Chapter 07

142 11 7
                                    

Chapter 07

Lumipas ang mga araw ganon ang naging routine namin pero ngayon'g araw na ito ay sabado so it means na wala kaming pasok ngayon. Alas-syete na nang gabi pero di pa kami nakain. Nasa sala ako kasama ang tatlong unggoy nanonood kami ng spongebobㅡ ay mali ako lang pala.

Nagrereklamo na nga sila e kasi gusto nilang manood ng action movies pero ako pa rin ang nasunod hanggang sa biglang lumapit sa akin si Reziak, tiningnan ko sya na at tinaasan ng kaliwang kilay.

"Ano nanaman?" Tanong ko.

Walang imik syang umupo sa aking tabi, hindi ko na lang sya pinansin at tinuon na lang ang pansin sa T.V

Maya maya pa ay may naramdaman akong braso na nasa balikat ko. Tiningnan ko kaagad si Reziak ng masama at tinanggal iyong braso nya sa aking balikat ngumiti lang ito ng mapang-asar.

Bigla nyang hinablot yung remote na nasa tabi ko lang kanina. Tumakbo ng tumakbo si Reziak maya-maya pa'y pinasa nya ito kay Zack kaya ito naman ang hinabol ko.

"Hoy unggoy number two akin na yang remote!" Sigaw ko kay Zack at binilisan ko pa ang takbo pero hindi kinaya ng binti ko. Ang hahaba kasi ng mga binti nila.

"Rainber catch!" Sabi ni Zack.

Bigla naman itong sinambot ni Rainber na naka-upo lang at may binabasa hindi ko alam kung ano yun. Lumapit ako kay Rainber pero bigla naman ito tumakbo papalayo sa akin.

"Hoy ano ba akin na nga yan!"

"Kunin mo." Sabay na sabi nila.

"Pano ko makukuha kong takbo kayo ngㅡ" Napatigil ako sa pagsasalita ng biglang namatay lahat ang ilaw.

Wala akong makita, nanginginig ang buong katawan ko kaya napaupo ako at niyakap ko ang sarili ko. Naririnig kong  tinatawag ako ng tatlo pero hindi ko magawang umimik. Takot ako sa dilim simula nung bata pa, may masamang nangyari sa akin na matagal ko ng kinalimutan pero bigla ko nanamang naalala, Umubob ako para malessen ang panginginig ko.

Napapikit ako ng biglang mag-replay sa isip ko ang nangyari sa akin noon, hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako.

"Ziram nasan ka!" Rinig kong sigaw ni Reziak. "Zack, RJ nasa inyo mga cellphone n'yo?"

"Oo." Rinig kong saad ng dalawa.

"Pahiram ako ng cellphone mo RJ tapos pumunta kayo kay Manong Edwardo tingnan nyo kung inaayos na ba yung switch."

Biglang nandilim ang paningin at tuluyan na nga akong nawalan ng malay.



NAGISING na lang ako sa ingay ng paligid. Agad kong nakita ang puting kisame kaya naman ay napatingin ako sa paligid ng kwarto.

"Nasa hospital ba kami?"Tanong ko sa sarili.

Nakita ko sila Rainber at Zack na naglalaro ng ml, agad hinanap ng paningin ko si Reziak, hindi ko alam kung bakit.

Biglang may humawak sa kamay ko kaya agad akong tumingin don at nakita ko ron si Reziak, naka-ubob sa kama na hinihigaan ko.

"Bitaw." Saad ko para malaman nila na gising na ako.

Napatingala bigla si Reziak habang yung dalawa ay napatingin sa amin.

"Gising ka na pala Ziram." Saad ni Rainber.

Agad na lumapit sa akin si Zack at Rainber habang si Reziak naman ay tumayo.

"May nararamdaman ka bang masakit sayo?"

"Tumawag kayo ng doktor."

"Gusto mo bang uminom ng tubig?"

Sunod sunod na sabi ng tatlo. Napabuntong-hininga na lang ako sa kanilang inasal.

The HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon