
     masayang sabi ni zendra at lheya na pumapalakpak pa.

    Si zendra at lheya yung dalawang kaibigan ko na lagi kong kasama.Simula 2nd year highschool kaibigan ko na sila kase magkaklase kame.marami rami rin naman akong kakilala pero sila lang yung naging kaibigan ko.
 
       "Ano ba pag ako inatake sa sakit sa puso kayo may kasalanan ah"pananakot ko sakanila.

"OA mo naman teh mahinang gulat lang naman yon"   "oo nga HAHAHA" saad nila.

Hays kahit kelan talaga puro kalokohan alam ng mga to.
     
  "Halika na nga baka mamaya malate nanaman tayo alam nyo naman yung sir natin may galit ata sa mundo"pag bibiro ko,at sumang ayon naman sila sa sinabi ko.
                         

 

My Secret BoyfriendWhere stories live. Discover now