II.

73 10 3
                                    


"Yvette! Anong ginawa mo?!"

"What?! Anong ginawa ko?! Wala akong ginagawa! Kakagising ko lang!"

I face palmed. Lalo akong nanggigigil sa babaeng to! "Anong kakagising mo lang? It's almost freaking 7 in the evening Ynessa Vivienne Antoinette!! And stop playing dumb! We both know what you did!" Hindi ko na napigilan at nasigawan ko na sya.

"Hold up freak! Baka nakakalimutan mong dumiretso ako sa meeting and shoots pagkagaling ko jan kahapon, at kanina lang ako nakauwi ng bahay! Hello 3 hours pa lang tulog ko and my head hurts like shit! So stop scolding me! Isa pa kanina ka pa tawag ng tawag! Nakakainis!" Reklamo ni Yvette sa kabilang linya.

Huminga ako ng malalim bago muling kausapin si Yvette, seryoso na-iistress ako sa kanya. Kung andito lang sya sa tabi ko, kanina ko pa sya nakutusan."Tss. Tell me why'd you do it?"

"Alin ba?" Maang na tanong nya. Halos mapairap ako sa kawalan. "Come on alam mo kung anong sinasabi ko."

"Ano nga, Andrew naman e! Lalo mong pinapasakit ulo ko!"

"Marahuyo. Fortune cookies. My private number." Bahagyang nanahimik sa kabilang linya. Maya maya pa biglang napatili si Yve at halos mailayo ko ang phone sa tainga ko dahil sa sobrang tinis ng boses nya.

"Kyaah~ OMG! It worked?! Someone texted you already?!" Hindi ko mawari ang tono ng boses nya. Natutuwa, namamangha, natatakot, o ano. Pero kung ako sa kanya, dapat syang matakot tss.

"Oo. At kapag wala kang maayos na paliwanag kung bakit mo nilagay ang number ko doon, malilintikan ka sakin."

Nahimigan ko ang alanganin nyang pagtawa. "Ha-ha-ha Andrew naman, hayaan mo na para yun lang naman e. Tsaka lumang number mo na naman yun, dispose mo na lang kung ayaw mong may nakakaalam na stranger."

"Exactly. Lumang number ko yun, it's my private number. Nakalinked yun sa mga importanteng bagay na naiwan ko sa Manila. I need it Yvette. Hindi ko pwedeng i-dispose na lang yon basta-basta." Pabagsak na ako humiga sa kama dahil sa frustration sa babaeng ito.

"I'm really sorry. Wag mo na lang replyan yung nagtext sayo ha. Tsaka isa pa, naasar lang ako sayo kahapon kaya ko nilagay number mo." Maliit na lang ang boses ni Yvette nang sabihin ito. Alam kong nagi-guilty na sya ngayon at sinserong humihingi ng tawad.

Nakaramdam din tuloy ako ng guilt. Hays siguro nga mali ko din. Pero, kamalayan ko bang masyado nyang dadamdamin yung mga sinabi ko kahapon tsk.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. "Fine I forgive you. Pero wag mo nang uulitin to. I'm here for peace Yve. Don't messed it up for me."

"Thank you! Huhu sorry na Andrew baby, babawi ako ha. Pero teka heheh sinong nagtext sayo? Lalaki ba? Bigay mo na lang sakin yung number, ako na lang makikipag-textmate." I groaned, ugh this girl. Napaka-bipolar.

"Nope. I can't. It's a girl, isa pa, I think it's my boss." Ising tili na naman ang pinakawalan ni Yvette. Grabe ang sakit sa tainga!

"Kyaah~ talaga?! Teka sure ka bang boss mo yan? Luci daw ba pangalan? Baka Kapangalan lang?"

Umiling ako kahit hindi naman nakikita ni Yve. "I'm not a hundred percent sure pero malakas ang kutob kong sya to. And besides I don't remember anyone whose name is Luci na nagorder kanina sa Marahuyo."

Ramdam kong namamangha na naman si Yve sa sinabi ko. "Wow. How playful destiny is! kaso di kayo pwede e. Anyway, what's there to worry baby? Relax, your boss is harmless. Tell her that it's you and everything will be fine."

I sighed again before getting my other phone. Binrowse ko ang mga texts sa akin ni Luci. Hindi ko pa sya nirereplyan uli simula noong malaman ko kung sino sya pero abot-abot ang mga mensaheng pinadala nya sakin.

About HerWhere stories live. Discover now