DOSE

100 6 0
                                    

MATAAS ang paninindigan ko noon na kahit anong mangyari ay hinding-hindi ako matutukso, na hindi ako iibig sa isang lalaki dahil tanging ang Diyos lamang ang paglilingkuran ko. Kung gaano katayog ang paninindigan ko ay s'ya namang kasing tibay ng tukso.

Lumaki ako sa isang bahay ampunan sa pangangalaga ng mga madre na nagimpluwensiya rin sa 'kin na pasukin ang kumbento sa tulong ni Sister Martinez.

Kahit na nagpatalo ako noon sa tukso, maituturing ko pa rin na isang malaking biyaya mula sa Diyos ang buhay na dumating sa sinapupunan ko bunga man ito ng isang pagkakasala at pagkakamali. Kinailangan kong iwan ang kumbento at talikuran ang pagiging madre dahil sa hindi tama sa mga mata nila ang nangyari sa 'kin noon. Kinailangan ko ring magsinungaling para mailayo sa kahihiyan ang sarili ko at ang lalaking walang alam sa pagbubuntis ko kahit ang naging kapalit man nito ay ang pagtatago ng katotohanan sa kaniya tungkol sa naging anak namin.

"Sigurado ho ba kayo sa mga statement na ibinigay ninyo?" Tumango ako sa pulis habang nakaupo rito sa loob ng presinto.

"Mabigat na paratang ho ang mga sinabi niyo laban kay Ms. Melissa De Lavista na hanggang ngayon ay nawawala pa rin," anang ng pulis na halatang hindi naniniwala sa mga sinabi ko.

"Hindi siya nawawala dahil nagtatago siya! Mamatay tao ang taong 'yon! Kampon siya ng mga demonyo!" Nagkatinginan ang dalawang pulis at mukhang hindi ito naniniwala sa mga sinabi ko na pinatay ni Melissa ang mga kaibigan niya at sumasamba ito sa diablo.

"Sige ho, ma'am. Mag-iimbestiga ho kami, makakauwi na kayo." Huminga ako nang malalim at bigong tumingin sa dalawang pulis dahil sa alam kong hindi naman nila pinaniwalaan ang mga sinabi ko. Hinuli nila ako kanina dahil sa ako raw ang prime suspect sa pagkawala ni Melissa dahil sa ako ang huli nitong nakausap at inaamin ko na hindi nga naging maganda ang pagkikita namin matapos kong komprontahin ito.

Isiniwalat ko sa mga pulis ang mga nangyaring pagpatay sa mga kaibigan ni Celyn na si Melissa ang may gawa pero ayaw nila akong paniwalaan dahil sa wala naman raw akong hawak na patunay at wala naman daw na mga bangkay ng mga biktima.

Simula nang sabihin sa 'kin ni Celyn na nagbukas ang ikatlo niyang mata at nakikita niya ang kamatayan ng mga kaibigan niya ay naniwala agad ako. Ramdam ko rin na nag-iiba ang presinsya kapag nasa paligid si Melissa kaya rin hindi ako komportable sa kaniya nitong mga nakaraang buwan. Tila may nagbago sa kaniya, hindi na siya ang batang nakilala ko na maldita at maarte dahil sa naging mabait at tahimik ito, kakaiba na rin ang mga ikinikilos niya.

Gusto ni Celyn na magsumbong na sa pulis pero tumutol ako hindi dahil sa ayaw ko kun'di alam ko at ramdam ko na hindi tao ang nasa likod ng lahat ng ito at tama nga ako. Natatakot ako para sa kaligtasan ni Celyn dahil buhay niya ang nakataya rito. Hanggang sa makumpirma ko na totoo nga ang hinala ko.

HINIGIT ko ang kamay ni EJay habang nasa gitna ito ng madilim na bahay nina Melissa, bagaman nagulat ito pero nagpatianod na lamang ito sa paghatak ko hanggang sa makarating kami sa madilim na parking lot dito sa labas.

"Sandali! Sino ka?!" Aniya at binawi ang kamay niya.

"Si Celyn?! Nasaan si Celyn?!" Nag-aalalang tanong ko dahil sinabi sa 'kin ni Celyn na susubukan niyang pigilan ang mangyayari matapos makita ng ikatlo niyang mata ang kamatayan ng isa sa mga kaibigan niya kaya sinundan ko siya rito sa party ni Melissa para iiwas sa gulo.

"Sumagot ka, EJay! Nasaan si Celyn?!" Puno ng pag-aala na tanong ko.

"Hindi ko alam." Tumaas na rin ang boses nito at pansin ko na balisa ito at natataranta.

"Kailangan kong mahanap si Celyn! Hindi siya puwedeng mawala!" Hindi mapakaling sambit ko.

Bumigat ang pakiramdam ko at lumamig ang ihip ng hangin, ganitong-ganito ang nararamdaman ko kapag nasa paligid si Melissa at hindi nga ako nagkamali dahil nasa likuran na ito ni EJay habang nakangisi kaya napaatras ako. Hindi ako nakagalaw lalo na nang itaas ni Melissa patalikod ang hawak nitong palakol at nakahanda nang asintahin ang ulo ng kaibigan niya.

TRESE [Completed]Where stories live. Discover now