Chapter 5

665 31 1
                                    


           SLAP ME, YOU'RE MINE

                        Chapter 5

                            Barbie

                 SAFAIA PRIMROSE

"Uy! Okay ka lang ba? Kanina ka pa nakatulala diyan. Tingnan mo, hindi pa nangangalahati 'yong essay mo," untag sa'kin ni Elisa. Napabuntong hininga naman ako tsaka nagpangalumbaba.

"Elisa, sabihin mo nga sa'kin kung paano ako napapayag ni South maging alipin niya?" nakasimangot na sambit ko. Napatingin naman siya taas, bahagya ring nangunot ang noo niya at halatang nag-iisip.

"Ah! Naalala ko na!" Napaayos naman ako ng tayo.

"Sa pagkakatanda ko, napapayag ka niya kasi tinakot ka niyang kukunin ang virginity mo, pero kung iisipin, medyo nakakapanghinayang lang." Nangunot naman ang noo ko.

"Anong nakakapanghinayang do'n?" Nagpangalumbaba naman siya sa desk niya.

"Kasi pagkakataon mo ng isuko ang virginity mo sa isang gwapo. Tapos kay South pa? Aba, hindi ka na rin lugi 'no!" nakangising sabi niya kaya nabatukan ko na lang siya.

"Wala ka na ba talagang masasabing matino?" Nagpeace sign naman siya tsaka umayos ng upo.

"Joke lang naman eh!" natatawang wika niya. Napailing na lang tuloy ako tsaka pinagpatuloy ang pagsusulat.

"Pero bakit mo nga pala natanong? Suko ka na ba?" Napabuntong hininga naman ako tsaka inis na nilingon si Elisa.

"Paanong hindi ako susuko? Una, pinagbasa niya ako ng libro with highlights pa within one day, edi wala akong tulog. Iyong homework niya, ako rin ang pinagawa niya with explanation tapos malalaman ko na lang na sa susunod pa pala kailangan 'yon!" nanggigil na sabi ko.

"Oh, ano pa? Halatang hindi lang 'yon ang kinakainis mo eh," natatawang sabi niya dahilan para mapairap ako.

"Tapos eto pa, simula ng hindi ako pumayag magpanggap bilang girlfriend niya, palagi niya na akong inuutusan. Akala niya siguro mapapayag niya kapag pinahirapan niya ako," nakairap na sabi ko tsaka pinagpatuloy ang pagsusulat.

"Wait! Sinabi mo bang inalok ka niyang maging girlfriend niya?" Kinunotan ko naman ng noo si Elisa.

"Ano naman ngayon?" mataray na wika ko at bahagya pang nagtaas ng kilay. Napatakip naman siya sa bibig tsaka napatili.

"O.M.G! I can't breathe! Ikaw na talaga! Mapapasana-all na lang talaga ako rito!" Napailing na lang ako sa pagiging over acting niya.

"Girl! Bakit ang swerte-swerte mo?" kinikilig na sambit niya habang inaalog-alog ang braso ko. Hindi tuloy ako makapagsulat ng maayos.

"Ano ba? Bakit ka ba kinikilig? At saka, anong maswerte ro'n? Daig ko pa nga ang araw-araw nasa impyerno kapag kasama ko ang timog na 'yon," inis na wika ko.

"Wait, speaking of timog, parang siya ata 'yong nakatayo--O.M.G! Siya nga!" naghuhurumentadong tili niya, palibhasa walang teacher.

Agad namang napalingon 'yong mga kaklase namin sa labas. Napailing na lang ako at saka muling bumalik sa pagsusulat, bahala silang magkagulo, hindi naman ako interesado.

"Oh my gosh! Anong ginagawa ng asawa ko sa labas?"

"O.M.G girls! Sinusundo na ako ng boyfriend ko!"

"Ang sweet talaga ng fiancei ko,"

Napabuntong hininga na lang ako tsaka nagsalpak ng earphone at nilakasan ang volume.

"Uy girl! Wala ka bang balak tumayo diyan?" untag sa'kin ni Elisa pero nagpanggap na lang akong walang naririnig.

SLAP ME, YOU'RE MINE [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon