Page 8

21 3 0
                                    


Bryle Ciana Florence pov:

I am Bryle Ciana Florence, senior high student of Ace Academy.. pangalan pa lang ng school ko bigatin na. Lahat ng pumapasok na studyante sa paaralang ito ay halatang galing sa mayayamang pamilya — except me. I'm a working student here and there. Hindi naman mahirap ang pamilya ko pero trip ko lang talaga ang pagurin ang sarili ko..

Naniniwala kasi akong you can learn from the hardest part of your life..— pero walang kinalaman ang hardest part sa pag-aaral ko.. pabigat nga yun eh!

Tsk.. weird lang talaga akong mag-isip!

I have friends here in school., apat nga sila eh.. apat silang pabigat sa pagiging high school student ko.. sa akin kasi nila inaasa ang mga projects nila— pero may bayad naman! 500 kada isa.. oh diba? Tiba-tiba din naman ako sa mga pabigat na 'to.

"Bry tapos na ba?" nakangusong tanong ni Astrid. Hindi ko alam dito kung nagpapacute ba siya o pinaglihi lang talaga siya ng nanay niya sa bibe. Ang hilig ngumuso..

"Oh ayan, tapos na."abot ko sa kanya ng project niya. "Tigil-tigilan mo nga 'yang pagnguso Astrid baka mapagkamalan kang bibe!" dagdag ko na lalong nagpanguso sa kanya.

Gusto ko nang kumuha ng gunting!

"Why? Dito kaya na-inlove si Aston sa akin!" kinikilig niyang sambit ngunit nakanguso pa rin.

Napangiwi na lang ako sa harap niya. Anong trip 'yun?

"Bry sama ka sa amin mamaya ah!"singit naman ni Geneva na nakaakbay na sa akin.

"Saan?"

"Magba-bar!" excited niyang sagot na kaagad kong nginiwian. Para namang papayagan akong magpunta sa mga lugar na iyon.

"Sama ka ah." segunda naman ni Francine.

"Hindi pwede, baka di na ako makapasok sa bahay namin." saad ko na inikutan lang nila ng mata.

"Edi, ipagpapaalam ka namin kay tita." suhestiyon ni Astrid na kaagad ko ding tinutulan.

"Huwag na. . baka malagot pa ako at magiging grounded na naman ng isang buwan." palusot ko. Noon kasing nakaraang buwan nalaman ni mommy na nag-working student ako na hindi niya nagustuhan kaya hindi niya ako pinalabas ng bahay pwera na lang kung papasok ako sa school.

"Tsk. .kasama mo naman kami. Papayag 'yun si tita kaya umoo ka na Bry." pamimilit pa ni Meg.

"Ayoko nga. Period."

"Tsk. Ang kj mo naman Bryle Ciana." nagtatampo nilang ani.

"Bahala kayo basta ayoko!" pinal kong ani kaya sabay-sabay silang tumalikod sa akin upang iwanan ako. Mga hinayupak!

"Tsk. Mula ngayon hindi na kami magpapagawa ng school works sayo, Bry." banta ni Astrid.

"Hindi mo na kami mahuhuthutan ng pera bruha ka!" si Meg na nag-flip pa ng buhok niya.

"Wala ka ng makakasama dito sa school." saad din ni Francine na nginiwian ko lang.

"Ang kj mo! Isusumbong kita sa nanay mo na nag-woworking student ka dito sa school!" huling banta ni Geneva na pinanlakihan ko na ng mata.

"Guys, come on!" angal ko naman sa mga banta nila.

"Sasama ka o isusumbong ka namin sa mama mo?" sabay-sabay pa nilang ani na ikinapadyak ko na dahil pakiramdam ko nauubusan na ako ng dahilan.

"Oo na! Oo na! Sasama na!" nawawalang magawa kong ani na ikinahiyaw naman nilang apat. Mga hinayupak talaga. Tsk!

"Oh diba, effective yong mga banta natin. Haha." natutuwa pang ani Meg.

Proud pa silang apat na nakaharap sa akin habang pinagtataasan pa ako ng mga kilay nila.

Malalim na lang akong napahugot ng hininga tsaka umiiling na sinundan na sila sa paglalakad. Kahit kelan talaga, pasaway ang apat na ito. Tsk. Iisipin ko pa tuloy kung paano ako makakasama sa kanila.

"Girls, kita-kits mamaya huh," ani Astrid. "susunduin ka na lang namin Bry, don't worry kaming bahala kay tita." baling pa nito sa akin na iningusan ko na lang.

They already know my mother. Mabait naman si mama pero bumabaliktad ang ugali niya kapag sinuway ko na siya.

Pagdating ko ng bahay, dumiretso kaagad ako sa kwarto upang maghagilap ng maayos na pwedeng suotin mamaya. Miminsan ko lang naiisipang gumala kaya hindi ko hilig ang mamili ng mga pang-alis na damit. Hays, bumuntong hininga akong binuksan ang malaking drawers na naglalaman ng mga hindi ko naman magamit-gamit na kasuotang binibili ni mama para sa akin. Minsan  nga ay naiisipan kong ibenta na lang ito sa iba upang pagkakitaan. Mas kelangan ko kasi ng pera.

Ilang oras ang nagdaan ng marinig ko na ang sasakyan ni Astrid sa labas. Nakakapunta na din naman kasi sila dito sa bahay namin kaya kilala na sila ng mga tao dito.

"Bry, andito na ang mga kaibigan mo." saad ni nanay Belen, ang kasambahay namin.

"Opo." sagot ko naman kaagad sa kanya mula sa kwarto ko.

Pagkalabas ko papunta sa sala, nadatnan ko na kaagad silang masayang kausap si mama. Nakapambihis na din sila kaya kaagad na nangunot ang mga noo nila ng makita akong nakapambahay pa. Paano naman kasi eh wala akong mapiling masusuot.

"What are you doin' Ciana?" may inis na ani Meg at kaagad akong nilapitan.

"Tita, your anak is so kj talaga." pasosyal naman na angal ni Astrid na mahina lang na nagpatawa kay mama.

Okay lang naman kay mama na minsan ay gumala ako, huwag lang talaga niyang malaman-laman na sinusuway ko ang mga gusto niya para sa akin at grounded talaga ang kahahantungan ko.

My mom is kind. Basta hindi ko lang susubukan ang katiting niyang pasensya.

"Bry, magbihis ka na para hindi na mainip sa paghihintay itong mga kaibigan mo." sambit ni mama sa akin na tinanguan ko na lang. "Basta huwag lang kayong gumawa ng mga bagay na nakakasama sa inyo ay okay lang sa akin," nakangiting saad pa nito sa mga kaibigan ko bago pa ulit ito tumingin sa akin. "okay ba iyon sa iyo, Bry?" makahulugang paalala nito sa palagi niyang habilin sa akin. Tumango akong muli sa kanya bago ako magpaalam na magbibihis na ako. Napabuntong hininga na lamang ako habang sinasarado ang pintuan ng kwarto ko.

"I'm sorry, ma."

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Me and the Aces - Love; LucyWhere stories live. Discover now