Chapter 04

152 13 2
                                    

Chapter 04

Kakatapos lang ng klase namin sa pang hapon kaya dali-dali kong inayos ang mga gamit ko. Kasabay ko si Nova papuntang parking lot pero pumunta muna kaming library dahil inutusan kami na dalhin yung libro dun.

Naglalakad na kami papapuntang parking, di ko alam kung nasaan na yung tatlong unggoy. Sana naman hindi nila ako iwan dito, sasapukin ko talaga sila isa-isa pag nangyari yon.

"Ziram nandito na sundo ko." Anas ni Nova.

"Mamaya ka na umalis, iiwan mo ko dito mag-isa?"

"Mag sasabi lang ako kay manong na mamaya na muna kami umuwi pero pag lumipas na ang isang oras at wala pa yung tatlo, hatid kana lang namin." Sabi nya.

Tumango na lang ako atsaka umupo sa tabi.

Nasan na kaya yung tatlo? Baka plinano nilang iwan ako dito, pag 'yon talaga nangyari makakatikim talaga yung tatlo. Maya-maya pa ay tumabi na sa akin si Nova na may dalang piattos.

"Gusto mo?" Alok nya.

"Ah wag na Piattos iyo na yang piattos mo HAHAHA." Sabi ko na ikasimangot nya.

"Piattos nanaman ayaw mo ba sa clover? Finger licking good." Inosenteng sambit niya.

"Okay ang korny hindi ka pwedeng maging comedian."

"Bakit? Sino may sabing magkokomedyante ako?"

Tawa lang ang sinagot ko saka kumuha sa piattos na hawak nya. Hindi na lang din sya umimik.

Naubos nanamin yung dalawang piattos na malaki pero wala pa din yung tatlong unggoy, baka iniwan na talaga nila ako dito? Buti na lang nandito pa si Nova.

"Siguro hatid ka na lang namin sa Hederos, wala pa sila hanggang ngayon." Sabi nya.

"Maige pa nga." Sambit ko.

Malilintikan talaga sa akin yung tatlo pag naabutan ko silang nasa Hederos. Hindi ako mag-luluto ng hapunan nila bahala sila, kakain ako sa labas.

Nang makapasok na kami sa sasakyan ay agad kong binulungan si Nova na mag-drive thru kami pumayag naman sya kaya agad nya yung sinabi dun sa driver nya.


KUMAKAIN na kami nila Nova sa loob ng sasakyan, pati na rin si Manong. Nilibre kasi kami ni Nova dapat nga ako yung manlilibre sa 'min pero ito namang si Nova ay agad nagbayad kaya ayun yung pera ko nakaligtas HAHAHA.

"Bakit dito mo naisipang kumain? Ayaw mo ba dun sa Hederos?" Tanong ni Nova ng matapos kaming kumain.

"E kasi naman baka nasa Hederos na yung tatlong unggoy, iniwan ata ako."

"Hindi ata, iniwan kana talaga."

"Ha? Anong ibig mong sabihin"

"Narinig ko kasi sila kanina nung pumunta akong C.R palabas na sila tapos ang sabi ni Reziak 'Iwan natin si pangit mamayang uwian, siguradong maglalakad 'yon pauwi' tapos tumawa pa, parang baliw." Kwento niya.

"Bakit di mo agad sinabi sa akin?" Napatigil  ako sa pagsubo ng ikwento niya yon.

"Nakalimutan ko eh, ngayon ko lang naalala." Sabi pa niya at ngumiti ng walang mata.

Biglang kumulo ang aking dugo sa tatlong unggoy na yun. Puwes wag silang kakain mamaya, kahit utusan pa nila ako hinding-hindi ko yun gagawin. Magkukulong ako sa kwarto na parang iniwan ng jowa kahit wala naman talaga. Tinuon ko na lang ulit ang pansin sa pagkain ko.

Nang makarating na kami sa loob ng gate ng Hederos ay nagpasalamat ako kay Nova tas kay manong bago ako bumaba ng sasakyan.

Dumeretso na ako papasok sa Hederos, binati pa ako ng gwardya kaya binati ko rin sya. Nang makapasok sa loob ng Hederos ay naabutan ko pa yung tatlo na naglalaro ng ml.

Napatingin pa sa akin si Reziak, ngumisi pa ito. Inirapan ko lang sya saka nagpatuloy sa pag-lalakad patungong kwarto. Wag na wag na talaga kayong kakain mamaya.

Nang makapasok sa kwarto ay agad kong nilock ang pinto saka nagbihis pang bahay, at tinanggal ang mga nakalagay sa aking mukha. Nang matapos ako ay agad akong humiga sa kama, pipikit na sana ako ng may narinig ako kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

"Sino yan?!"Tanong ko.

"Oy Ziram gutom na kami baka gusto mo kaming ipagluto ng hapunan?" Sabi ni Zack.

"Ayaw ko nga, bakit di kayo ang gumawa tutal kayo naman ang kakain." Sambit ko.

"Hoy Ziram baka nakakalimutan mong katulong ka dito? Ipagluto mo na kami, gutom na kami." Sabat ni Reziak.

"Hoy ka din Reziak, akala mo di ko alam yung plano mo kanina pwes manigas kayo dyan!" Sabi ko.

Napairap pa ako ng marinig ko ang boses ni Zack na ang sabi ay 'Bakit mo kase naisip yun, di tuloy tayo makakakain.'

Kinuha ko na lang yung sobra kong unan tapos tinaklob ko iyon sa aking ulo para kahit papaano ay konti lang ang maririnig ko saka pinikit ang aking mata.

Di ko namalayan na nakatulog na pala ako kaya ng nagising ako kinaumagahan dahil narinig kong tumunog ang alarm clock na nasa tabi ng kama ay agad akong bumangon. Kinusot ko pa mga mata ko bago dumeretso sa banyo para maligo.

Habang naliligo ako ay feeling ko kulang ako sa tulog pero sanay nanaman akong ganun e kaya ng matapos ay agad akong nagbihis at naglagay ng kung ano-ano sa aking mukha yung fake nunal, makapal na kilay tas rounded glass.

Kinuha ko na yung bag ko bago lumabas ng kwarto. Aba himala wala na dito ang tatlong unggoy, mabuti naman dahil walang epal. Dumeretso ako sa kusina para ipagluto ang sarili ko ng umagahan. Kaunti lang niluto ko tutal ako lang naman ang kakain, bahala na yung tatlong unggoy na pakainin ang mga sarili nila may mga pera naman sila.

Habang kumakain ay napatingin ako sa labas, napansin kong madilim pa kaya agad akong pumunta don sa bintana para siguraduhing kung tama ba ang nakikita ko.

Nang makalapit ay bigla na lang akong napamura, agad kong kinuha ang aking cellphone na nasa bulsa lang ng aking palda at binuksan yun. Napamura ako ng madami mga sampo ng makita kong alas-dose palang nang madaling araw. Sinong nag palit ng oras sa alarm clock ko? At bakit mali yun?!

Napasigaw ako sa inis maya-maya pa ay may bigla akong narinig na yapak ng tao sa hagdan kaya agad akong pumunta don para tingnan pero ng makarating ako ay wala naman akong nakikitang tao maliban sa akin. Haunted ba ito? Takot pa naman ako sa mga multo.

Pumunta na lang ako sa kusina para ubusin ang mga pagkain na niluto ko pero naabutan ko na lang yung pinggan na wala ng laman na pagkain.

Bigla akong lumingon sa paligid baka merong tao na nandito lang sa loob ng kusina maliban sa akin. Ano ito?! Ayaw ko na dito baka may multo.

Aalis na lang sana ako sa kusina para pumuntang kwarto nang bigla may narinig akong ingay sa loob ng dirty kitchen.

Kahit takot ako ay kinuha ko ang walis at dahan-dahang naglakad patungo sa dirty kitchen. Sabi nga nila wag ka daw matakot sa multo, matakot ka sa tao kase pwede kang patayin physically e ang multo susulpot lang yun, mawawala rin kaya i'm gonna face my fear.

Dahan-dahan kong pinihit ang door knob, nagulat akong bukas ang ilaw, di ba pag multo wala syang nahahawakan. Pano yun nangyare? Dahan-dahan kong sinilip ang loob at nagulat ako sa nakita ko.

The HeirsWhere stories live. Discover now