Part 1 - Chapter 19 (2 of 2)

1.2K 170 5
                                    

Jeruel

Kinabukasan, nagpatuloy ang iwasan namin ni Benjie. Hindi ko alam kung ako lang, o sadyang iniiwasan din ako ni Benjie.

Hindi pa rin ako nagpunta sa kanila kinahapunan, at buong buhay ko, ngayon ko lang naranasang malungkot nang ganito.
Parang ang haba haba ng mga oras. Parang walang saysay. Parang nakakawalang gana.

Wednesday. Literature ang topic namin. Elizabethan text.

"One of the most prominent writers and playwrights considered to be part of this period is William Shakespeare, although he differs from the traditional Elizabethan poets of the contemporary era."

Kitang kita sa mga mukha ng mga kaklase ko kung paano sila nababagot sa mga topic na gaya nito. Sakin, OK lang sana. Kung walang ibang gumugulo sa isip ko.

"You will see the beauty of an Elizabethan text if you will just internalize the beautiful works written during this period. Mr. Santillan?"

Bigla akong napatayo. Lumingon sa akin ang lahat ng kaklase ko. Kabilang na siya. Si Benjie.

"Yes Ma'am?”

"Familiar with Romeo and Juliet?"

"Definitely, Ma'am."

"Can we throw lines as a sample?"

"Sure."

Ilang beses ko na ring nabasa ang Romeo and Juliet ni Shakespeare, at kahit hindi ko kabisado ang buong libro, palagay ko, masasabayan ko si Maam sa batuhan ng linya.

"OK everyone, listen. Here goes. Good morrow, cousin."

Nakangiti si Ma'am. Titig na titig naman sa akin ang mga kaklase ko. Linya ni Benvolio ang inumpisahan ni Ma'am. Pinsan ni Romeo. So linya ni Romeo ang pinagagawa sa akin ni Ma'am kung ganoon.

"Is the day so young?"

Napangiti ulit si Maam. Natuwa siyang alam ko ang linya.

"But new struck nine."

Ngumiti na din ako. Gusto ko to. Komportable ako sa ginagawa ko.

"Ay me! sad hours seem long..."

Hindi pa ako tapos sa linya ko nang sumagot agad si Maam.
"What sadness lengthens Romeo's hours?"

Nagkibit balikat ako. Damang dama ko kunwari na ako si Romeo.
"Not having that which, having, makes them short."

"In love?"

"Out,--"

"Of love?"

"Out of her favour where I am in love."

Ang laki ng ngiti ni Maam at lumapit pa talaga siya sa fifth row.

"Tell me in sadness who is that you love?"

Natigilan ako. Nagskip si Maam. Linya pa rin ni Benvolio yung sinabi niya pero ang layo ng itinalon.

"What, shall I groan and tell thee?"

Ngiti ang binigay ni Maam na parang nagsasabing magaling ako dahil nasundan ko agad.

"Groan! why, no; But sadly tell me who."

"In sadness, cousin, I do love a..."

Hindi ko maituloy. 'woman' dapat ang kasunod na salita. Inalis ko ang tingin ko kay Ma'am at dumeretso iyon sa singkit na mga mata sa may unahang row.

Kumabog ang dibdib ko at napailing na lang ako sa tindi ng nararamdaman.

"In sadness, I do love... someone."

Natigilan si Ma'am. Napatitig siya sa mga mata ko. Alam niya. Alam niya na hindi lang basta batuhan ng linya ang nangyayari. Alam niya na nagsasalita ako hindi bilang si Romeo kundi bilang si Jeruel Santillan.

Naisipan kong tumalon din ng linya at hinayaan lang ako ni Maam.

"O, she doth teach the torches to burn bright! It seems she hangs upon the cheek of night like a rich jewel in an Ethiop's ear; Beauty too rich for use, for earth too dear! So shows a snowy dove trooping with crows as yonder lady o'er her fellows shows. The measure done, I'll watch her place of stand. And, touching hers, make blessed my rude hand."

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, pero habang sinasabi ko ang linyang iyon, kay Benjie lang ako nakatingin. Sa singkit niyang mga mata at manipis niyang mga labi. Hindi ko na pinalitan ang mga pronoun sa linya dahil mataas ang respeto ko sa sinulat ni Shakespeare, pero sa puso ko, hindi si Juliet ang tinutukoy ng mga salitang iyon. Kundi siya. Si Benjamin Arevalo.

"Did my heart love till now? forswear it, sight! For I ne'er saw true beauty till this night."

Damang dama sa hangin ang linyang binitawan kong iyon. Sana lang, dalhin iyon ng hangin sa taong pinatutungkulan ko.

Muli kong ibinalik ang paningin ko kay Ma'am. Nakangiti siya sa akin at nakalahad ang kamay.

"Come, Romeo."

Lumapit ako sa kanya at hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit.

"You are a lover; borrow Cupid's wings, And soar with them above a common bound."

Hindi na linya ni Benvolio yun. Kay Mercutio na yung sinabi ni Ma'am. Pero si Romeo pa rin ang kausap.

"I am too sore enpierced with his shaft to soar with his light feathers; and so bound, I cannot bound a pitch above dull woe: Under love's heavy burden do I sink."

"And, to sink in it, should you burden love; Too great oppression for a tender thing."

Napailing ako, na parang sa akin talaga sinabi iyon.

"Is love a tender thing? It is too rough, too rude, too boisterous; and it pricks like thorn."

Tumawa nang malakas si Ma'am. "If love be rough with you, be rough with love; Prick love for pricking, and you beat love down."

Seryosong tumingin si Maam sa mga mata ko. Naramdaman kong humigpit ang kapit niya sa kamay ko.

"Tell that person you love how you feel, Romeo."

Natulala ako. Hindi na linya mula sa play ang sinabing iyon ni Ma'am. Dumeretso iyon sa puso ko. Alam kong para sa akin yun.

Bumitaw na siya sa akin at bumalik sa unahan. Ako nama'y bumalik na sa upuan ko.

"How about giving it for Mr. Santillan, class?"

Nagpalakpakan ang mga kaklase ko.

"If I would live my life again, I promise I'll search for Mr. Santillan in my second life. His type is the one I want to marry. He's intelligent, he's smart. And he's too good looking. Anyone who wants to give a comment about what we did?"

Nagtaas ng kamay si Alfie.

"Yes, Mr. Rodriguez?"

"Call me Miss, Ma'am."

"Whatever."

Nagtawanan ang buong klase. Tanging ako na nakatingin lang kay Benjie, at si Benjie na nakatingin lang sa akin ang hindi natawa.

"All I want to say is yes, Romeo, tell the person you love how you feel. I'm here. Tell me that I teach the torches to burn bright. I'm your Juliet."

Lalong nagtawanan ang mga kaklase ko. Nakita kong pati si Benjie ay natawa na rin.

Susundin ko ba ang sinabi ni Maam? Paano kung hindi ako tanggapin ni Benjie? Malamang naman. Sa isang tulad niya na brusko at lalaking lalaki, baka sapakin pa nga niya ako eh.

Kaso, parang hindi ko na yata kayang itago pa sa kanya.

Two RoadsWhere stories live. Discover now