chapter 2

15 4 11
                                    

Francine POV:
      Nasa tapat na kami ng school namin at sakto lang yung oras ng dating namin.
    Naglalakad na kami sa hallway ng school papunta sa room namin ng bigla nalang may bumunggo sakin na ikinasanhi ng pagtumba ko.Dali dali akong tumayo para habulin at malaman kung sino ang mayabang na taong bumunggo saakin.
    Nung nahabol ko yon ay walang pakundangan ko nalang na inihampas sa likuran nya ang dala kong bag.

    "Hoy lalake ka!porket matangkad ka e karapatan ka ng bumunggo ng mga studyante na mas maliit sayo?!bakit?!satingin mo sino kaba?!lakas ng loob mambunggo baka nakakalimutan mo pare pareho lang tayo studyante dito"

  Natapos na't lahat lahat ng sinabi ko hindi pa rin humaharap ang lalakeng to saakin.pinagtitinginan na din kami ng ibang studyante dito.
    Ah basta wala kong pake sakanila ang importante malaman ko kung sino ang walang hiyang lalakeng to.kaya nagsalita na ulit ako para paharapin sya.

     "Hoy lalake!haharap ka o pupunta tayo ng guidance office?!"pananakot ko sakanya.

Laking gulat ko nalang ng biglang humarap  saakin ang lalakeng nasa harapan ko.

    "Ano bang problema mo?ang liit mo na nga ang tapang tapang mo pa sino ka din ba sa tingin mo?!at ang lakas din ng loob mo ihampas sakin yang bag mo na puno ng libro?!"

     OMYGHADDDD!SI TRISTAN!SI TRISTAN ANG NAPALO KO!!HINDI KO SINASADYA!!

nanlaki ang mata ko ng masiguro ko nga na si tristan ferrer ang lalaking nasa harapan at ang lalaking hinampas ko.

    "Omyghaddd francine!anong ginawa mo!mag sorry ka kay baby tristan nasaktan mo sya"sabi ng puso ko.
   
"Hindi!sya ang unang nanakit kaya dapat lang sakanya yan!lumaban ka!hindi ka dapat inaapi!"pagprotesta naman ng isip ko.
      Hays!!nababaliw talaga ko tuwing nakakaharap ko si tristan!!

    "Oh ano bakit ka nakatulala jan?sagutin mo tanong ko."

     Biglang nawala sa isip ko ang pagtatalo ng puso at isip ko sa dapat kong gawin ng marinig ko nanaman ang boses ni tristan.
   Pero sa bandang huli salita ng isip ko ang sinunod ko.

    "O-oo m-ma-malakas ang l-loob ko gawin yon kasi d-dapat lang sa katulad mo ang masaktan din m-minsan!!
      myghaddd francine bakit ka nauutal baka mahalata ka na may gusto ka sakanya

         "Bakit hindi ka makapagderetso ng salita?natatakot ka no?na baka awayin ka ng mga babaeng nagkakagusto saakin"mahangin nyang sagot

        "H-huh h-hindi no"nauutal ko pa din sagot.aaaaArgh!!
   
"Oh baka naman may gusto ka sakin kaya hindi ka makapagsalita ng maayos"sabay lapit ng mukha nya saakin.

    Omyghaddd ang gwapo nya talaga lalo na sa malapitannn!pero shhh galit ka at wag kang papahalata!
 
    "Hindi no!asa ka hindi ako katulad ng ibang babae na nagkakandarapa sa isang lalakeng katulad mo walang respeto sa babae"hays buti nasabi ko ng deretso.

     "Bakit kita rerespituhin?babae ka ba?"wika nya na may halong pang aasar ang boses.
 
   "Aba siraulo ka ah!anong tingin mo saakin lalake?!for you're infor-"
 
    Naputol na lang ang sasabihin ko ng biglang may dumating na teacher para awatin kami at para pabalikin na ang mga chismoso at chismosa  na nanonood saamin.

    "You!"sabay turo saken.
"And you tristan ferrer!"turo din kay tristan the yabang.
    "Both of you go to my guidance office now!"sigaw saamin ni ms.Aguilar ng guidance councilor.

    Sumunod naman kami ng tristan the yabang na to papunta sa guidance office.

    Nalagpasan ko ang 3years highschool ng hindi ako na ga-guidance pero hindi ko inaasahan na sa 4th year highschool ko pa talaga ito mararanasan at si tristan pa talaga ang may kasalanan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Secret BoyfriendWhere stories live. Discover now