Chapter 3

6 0 0
                                    


PATRICIA'S POV


Buong araw na akong nakatambay dito sa kwarto ko. Matapos kong mag-ayos ng gamit ko kanina, naisipan kong lumabas at maghanda ng tanghalian pero napadali ang trabaho ko dahil may iniwan ng lutong pagkain si Mrs. Hensworth. Napangiti ako dahil hindi talaga makakaila na sobrang mahal nga nito ang kaniyang anak.

Hanggang ngayon, hindi pa rin talaga malinaw sa akin kung paano ang magiging set up namin ni Engr. Hensworth. Ang sabi lang sakin ng kaniyang ina ay personal ako nitong kakausain kung paano ang magiging trabaho ko pagdating sa kaniya. Basta para kay Mrs. Hensworth, bigyan ko ito ng pagkain sa oras ng pag kain at aasikasuhin siya pagdating sa trabaho. Dahil bahay ito ni Miguel, alam niya raw ang kaniyang kinagagalawan kaya malaya itong nakakakilos mag-isa ng walang umaalalay sa kaniya.

Ngayon, nakaupo lang ako sa sala habang nililibot ang paningin ko sa buong bahay. Sobrang ganda talaga. Mukhang pinag-isipan ang lahat ng disenyo ng bahay. Sino kayang architect at interior designer nito?

Tatayo na sana ako para bumalik sa kwarto ko na may marinig akong yapak ng paa. Bigla akong napalingon sa may hagdan at nakita ko si Engr. Hensworth na pababa dito.

"I think someone is here."

Hindi ako umimik. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na kaharap ko nga itong si Engr. Hensworth. Ang boss namin sa kompanya. Ang tinitingala ng karamihan samin. Nakaka starstruck nga talaga.

Patuloy lang siya sa paglakad. San kaya pupunta ito?

"I think someone is here." Ulit nitong sabi at siyempre ako, deadma lang tutal hindi niya naman nakikita na nandito nga ako.

"Ahhh!" Mahinang sigaw nito ng muntikan ng mahulog sa hagdan.

Pinipigilan kong tumawa ng malakas kahit na halos mahiga na ako sa kakatawa ng walang tunog.

"Someone is here. I can hear soft giggles." Inis na sabi nito kaya agad akong napaayos ng upo.

Dahan dahan akong tumayo at hahakbang na sana ako palayo pero bigla ulit siyang nagsalita.

"Hey, cucumber melon. I can smell you." Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Shit. Wala akong takas.

"Uhmmm..." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Come on, Patricia. Mag isip ka ng sasabihin mo!

"Uhm, do you need anything, Engr. Hensworth?" Tanong ko sa kanya habang nanginginig ako sa kaba. Buti nalang talaga at hindi ako nakikita.

"We need to talk and also, if I'm asking or obviously talking, try not be stupid as you are. Answer me in an instant. It's your first day but it seems like you're not doing your job properly. You can leave if you want. I don't need people like you. Now, I'm giving you the chance to get out of here!" Nagising bigla ang katawang lupa ko ng bigla itong sumigaw. Bigla akong kinabahan na para bang hindi ako makapag isip ng mabuti. Shit lang. Ito na nga ba ang sinasabi ni Mrs. Hansworth na attitude niya? Kalma, self. Ginusto mong pasukin ang trabaho na ito kaya magtiis ka!

"Uhmm. Sorry po Engr. Hensworth." Wala na akong maisip na sabihin kundi sorry.

"Let's talk about our set up." Madiin nitong sabi kaya wala na rin akong nagawa kundi bumalik ulit sa pagkakaupo samantalang siya naman ay umupo na rin sa maliit na sofa.

"Amber, right?"

"Yes, Engr. Hensworth." Sagot ko.

"We will be talking on how you will handle this situation. I'm going back on my work and I need someone whom I can rely on- and that is you. Every morning, at 7AM, we will be having our breakfast, a-"

"Sabay po tayo?" Singit ko habang nagsasalita siya.

"Can you just shut up?!" Sigaw nito.

"Sorry, Engr. Please continue on what you're saying" Mahinhin na sabi ko. Halata sa kaniya na nasira ko ang momentum nito sa pagsasalita dahil naka kunot na ang noo nito.

"Breakfast at 7AM, followed by a meeting every 9:3,0 here at my conference hall. I want you to take down notes and report it to me after that specific meeting. We will be having our lunch at 12noon, then at 1PM, you are going to read reports for me. After that, you can have your own time but don't forget the dinner at 8PM. There is an intercom installed in your room. If you have something important to say, use it. Don't knock on my door unless I ordered you to do so. Let's just talk when it's business time and; business works will all be done in my conference hall. Again, let's just talk when it's business time. Every meal, use the intercom to call me. That would only be our routine every day for two months. Also, I may not see you but I just want to remind you that I have other senses. I can sense stupidity; I can sense betrayal. Confidentiality on everything must be done. Dismissed." Sabi nito at tuluyan na ngang tumayo samantalang ako ay tulala pa rin sa mga sinabi niya.


"WAIT!" Sigaw ko at napahinto naman ito sa paglakad.

"Ready na po yung lunch natin. Maghahain lang po ako at mag-aayos ng pagkakainan. Hali na po kayo sa dinner table." Mahinang sabi ko habang papunta ako sa kinatatayuan niya para sana hawakan siya at alalayan papuntang dinner table pero wala pang tatlong segundo mula nang dumapo ang kamay ko sa braso niya, agad niya na itong inalis. 

"I can do it on my own." Malamig nitong sabi saka naglakad mag-isa.

TSK! Oo nga naman. Kaya niya palang gumalaw mag-isa. Bakit ko ba kasi nakalimutan. Sige. Tignan natin kung hanggang saan aabot ang pagiging matigas mo!

Sa inis ko, nang malampasan ko ito sa paglalakad, binunggo ko siya slightly sa balikat. Kunwari hindi ko sinasadya.

Nang makaupo na ito, saktong patapos na rin ako sa paghahain at pag-aayos. 

Eh kung hinayaan niya sana akong alalayan siya, edi sana kanina pa siya nakaupo. Pero since dakilang independent, edi go! Lakad lang siya diyan ng matagal. 

"Okay na po. Kain na po tayo, Engr. Hensworth." Sabi ko ng may pairap. Kahit naman anong gawin ko dito, di niya naman nakikita kaya agad naman itong kumilos para kumain. 

Kahit pa yata maghubad ako rito. No reaction pa rin itong lalaki na ito. Kaya kahit baguhan lang ako, hindi ako masyadong nacoconscious sa pananamit at itsura ko pero hindi pa rin maitatanggi na kinakabahan ako tuwing kausap ko si Engr. Hensworth.

"Ayy!" Sabi ko ng tumalsik sa mukha ko yung soup dahil nadulas yung kutsara sa kamay ko.

"What happened?" Tanong ni Engr. Hensworth. For sure curious ito sa nangyari.

"Wala po, Engr. Hensworth" Sagot ko.

"No. Tell me what happened." Madiin nitong sabi.

"Tumalsik lang po yung soup sa mukha ko. Nadulas po kasi yung kutsara." Pagpapaliwanag ko. Pagkatapos kong magsalita, hindi na rin siya nagsalita.

Ahhhhh! Nakakabingi na katahimakan! 

"Uhm. Ano pong gusto niyong food for dinner, Engr. Hensworth?" Pagputol ko sa katahimikan. Like hello? Sobrang tahimik. Rinig na rinig ko ang paghinga ko. Pati na rin pag nguya ko.

"Cook your favorite food." Agad akong napatingin sa kanya na dahan-dahan lang sa pag kain. Tama ba itong naririnig ko? Favorite food ko? Bakit?? Ewan ko pero bigla akong napangiti.

So kahit papaano pala, may anghel na ugali rin ito. Okay. At least alam ko na may ibabait siya.

"Bakit po favorite food ko?" 'Di ko mapigilang itanong. 

"Since it's your favorite food, I guess you'll cook it deliciously. I want good food. It's also my other way on getting to know you." Sabi nito.

"Anyway, I'm done. I'm going now." Saad nito at tuluyan ng umalis.

WOW. Si Engr. Hensworth ba ito? Akala ko masungit siya. Well, masungit nga naman talaga. I mean suplado. Pero mabait naman pala. Hihihi

Ewan ko pero napangiti ako sa kawalan.

Favorite food? Fine. I'll cook Bulalo later. 

CUCUMBER MELON SCENTWhere stories live. Discover now