Chapter Eight

2 1 0
                                    

Sa lumipas na mga araw unti-unti kong nakilala ang pagkatao ni Jeonghan. At ang masasabi ko, sana di nagtagpo ang landas namin dahil isa siyang evil prankster. 😔 Walang araw na di niya ko pinagtitripan. Kung anu-anong mga bagay yung pinangagawa niya para lang buwisitin ako. Minsan bigla na lang siyang may ipapabili sa akin ng kung anu-ano tapos pag binili ko na ayaw niya na daw. Then minsan kung anu-anong fake insects yung nilalagay niya sa CR para takutin ako o kaya naman tatawagin niya ko para lang itapon sa akin yun, tapos pag tumili na ko bigla siyang tatawa ng pagkalakas lakas. Minsan nga parang gusto ko na siya paslangin eh! 😡 Nakakapikon at nakakabuwisit na kasi siya eh! Pero hanggat maaari kinakalma ko ang sarili ko pero pag naubos yung pasensya ko lagi kaming nagbabangayan at nagsisigawan. Madalas nga kaming awatin nina Seungkwan, The8 at Wonwoo. Hindi talaga ako nagkamali, mababaliw ka pag assistant ka ni Jeonghan. Hindi mo maintindihan ugali niya, minsan mabait minsan naman parang dimunyu.😫 Actually gusto ko na talagang magquit pero may isang bagay na nagpipigil sa akin, I mean tao. Malamang kilala nyo na siya, oo! Yung crushy ko, si Wonwoo. Kung hindi dahil sa kanya baka matagal na kong nagquit at iwan yung magaling kong may sapak na boss. Pasalamat talaga siya dumadating si Wonwoo para icomfort ako at alisin ang inis ko sa kanya kapag bwinibwisit niya ko. Dahil kung hindi goodbye earth ba sya at papatulan ko na talaga siya ng bonggang bongga. Hay! Pag naiisip ko talaga yung Jeonghan na yun, sumasakit ulo ko. Di ko naman itatanggi na mabait din si Jeonghan pero madalas kasi may sapak siya. Minsan kasi sobrang bait niya sa akin tapos bigla bigla na lang magagalit lalo kapag nakikita niya kaming naguusap ni Wonwoo. Ewan ko ba sa taong yun, may sapak ata talaga.😒

Bigla akong napabuntong hininga habang naglalakad palapit sa condo unit niya.
'Janine! Kalma lang! Kaya mo yan'
Yan ang mga linyahan ko parati kapag papasok na ko sa loob ng unit niya o kaya magkikita kami. Lagi kong hinahanda yung sarili ko sa anumang kalokohan na balak niyang gawin sa akin. Mahirap ng hindi handa evil prankster pa naman 'to.

Nagbuzzer ako sa unit niya at nagsalita sa intercom niya.🙄

"Hey! Jeonghan si Janine 'to," sigaw ko sa intercom ni Jeonghan.

Maya-maya ay bumukas yung pinto niya sabay tingin sa akin ng nakakunot noo.

Problema nito? Ka-aga aga galit? Tsk!

"I already gave you my pincode, yet you still ask permission when coming in?," suplado niyang turan.

"Malamang sir! Di naman ako bastos para pumasok sa di ko condo 'no?," mataray kong sabi. Akala niya ba magpapatalo ako sa kanya! Tsk!!! 😑

"So you mean mas gusto mong pinagbubuksan ka? Ganun?"

"Hoy! Wala akong sinasabing ganyan." Umiinit na naman ulo ko sa taong to!😡

"So dapat gamitin mo ang pincode ko, para san pa at binigay ko yun sayo. Besides ayoko sa lahat yung ako pang nagbubukas ng pinto, di ka naman boss para gawin ko pa sayo yun," mayabang na sabi ni Jeonghan sabay talikod.

Napakadimunyu talaga! Sheda!😠

"Alam mo ikaw napakayabang mo, ang galing mo talagang manira ng araw," asar kong sabi habang sumusunod sa kanya papasok ng condo niya.

Bigla siyang huminto sa paglakad sabay tingin sa akin ng masama.

"What did you say? Mayabang ako? Magaling manira ng araw?," pagalit niyang sabi habang palapit sa akin.

Bigla akong napalunok at dahan-dahan akong umatras.
Naku lagot! Mukhang ginalit ko ata. Paktay na!😩

"Hey! Jeonghan, nagsasabi lang naman ako ng totoo."

"So gusto mong sabihin na masama ang ugali ko ganun ba?"

"Ahh- ano? Ah! Slight?," medyo kabado kong sabi. Biglang kumunot lalo ang noo niya at bigla kong tinulak sa pader.

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Apr 27, 2021 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

My Evil KnightNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ