Chapter 2-First Meet

26 2 0
                                    

Nicky POV's

    At Ito na nga.Ito na ngayon ang unang araw ko sa bago kong paaralan.Ang Herrieth School Academy or HSA.
Bago sa pandinig ko ang name ng paaralan na yon pero parang nai-excite ako na makapasok dun sabi kasi nila halos  estudyante dun matatalino,mautak at hindi mo maiisahan siguro tini-traine sila palagi ng teachers nila na maging mas matalino pa.
Kaya pala dito ako ininrol ng papa ko dahil matalino ako at gusto pa nya maging matalino pa ako.Hm kaya pala at dahil kaibigan ko yung dalawa ininrol din sila ng papa ko sa HSA para narin daw masamahan ako sa bago kong school in short sila na ngayon ang mga guardian angel ko.HeHe

“Malapit na ba tayo sa HSA?".tanong ni ttany sa driver.“Andito na tayo guys.Ito na Yun".nai-excite na naman ako baka kasunod nito mauuntog na naman ako.Stay calm lang Nicky.Stay calm.At pumasok na kami sa loob ng HSA.

Kakapasok lang namin sa school na yun bumungad kaagad samin ang mga matitipunong lalaki at wow ha amm popogi nila di katulad nung sa dating school namin lahat ng lalaki ang babadoy,mayaman sana kaso hindi mapurma ang dating yun bang purmahan sana ng mga matitipunong lalaki yun bang isang tingin mo lang sa kanya maiinlove ka kaagad.

“Ano ba yan bat nakatingin sila lahat satin?" nahihiyang sabi ni patty.
“Hayaan mo na.Tara diretsyo na tayo".pati ako nahihiya narin pano ba naman kasi nakatingin sila lahat samin lalo na yung mga babae para bang pinagchichismisan na nila kami.

Sumubra na ata kagandahan ko kaya titig na titig sila.

Waah! HAMPASIN NYO NGA AKO NG BOTE! ANG HANGIN KO NA EH!.NAKAKAHIYA!

“Saan ba new classroom natin? Hindi ko makita kita eh."sabay kamot ulo ni patty.

“Oh sige ganto na lang, dito kayo maghahanap sa 2nd floor at ako naman dun sa 3rd floor para madali ang paghahanap natin."

“Eh kung tanungin na lang natin ang mga students dito para mas madali yung paghahanap natin."

“Gagawin natin yun? Eh kita mo na nga kanina diba ang sasama ng mga tingin nila sa atin".

“Hmm okay sige.Dito na kami maghahanap".sabay turo nya at ako naman nagsimula ng maglakad sa kuridor papuntang 3rd floor.At pagdating ko sa itaas di ko akalain na napakatahimik pala at walang katao-tao kaya nakaramdam kaagad ako ng takot.

At sa kakahanap ko sa new classroom namin may napansin akong lalaki sa malayo at naglalakad ito.... patungo sa kinaroroonan ko? Kyaah lalapitan ba nya ako o ano?Di kaya bad boy toh?OMyG lord alam kong nakabantay kayo sa akin kaya help nyo ko..Waaah.

At nang nasa malapitan  na sya bigla akong napatulala.
NAPAKAGWAPO NYA!

Ang tangkad nya.Kainlove
Mapurma.Matangos ang ilong.As in napakaganda talaga yung shape ng ilong nya at ang kinis pa ng balat.

Ngayon lang ako nakakakita ng ganto kagwapong lalaki.
Matagal ko ng gustong makita ang ganitong lalaki at dito ko lang pala matatagpuan sa HSA.

At yun nga! ang layo pala ng expectation ko kala ko naman lalapitan na nya ako at mag-hi sakin hindi pala.
At dahil takot akong mag-isa dito sa 3rd floor at gusto ko natalagang makita ang room namin naglakas loob akong tanungin ang ideal guy ko.

Hm pano ba?
Ayan na pababa na sya ng hagdan.
Kailangan ko sya kaya tatawagin ko sya.

“Excuse Me?".nanginginig kong sabi.Naku Nicky NAKAKAHIYA ka talaga.

At agad namang lumingon sakin ang lalaki.

“Pwede bang magtanong?".Omg nakatitig pa talaga sya sa akin.

“Ano Yun?".waah ganda ng boses nya.

“Saan ba dito ang 3rd year level? Yung class A."tanong ko sa kanya habang nakatingin ako sa sahig at kunting tingin ko narin sa kanya tas iwas.Kung iisipin talaga para na akong baliw na babae nito.Kahiya.

“Transferre Ka?".

“Huh? Ah-Oo.Transferre ako.Ikaw?".talaga lang ha naisip ko pa talaga yun.

“Andun sa huli ang room mo".sabay turo nya at umalis.

Nobody ba Yun? Hindi pa kaya kami tapos mag-usap at hindi pa nya nasagot ang tanong ko.Seryoso? Wala talaga syang balak sagutin ang tanong ko?.
Tsk Di bale na nga,,atleast tinuro nya kung saan room namin.

I'm inlove with the innocent guyWhere stories live. Discover now