Chapter 1-New Home

30 2 0
                                    

  Nicky POV's

    “Nicky! Hoy gising na dyan!" bungad sa akin ng kapatid ko  sa umaga.Ayst ate ko nga naman.

“Hindi ka ba babangon dyan?!"Ayan na parang sasabog na sya.

“Nicky!Nakalimutan mo na ba?.
“Hm Ano po ba yun ate ? Palagi mo na lang iniistorbo ang tulog ko.Kainis ka."sabay bato ko sa kanya ng unan,ganyan ako ka-sweet na bunso sa kanya minsan nga binabatukan ko pa yan,,HeHe joke lang.

“Lilipat kana sa bago mong bahay." napatulala ako bigla sa sinabi ng ate ko hindi ko inakalang ngayon na pala ako lilipat.
OMG esayted na ako!!Kyaah.

“Seryoso ate? Ngayon na ako lilipat?."
“Hindi bukas pa, gusto mo Yun?" napakasungit talaga nitong ate ko sinisigurado ko lang naman kung totoo ba o hindi.
“Bumangon ka na nga dyan,napakapangit kong bunsoy." sabay bato din nya sa akin ng unan.

“Oo na ako na ang pangit! Tanggap ko na yun purket kasing ganda mo si Marian Rivera inaasar mo na ako."natawa sya bigla sa sinabi ko at umalis.

Kahit inaasar ako ng ate ko at pinapagalitan narin minsan hindi parin nya makakalimutan na kapatid nya ako at kailangan nyang bigyan ng pagmamahal.
Thirty years old na sya pero wala paring Mr.Right,napakadami nyang manliligaw pero hindi nya sinasagot kung sa bagay lahat naman na magaganda mautak talaga alam nila Kung sino talaga ang para sa kanila.

“Nicky,magagalit na talaga ako sayo! Bumaba kana dito!".sumigaw na naman sya.Siguro kailangan ko na talagang maligo at magbihis narin syempre.

At after kong mag-ayos sa sarili ko lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa may sala Kung saan nakaantay ang mga maleta ko at pati na ang family ko.

“Nicky..." naiiyak na sabi ni mama.
“Mamimis kita anak" maiiyak na talaga ako nito.Kasi naman eh napaka queen of drama talaga tong si mama pumapatak na tuloy mga luha ko.

“Hoy napakapangit kong bunsoy,tandaan mo toh hindi ko hahayaan na mag-isa Ka dun kaya......

“Huh?Kaya po ano?Sasama po ba kayo sakin?. No² hindi pwede toh gusto mag-isa dun sa bahay.

“Hindi ako sasama sayo noh.In your dreams mamimis ko kaya si mama." sabay hug nya Kay mama at may pa kiss on cheeks pa.Mag-ina nga naman ang haharot.
At ayon nga wala parin akong idea kung sino ang makakasama ko sa bago kong bahay.Ayaw pa diretsyohin ni ate eh may pa commercial break pa.

“At dahil alam kong mabobored Ka dun dahil nga mag-isa ka.Kinuha ko na mga happy pill mo."ngumiti pang sabi ni ate.
“Sina ttany at patty ba kamo?.
“Aha".At bigla na lang nagsipasok ang mga happy pill ko dala ang kani-kanilang mga maleta at ang lalaki pa ng mga ngiti nila nakakahawa.

“Aalis na ba tayo kasi ako gustong gusto ko ng umalis".Ayst batukan ko kaya to ng isang libong beses para matauhan.Sinabi ko na nga sa kanila na hindi ko gustong may kasama ako sa bago kong bahay.Kainis.

“Tara na guys" nai-excite na sabi ni ttany.At ako naman bigla kong inayos ang sarili ko at sabay hinga ko ng malalim para naman mawala-wala na tong inis na nararamdaman ko ngayon.

“ Bye tita,bye ate jinky" naka-wave na sabi ni patty.At pagkatapos sabay na kaming lumabas ng bahay nina ttany at patty.

“Sa taxi ba tayo sasakay? Huh? Nicky?Kasi kung sa taxi nga tayo sasakay kayo na bahalang magbayad sakin."
“Ano?".nakakagalit na tanong ko kay ttany.
Hay naku ito na naman yun!Lumabas na naman ang bad side ko.Ano ba kasi tong si ttany ayaw nya lang talaga gastusin pera nya.In short napaka kuripot nyang kaibigan gusto nya kami ang gagastus sa pangangailangan nya.Che! No way! Masama akong kaibigan kaya hindi ko gagawin Yun.

“Kayo na bahala guys ha...naghihirap na kasi kami ngayon.Di ba nasabi ko na sa inyo dati na nawalan na naman ng trabaho ang daddy ko kaya sana naman matulungan nyo ko.".
Nagmamakaawa ba toh o ano? Style na naman toh ni ttany para maka jackpot sa amin ni patty.Alam ko na ginagawa nito ,,magaling tong magbudol-budol eh.

“Seryoso ka ba?Huh?Ttany?" diretsyohang tanong ko sa kanya at tiningnan ko toh sa mata kung seryoso ba sya o hindi.

“Huh?".tingnan mo nga naman parang gulat na gulat pa.

“Nanginginig Ka,alam ko na yan.O sige na ako na ang magbabayad ng taxi mo."sabay para ko ng taxi.

“Yehey thank you Nick.May god bless you".Sumakay na kami ng taxi at bigla nalang nya akong kiniliti sa tigiliran at hinihila-hila pa nya damit ko para na tuloy kaming baliw dalawa kung titignan.
Pasalamat na lang napigilan kong ibuga ang apoy ko.Iba ako pag nagagalit.Sinusunog ko kalaban ko.HeHe joke Lang.
21 years old na ako pero napakasama ko paring tao di ako katulad ng ate jinky ko na napaka anghel ang dating ako kasi demonyo.Hayst Ewan ko ba kung bakit hindi ako nagmana Kay mama.

“Saan po ang punta nyo ma'am".tanong sa amin ng driver.“Ihatid nyo po kami sa may Lilibeth Subdivision".at tumango -tango naman ang driver as a sign na naiintindihan nya at maihahatid nya kami dun.

At pagkalipas ng ilang oras,naihahatid na nya kami sa exact location na pupuntahan namin at sakto din naman ang pagkakahinto nya ng kanyang sasakyan dahil tumapat ito sa bago kong bahay.

“Ito na yun,thank u manong".sabay abot ko sa kanya ng bayad.At dali-dali kaming tatlong nagsilabasan sa kotse at   dahil sa sobrang excited may punishment talaga yan kaya ayon nauntog bigla ang ulo ko.AnShaket!

“Wow Nicky ang ganda ng bagong bahay mo."natulala pang sabi ni patty.Oo maganda talaga yan..pinaghirapang mabuo ni papa Yan para sa akin.Ang sweet ni papa noh? Akalain mo ganyan niregalo nya sa debut ko.Napakaswerte ko nga naman.

“Tara guys pasok na tayo".at pagdating namin sa loob agad naming iniwan ang mga dala naming maleta at tumakbo papunta sa kwarto para magpahinga.

“Haaaayy ang ganda ng buhay".sabay hinga ko ng malalim at natulog.

QueenArmy_7

              
        

I'm inlove with the innocent guyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن