Prologue

281 12 5
                                    

Author's

Hi! Here's another DonKiss Fanfic for y'all! This is basically About You's book II but it will revolve around Cahel and Heart's baby Luci! Hope you'll support this as much as you support my other stories!

This is a stand alone story so you don't have to read the book I 😊

___

Andrew

"Hoy, sigurado ka bang okay ka lang dito? Kaya mo? Baka mamaya pag-alis ko mag-iiyak ka dito ha!"

Bahagya akong natawa sa sinabi ni Yve. Kung ituring nya naman ako parang isa akong paslit na di kayang tumayo sa sariling mga paa. "I can manage Yvette, hahah you should be more worried about yourself. Wala nang maguuwi sayo sa bahay kapag nalalasing ka."

Agad syang sumimangot at sinamaan ako ng tingin. "Whatever! Nakakainis ka! Pasalamat ka mahal kita!"

"Thank you!" Sagot ko na mas lalo lang nyang ikinabwisit. "Ugh! Ewan ko sayo! Umayos-ayos ka dito ha! Tawagan mo ko agad kapag may kailangan ka or kung uuwi ka na o ano."

Nginitian ko lang sya sabay tango. "Yeah. Thank you Yve. Till next time. Take care!" Inirapan nya lang ako at isinara ang bintana ng kotse nya. Tuluyan na itong umalis habang ako, naiwan sa lugar kung saan ako magiging tahimik at malaya. Kahit sandali lang.

Pumasok ako sa uupahan kong apartment dito sa Surigao. Kung paano ako napadpad dito? Hindi ko alam, basta na lang ako nag-book sa pinakaunang flight na nakita ko nung naginquire ako.

"If you need anything, nasa baba lang ako ha. Don't worry, you'll love this place." Tinapik ni Ate Karla ang balikat ko bago sya lumabas ng unit ko.

Huminga ako ng malalim, this is it. Dito na magsisimula ang pahinga ko. Pahinga mula sa magulong mundo sa Manila.

*

"One coffee machiatto po for sir Andrew." Lumapit ako sa counter at kinuha ang order ko. "I'm Andrew."

"Ayy, pasensya na po! Akala ko po kasi si-"

I cut her off. "No. It's okay, no biggies." pagkakuha ko ng order ko ay agad akong dumiretso sa table sa labas. Mas gusto ko dito.

It's ironic, how I hated to be involve in a crowded messy place, but love observing it from afar.

Mas gusto kong manuod na lang, kesa humalo sa karamihan at masali sa gulo nila.

Sinimsim ko ang kape ko at nagpatuloy sa pagmamasid. Iba't-ibang mga lahi ang nakikita ko. Palibhasa sikat na tourist spot ang lugar na to.

Maya-maya pa, napansin ko ang pagbubulungan ng dalawang babae sa katabing table. Yung isa ay tila ba tinuturo pa ako. Hays, mukhang alam ko na to.

Inayos ko ang glasses at cap na suot ko at nagmadaling umalis sa lugar. Mahirap na. Ramdam kong pasimple nila akong sinundan ng tingin at balak pa atang kuhanan ako ng picture. Buti na lang at nakaliko agad ako.

Binilisan ko ang lakad ko, liko doon, liko dito. Sa totoo lang hindi ko alam kung nasaan na ako o kung anon lugar na ito. Di bale, madali namang magtanong-tanong.

Pagkaliko sa isang eskinita, may narinig ako sigaw ng isang babae. Mukhang may hindi kaaya-ayang nangyayari.

And ofcourse, I'm right.

"Hey, let her go!" Agad napalingon sa akin ang ulopong na nanghaharas sa isang babae. What a scene to witness.

"At bakit ha?! Sino ka ba?! Wag kang mangialam kung ayaw mong masakt-" hindi ko na sya pinatapos pa at agad nang sinipa sa kanyang 'down there'. And as expected, napaluhod sya at namilipit sa sakit.

About HerWhere stories live. Discover now