Part 1 - Chapter 11

1.6K 199 38
                                    

Benjamin

Akala ko, hindi darating si Jeruel. Alas singko kasi ang usapan namin at 5:30 na pero wala pa siya. Baka hindi siya pinayagan ng nanay niya. Baka bukas, kausapin niya ako ulit na may pagbabago sa plano at hindi na kami sa bahay gagawa ng I.P.

O baka nagpunta na ang nanay niya sa school at kinausap si Sir Medina. Baka magulat na lang ako bukas na hindi na pala si Jeruel ang partner ko. Sanay ako na ganoon ang ginagawa ng mga magulang ng mga kaklase ko eh, mailayo lang sa akin ang anak nila. Para bang lahat sila, ang iniisip ay baka saktan ko ang anak nila, o pagnakawan, o gawan ng masama.

Sabagay, kasalanan ko naman. Kasi talagang ginagawa ko yun noon. Pero di ba nga, iba si Jeruel? Iba siya. Hindi ko siya pagiisipan kahit minsan na gawan ng masama. Kung pwede ko lang ipagsigawan sa mundo yun at maniniwala sila, gagawin ko.

Hinubad ko ang t-shirt ko at nanuod na lang ako ng Tom and Jerry. Tutal papadilim na at hindi na ko papayagan ni Lola na lumabas pa para magpunta sa bahay nila Chino.

Kinundisyon ko na ang sarili ko na di na darating si Jeruel kaya naman laking tuwa ko nang tawagin ako ni Lola at kasama na niya si Jeruel na nakatayo sa may pintuan.

Hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin, at kung paano ko siya aasikasuhin. Nahihiya kasi ako sa kanya. Dahil sa pagkataranta ko eh nakalimutan kong isuot ang t-shirt ko.

Nakakahiya, kasi isang kagalang galang na tao ang kaharap ko. Buti na lang dahil sinabihan ako ni Lola kaya ko naalala. Umakyat na kami sa kwarto ko at binuksan ko na yung computer.

Isinara ko yung pinto dahil sa aircon pero nagulat ako nang pigilin niya ako. Nagalala siguro siya. Pero hindi na siya nakipagtalo pagkatapos kong magpaliwanag.

Nagpaluto ako kay Lola ng sopas. Alam ko na paborito niya ang sopas kasi laging iyon ang binibili niya sa canteen. Pag natikman niya ang luto ng Lola ko, tiyak na hindi niya iyon makakalimutan. Kaya naman nang tumanggi siyang kumain ay pinilit ko talaga siya. Masaya ako kasi kumain siya, kasabay ko. At iyon ang unang beses na nakasabay kong kumain si Jeruel Santillan, gamit ang kutsara at mangkok na sa bahay ko mismo nanggaling. Wala lang, ang saya lang isipin.

Nang makakain na kami ay nagumpisa na kaming magbasa basa. Pinilit kong intindihin yung mga binasa ko para lang makatulong ako sa kanya. Wala kaming pinagusapang kahit ano. Inexpect ko na yun dahil sinabi niya sa akin na iyon ang gusto niya. Gustung gusto ko pa naman sanang makipagkwentuhan sa kanya. Sana sa susunod, magawa ko.
Mabilis na lumipas ang oras, at nakakalungkot man, nagpaalam na siyang uuwi bandang alas otso.

“Uuwi na ako. Nagaalala na siguro si Nanay.”

“Okay. Hatid na kita.”

“Ano ka ba? Nagawa kong pumunta dito mag-isa, magagawa kong umuwi mag-isa.”

“Maraming loko diyan sa labas.”

Pagbaba namin ay nagpasalamat siya kay Lola at nagpaalam nang uuwi.

“Ihatid mo siya, Benjie. Maraming loko loko diyan sa labas. Baka makunsunadahan si Jeruel.”

“Yan nga ang sabi ko. Ayaw niya.”

“Aba, hindi pwedeng ayaw. Ihatid mo siya. Bisita mo siya. Pananagutan mo pag may nangyari sa kanya diyan sa daan. O baka naman tinatamad ka lang?”

Buti na lang at mapilit si Lola. Dahil doon ay pumayag din si Jeruel na ihatid ko siya. Kaya lang, hindi pa man kami nakakalayo ay ipinagtulakan na naman niya akong umuwi.

“Kaya ko na ‘to. Umuwi ka na.”

“Magagalit ang Lola ko.”

“Sabihin mo nakauwi na ‘ko.”

Two RoadsWhere stories live. Discover now