Chapter 19

40 13 0
                                    

Hinatid ako ni Lennox sa bahay pagkatapos naming magpunta sa beach. I scanned my notes before going to bed dahil baka magkaroon kami ng surprise quiz bukas.

Lumabas muna ako sa kwarto at pinuntahan si Mom. I opened her door and saw my Mom laying on her bed. She's already alseep. Maybe she's tired. Hinalikan ko ang kanyang noo at dumiretso naman sa kwarto ni Xavier. He's already sleeping so I just kiss his forehead and silently left his room. I love them both! So much. They're the reason why I am still fighting and living right now.

Bumalik ako sa aking kwarto upang makapag-pahinga na rin. Tinextsan ko si Lennox at nagpasalamat sa pagsama niya sa'kin kanina. Humilata na ako sa aking kama at inantok rin agad dahil na rin siguro sa pagod ko sa pag-iyak kanina.

Nang nagising ako ay agad akong  naligo at nag-ayos para makapasok na sa school. Lately, I've been so excited to go to dahil makikita ko na naman si Lennox! Ay ang harot, Letizia! Mas lalo pang nag-huramantado ang puso ko ng nakita ko ang text ni Lennox.

Lennox:

Good morning! Eat your breakfast. I'll see you later.

Napailing na lang ako sa pagiging bossy niya. Hanggang sa text nararamdaman ko pa rin ang pagiging bossy niya. Pero kinilig pa rin ako sa text niya. Small details like that makes me so happy.

Nagpahatid na ako sa driver namin bago pa 'ko mahuli sa klase. Nakita ko na naman si Lennox na naghihintay sa'kin sa labas ng classroom. I was about to walk towards her nang lumapit si Estella sa tabi niya. Bigla akong napatigil sa paglalakad dahil naalala ko pa rin ang nangyari kahapon. Estella's keeping too much secret on me. Naglakad ako patungo sa classroom at hinayaan silang mag-usap doon.

"Letizia" Estella's voice made me jump a bit. Hindi ko siya pinansin at naglakad lang patungo sa aking upuan.

"Z, talk to me." She pleaded. Binaba niya ang gamit niya sa upuan at humarap sa akin.

"What is it, Estella?"

"About yesterday, I am sorry if hindi —"

I cut her off, "It's okay. You don't have to tell me everything. I understand."

Magsasalita pa sana siya ng biglang pumasok ang teacher namin. Nagsimula na siyang mag-discuss kaya hindi na ako muling kinausap ni Estella. Hanggang sa natapos ang morning subjects namin ay hindi pa na ulit kami nagkausap ni Estella. I don't know how to start a conversation with her. Baka galit siya sa akin or I don't know.

Lunch break na ng niyaya ako ni Lennox na kumain sa cafeteria. Kasama daw namin si Aurelius at David kaya pumayag naman ako at besides miss ko na ang bangayan ng dalawang 'yon.

Nag-aayos ako ng gamit ko ng tinapik ni Estella ang balikat ko. "Letizia. Can we talk?"

Tinuloy ko pa rin ang pag-aayos ng gamit ko ng hindi siya sinusulyapan. "Importante ba?" Tanong ko.

"Uh..hindi naman. Sige mamaya na lang. Sige, uh..labas na 'ko." Nahalata ko ang panginginig ng boses niya.

"You're not coming with us?" Lennox interrupted.

Humarap ako sa gawi niya at napatingin naman agad si Estella sa akin kaya iniwas ko ang tingin sa kanya.

"No." Sabay iling niya. "Niyaya rin kasi ako nila Lyle kumain sa labas. Sige, mauna na ako." Tumalikod siya at naglakad na palayo.

This is our first time not eating lunch together. Mas gusto pa niya kasama sila Lyle kesa sa akin. She knows that we have a problem pero mas pinili niya paring sumama kila Lyle. Okay, fine!

Sweet Scent of Success (Horizon Series #1)Where stories live. Discover now