PROLOGUE

1.7K 62 4
                                    


          SLAP ME, YOU'RE MINE

                        Prologo

"Safaia, ikabit mo nga 'to," utos ni Elisa sabay abot ng lantern na puso ang hugis.

"Ano 'to?" nakataas ang kilay na tanong ko. Napabuga naman siya ng hangin tsaka hinawi ang buhok.

"Huwag ka ng magtanong, baka mamaya maabutan pa tayo ni Ma'am Di-Inibig, pagalitan pa tayo." Napanguso naman ako bago umakyat sa upuan para ikabit sa itaas ang lantern.

"Ang layo pa ng February pero may ganito na agad? May jowa na ba si ma'am?" Nagkatitigan pa kami ni Elisa tsaka sabay na natawa.

"Gaga, ikabit mo na 'yan! Malelate na tayo eh," tawang-tawang sabi niya. Tumango-tango na lang ako at nagfocus sa pagkakabit ng lantern.

"Oh my gosh! Nasa baba si Prince!"

"Wah! Hinihintay na ako ng asawa ko!"

"Si South nasa baba! Tara na girls!"

Napailing na lang ako ng marinig ko ang sigawan at tilian ng mga babaeng nagkakandarapa kay Timog.

"Konting bilis naman Safaia!" natatarantang wika ni Elisa kaya agad na nangunot ang noo ko.

"Hindi pa ako tapos, sandali lang!" inis na sabi ko at minadali ang pagbuhol ng tali.

"Let's go, girls!"

"Wait for me, my loves! I'm coming!"

Nagsalubong naman ang kilay ko ng mas lalong lumakas ang tili ng mga babae, hindi ko tuloy naiwasang mapairap. Tatanungin ko pa sana si Elisa kung ayos na ba ang pagkakalagay ko ng manlaki ang mata ko.

Agad na gumeywang ang upuan ko nang bigla na lang sumugod ang grupo ng kababaihan sa hallway dahilan para mawalan ako ng balanse.

"AHHH!" malakas na tili ko ng tuluyan akong mahulog mula sa upuan.

"Oh my gosh! Safaia!" Biglang sigaw ni Elisa. Napapikit na lang ako, pinagdadasal na sana'y may sumalo sa'kin.

Hanggang sa maramdaman kong bumagsak ako sa kung ano. Nangunot pa ang noo ko ng wala akong naramdamang masakit sa katawan ko maliban na lang sa kamay na nakahawak sa dibdib ko.

Napamulat tuloy ako kasabay ng pamimilog ng mata ko ng bumungad sa'kin ang isang lalaki. Nanlaki pa ang mata ko ng mapansing nakadakot ang kamay niya sa dibdib ko.

"WHAT THE HELL! PERVERT!"

Agad akong napatayo mula sa pagkakapatong sa kanya tsaka niyakap ang sarili habang masama ang tingin sa kanya.

Kinunotan niya naman ako ng noo habang pinapagpagan niya ang sarili.

"Perv-what?" Sinamaan ko na lang siya ng tingin at saka niyakap ang sarili. Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao. Napailing naman siya tsaka napahawak sa batok.

"Hey! I'm just helping you! Bakit ikaw pa 'yong galit?" Tinaasan ko naman siya ng kilay kaya mas lalong nagsalubong ang kilay niya.

"Wow! Anong gusto mo? Magpaparty ako? Magthank you kasi sinalo mo ako mula sa second floor?" nangigil na sabi ko. Napabuga naman siya ng hangin at saka napangiti ng nakakaloko.

"Yes, you should thank me," mayabang na wika niya, nag-init tuloy ang ulo ko.

"Tanginamo! Hinawakan mo boobs ko!" galit na singhal ko. Napatitig naman siya sa'kin pababa sa dibdib ko kaya agad ko siyang tinaliman ng tingin.

Natawa naman siya ng mahina at maangas na tinitigan ako.

"Did I? Sorry, wala kasi akong nahawakan." Agad namang nanlaki ang mata ko ng dahil sa sinabi niya.

Hindi naman maliit 'yong dibdib ko ah? Hindi nga lang malaki!

Huminga na lang ako ng malalim bago naglakad palapit sa kanya. Nanatili naman siyang nakatayo, hinihintay ang paglapit ko. Ngumisi na lang ako habang nakatitig sa kanya.

"What? Nagagwapuhan ka na sa'kin?" Ngumiti naman ako ng peke tsaka siya sinampal ng malakas. Napaatras naman siya at nanlalaki ang matang napatitig sa'kin habang hawak ang pisngi niyang namumula.

"The fuck?! Bakit mo ako sinampal?" pikon na tanong niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay at akmang sasampalin ulit siya nang mabilis niyang napigilan ang kamay ko. Tinitigan niya pa ko sa mata tsaka tumayo ng diretso.

"Slap me again and you'll face hell," seryosong sabi niya. Napairap naman ako tsaka nagpilit ng ngiti.

"Hell mo mukha mo! Deserve mo naman ang sampal ko!" inis na sabi ko tsaka muli siyang sinampal sa kaliwang pisngi.

Agad naman siyang napahawak sa pisngi at nakangising tumitig sa'kin.

"Talagang hindi ka marunong makinig 'no?" natatawang sabi niya.

"Eh ano naman ngayon?" mataray na tanong ko. Sasampalin ko na sana ulit siya ng pigilan niya ako.

"Slap me one more time, and you'll be mine." Napatawa naman ako ng mahina tsaka pabalang na binawi ang kamay ko at sinampal siya ng pagkalakas-lakas. Muntik pa siyang matumba sa lakas ng impact. Napaismid na lang ako at tumalikod na. Aalis na sana ako ng bigla siyang magsalita.

"Pwedeng magtanong miss?" Humarap naman ako tsaka nagtaas ng kilay.

"Ano?"

Umayos naman siya ng tayo tsaka naglakad palapit sa'kin. Napaatras tuloy ako ngunit sa kamalas-malasan ko ay natalisod pa ako sa bato. Muntik na akong bumagsak sa sahig kung hindi niya agad ako nasalo.

Napakapit tuloy ako sa braso niya dahilan para mapangisi siya lalo.

"Kilala mo ba ako?" Nangunot naman ang noo ko, hindi agad ako nakasagot. Napailing naman siya tsaka ako itinayo ng maayos at tinap ang ulo ko.

"South Charlestone Graey is my name. Nice to meet you, my person," nakangising sabi niya tsaka naglakad palayo.

Agad naman akong umikot at hinarap siya, sakto namang huminto siya. Nagulat pa ako ng may bigla siyang may binato, mabuti na lang at nasalo ko kaagad.

"Starting from now on, you're mine," aniya at kinindatan pa ako.

Nangunot naman ang noo ko tsaka tiningnan ang card na hawak ko.

Once you receive this card, you will going to serve me for the rest of your life. But if you don't want, then you will be living in hell, forever.

You are mine, and I'm your Master.

Goodluck, my slave.

Nang mabasa ko ang nakasulat ay
agad kong nabitiwan ang card na hawak ko. Pakiramdam ko ay bigla na lang nanghinang ang tuhod ko habang nanlulumong nanlalaki nakatitig sa papalayo niyang bulto.

Napapikit na lang ako at inis na sinabunutan ang sarili.

Bakit sa lahat ng kakalabanin ko, si South pa?

---------------

Please do comment and vote. Thank you!























SLAP ME, YOU'RE MINE [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon