TRESE

107 6 0
                                    

"TAMA na po! Makinig kayo sa 'kin! Mali po ang iniisip niyo! Hindi ako siya!" Pakiusap ko pero tila hindi ako naririnig ni Sister Jean at patuloy lamang ito sa pananakit sa 'kin hanggang sa mapagod ito. Kailangan ko muna siyang pakalmahin dahil siya na lamang ang natitirang pag-asa ko ngayon para matalo ang alagad ng mga diablo st ang kakambal kong si Marissa Lucero.

"Bakit mo pinatay ang anak ko?!" Sigaw ni Sister Jean at tinangka niya ulit akong sakalin kaya kinuha ko ang pagkakataon para matitigan siya sa mga mata at ipakita sa kaniya ang katotohanan sa pamamagitan ng hipnotismo. Pinilit kong makapasok sa isip ni Sister Jean para ipakita sa kaniya ang buong katotohanan kung saan nagsimula ang lahat at kung paano humantong ang lahat sa ganto.

ITIM na bistida na hanggang tuhod ang aking suot habang tuwid na nakahiga sa malamig na sahig at napapalibutan ng mga may sinding kandila. Sa kanang bahagi ko ay naroon si ama na may hawak na makapal na libro at taimtim na binabasa sa harapan ng hindi pang karaniwang altar. May sungay sa pinakanggitna ng altar at may dalawang pulang tela sa gilid nito, may mesa rin sa ibaba at naroon ang isang ulo ng baboy bilang alay sa mga itinuturing na gabay ng aking ama.

Sa kaliwang bahagi ko naman ay naroon ang buong pamilya kasama ang naghihikahos na nilang ina, narito sila sa aming mansion para humingi ng tulong sa amin ni ama na pagalingin ang may malubhang sakit nilang ina.

Tanging ang mga may sinding kandila lamang ang nagbibigay liwanag sa buong paligid dito sa baba ng aming mansion. Mahigpit din na bilin ng aking ama na huwag gumawa ng kahit anong ingay habang isinasagawa namin ang ritwal at tinatawag ang mga tinuturing niyang gabay.

"Pumikit ka na, Melissa. Sambahin mo sila at iyong kausapin." Sinunod ko naman ang utos ng aking ama at marahan na pumikit hanggang sa maramdaman ko na ang paglutang ko sa ere tanda na nandito na ako sa tahanan ng mga gabay ng aking ama. Nang idilat ko ang aking mga mata ay napapalibutan na ako ng mga nakasuot ng mahahabang damit na purong itim katulad ng belo na nakasuklob sa kanilang ulo.

Matagal na naming ginagawa ito ng aking ama kung kaya't sanay na ako at alam ko na kung ano ang mga dapat gawin. Magalang akong lumuhod sa harapan ng mga gabay at ibunukas ang mga kamay na parang ipinapaubaya ang aking sarili sa kanila.

"Kayo ang aming panginoon. Kayo na aming sinasamba, kayo at wala ng iba pa. Sa ngalan ng mga diablong makasalanan nagsusumamo na ako'y inyong pagbigyan." Tatlong beses kong binanggit iyon hanggang sa lumitaw sa harapan ko ang babaeng naghihikahos na kanina, ang kaluluwa nito.

"Kaluluwang naparito magbabalik sa ibabaw ng mundo, katawang lupa na dumanas ng paghihirap, kagalingan ay iyong matatanggap. Sa ngalan ng mga diablong makasalanan isinasamo ko na ako'y inyong pakinggan." Bulong ko sa kaluluwa ng babae na nakaratay sa sahig.

Tumayo ang babae matapos ko itong bulungan at nagsimula itong maglakad palayo hanggang sa maglaho ito. Muli akong lumuhod sa harapan ng mga nakaitim na belo at nagpasalamat sa pamamagitan ng pagtungo ng ilang segundo bago ako muling dumilat habang nakahiga pa rin sa malamig na sahig at napapalibutan ng mga kandila.

Nag-iiyakan na ang buong pamilya habang niyayakap ang nakatungo nilang ina dahil sa maayos na ang lagay nito na parang hindi ito dinapuan ng malubhang sakit, nginitian naman ako ni ama dahil sa isa na naman ang napagaling namin sa araw na ito.

Matapos ang ritwal ay iniwan ko sa baba ang aking ama na may kinakausap na naman sa harap ng altar na hindi ko naman nakikita. Dala ang isang supot na naglalaman ng pagkain, dumiretso ako sa isang bodega na nakabukod sa mga kuwartong hindi naman nagagamit. Pagkapasok ko sa loob ay agad akong lumapit sa malaking cabinet na nasa sulok.

"Halika, may dala akong pagkain," sambit ko. Lumangitngit ang pinto ng cabinet dahil sa mabagal na pagbukas nito.

"Nasa baba si ama kaya huwag kang mag-alala. Ito oh, may pagkain akong dinala para sa 'yo," malumanay na sambit ko. Mabilis itong lumundag sa sahig at agad na kinuha ang supot na dala ko.

TRESE [Completed]Where stories live. Discover now