Kabanata 20 Half Sister

11.5K 340 73
                                    

Andreana's POV

Pabalik-balik ako sa paglalakad dahil hindi ako mapakali kung ano na ang nangyari sa lalaking iyon. Nasa ospital ako kasama ang kakambal niyang si Cronux na wala paring malay hanggang ngayon.

Ang sabi ng sumusuri sa kaniya ay stable na ang kalagayan nito.  Kinakailangan nalang niya ng kaunting pahinga para tuluyang maghilom ang sugat na natamo niya.

Hindi naman ito malalim pero sapat na para dumugo ng husto at dahil narin sa epekto ng lason ay nanghina ang katawan niya.

Nataranta ako ng marinig ko ang munting daing ni Cronux senyales na nagigising na ito, kaya naman agad ko itong nilapitan.

" Cronus...Andreana....." Banggit niya sa pangalan naming dalawa ng kambal niya.

"Cronux, I'm here. Tell me, may masakit pa ba sayo?  Tatawagin ko yung doktor" nag aalalang sabi ko.

"Teka wag ka munang bumangon!" Saway ko sa kaniya ng akma itong aalis na sa hinihigaan niya.

" fuck! That little brat!" Mura nito at paniguradong ang tinutukoy niya ay ang batang may gawa nito.

"Wag ka muna kasing malikot, may lason ang ginamit niya sayo kaya nanghina ka" paliwanag ko dito.

" Where is Cronus?"  Tanong nito sa akin. Pero bago pa man ako makasagot ay bumukas ang pintuan at iniluwa non si Cronux na pawisan at may konting galos sa pisngi nito.

"What the happened to you!?" Histerikal na tanong ni Cronux sa kambal nito.

Sa halip na sagutin ay dahan-dahang lumapit ito sa kambal at biglang niyakap. Tila naman may humaplos sa puso ko sa senaryong nakikita ko. Sadyang malapit nga talaga silang dalawa sa isa't isa.

" Fuck I thought your gonna...-"

"Die? Fuck you dimwit  " sabay irap nito sa kambal na hindi na niya pinatapos ang sinasabi ni Cronus.

Napangiti nalang ako sa dalawa. Magunaw man yata ang mundo ay hindi mabubuwag ang bond ng kambal na ito.

Nagtawanan nalang silang dalawa matapos nilang magyakapan. Nakitawa nalang ako na para bang walang nangyaring kapahamakan ngayong araw.

"Anyway, ano na ang nangyari dun sa batang kalaban mo? May impormasyon na ba?"

"Sa ngayon bro ang tanging pinanghahawakan lang natin ay ang konting impormasyon ay patungkol kay Rose Givesbell at sa mafiang kinabibilangan nito. Isa siyang upper rank, marami na syang na assassin na tao, balita ko rin, malaki ang galit niya sa mga taong rapist at gumagawa ng ano mang krimen na may kinalaman sa pang aabusong sekswal. "

"Dahil ba biktima rin siya. .?" Wala sa sariling usal ko na ikinatingin nilang dalawa sa akin.

"Yun kasi ang sabi niya ng makausap siya ni sir Edwood,  ginahasa daw siya habang si sir Edwood ay walang pakialam na nanonood lang sa kanila....iyon ang sabi niya.."

" Yes, base sa impormasyon ay biktima sya ng panggagahasa. Ipagpalagay nalang natin na isa si Edwood sa dahilan kung bakit ito sumali sa kalakaran ng mga mafia. Kung ano man ang namagitan sa kanilang dalawa ay aalamin pa namin, kaso ngalang hinihintay nalang namin na magising si Edwood na nagtamo ng napakaraming saksak sa katawan. Muntik na rin syang mamatay but luckily,  he survive. "

Mahabang salaysay ni Cronus. Nakaramdam ako ng pag-aalala kay sir Edwood,  muntik na syang mapatay ni Rose. But somehow,  I feel pity for Rose. Dahil sa malagim niyang nakaraan ay naligaw siya ng landas.

"Mafia? Anong mafia naman ang sinalihan nitong Rose Givesbell na sinasabi mo? " dagdag na tanong ni Cronux sa kambal niya.

" DOLLHOUSE, sila ang pumalit sa Ringstone na noon ay nasa ikalawang posisyon sa larangan ng Mafia. Sing bilis ng kidlat ang pagangat ng mafiang ito. Para itong kabute na bigla nalang sumulpot at ngayon ay nasa ikalawang posisyon pa. May sabi-sabi rin na ang DOLLHOUSE ang tumulong sa Ringstone para mapunta ang mga ito sa second spot. Pero ang DOLLHOUSE din mismo ang tumulong sa Deathrone mafia na puksain ang Ringstone noong panahong tinangka nitong kalabanin tayo nito" mahabang salaysay ni Cronus

" So what are you trying to say? Minsan kalaban sila minsan hindi?" Naguguluhang tanong ni Cronux at maging ako rin ay nalilito na patungkol sa DOLLHOUSE na iyon.

" Hindi sa ganon, pero sa tingin ko pinagplanuhan nila talaga iyon. Tinulungan nila ang Ringstone pero siyempre alam nila na walang laban ang mga ito sa amin, alam na nila na matatalo ito at kapag wala na ang Ringstone sila na ang papalit sa puwesto nito. Isa lang ang sigurado, masyadong mautak ang leader nila. Weird man pakinggan ang pangalan ng mafiang iyon pero  hindi sila basta-basta. " seryosong wika ni Cronus.

Sa mga sinabi niya ay hindi ko maiwasan na kabahan. Hindi sila basta-basta lang, iyon ay isang kasiguraduhan. Kung iispin din, nag iisa lang si Rose pero nagawa niyang ubusin ang mga tauhan ni Dad. Idagdag mo pa na isa lang siyang babae, at tsaka, yung batang babaeng may gawa nito kay Cronux , sobrang lakas ng loob nito para kalabanin ang isang mafia prince kahit na sa murang edad pa ito.

"Meron din pala akong nais idagdag....." putol ni Cronus sa kaniyang sasabihin at seryosong tumingin sa akin.

"Andreana.......Si Rose,  half sister mo siya...."

Para akong nabingi sa pasabog ni Cronus sa akin. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Oo, alam kong ampon lang ako pero hindi ko akalain na may kapatid ako, at imposible rin na kabilang siya sa tribo namin.  Pero paano?  Paano ko siya naging half sister?

"How?" Si Cronux na ang nagtanong dahil wala akong makapang boses sa aking lalamunan dahil sa pagkabigla.

" Nag crash ang helicopter na sinasakyan ng mama ni Andreana sa lugar kung saan malapit sa tribo ng ama niya or should I say ng kinikilala nitong ama sa tribo." Panimula nito. Wait anong kinikilalang ama? Ama ko ang pinuno ng tribong iyon.

Mukhang nahulaan na ni Cronus ang nasa isip ko kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita.

" Buntis na si Mrs, Givesbell ng isang buwan bago pa man mag crash ang sinasakyan nito at bago pa man niya makilala ang pinuno ng tribo nyo. Lumayas sya matapos malaman na ang asawa nito which is si Mr,Givesbell na isang babaero ay nakabuntis ng isang bayarang babae at ang batang naging bunga non ay si Rose"

Gusto kong mahimatay sa mga narinig ko, ao all this time hindi ko pala siay tunay na ama? Kaya ba ibang iba ang itsura ko sa mga katribo ko?

" Anong......Anong nangyari sa buhay ng ina ni Rose...? " Nanghihina kong tanong dito. Gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanila habang lumalaki ako sa poder ng mga katribo ko.

" Hindi naging madali ang buhay nilang mag ina. Hindi kinilala ni Mr.Givesbell ang anak niyang si Rose, sa halip ay inabanduna niya ang mga ito.  Matapos na maipanganak si Rose ay muling bumalik sa pagiging prostitute iang ina nito dahil sakitin si Rose ng sanggol palamang siya at dahil narin sa kahirapan. Muli itong nag ka anak ng isang lalake pero sa kasamaang palad ay nagkasakit ito at binawian ng buhay ang nanay ni Rose. Mag isang itinaguyod ni Rose ang kaniyang nakababatang kapatid, nag asawa ito pero namatay din agad. Pagkatapos ay naging biktima din ito ng rape, namatay din ang nakababatang  kapatid nito dahil nasagasaan"

Naging mabigat ang pakiramdam ko sa narinig mula sa kaniya, tila nakaramdam ako ng lungkot sa mga pinagdaanan ni Rose. Nabuhay ako kasama ang mga mapagmahal kong katribo. Pinalaki ako ng maayos nila Mommy at Daddy at ibinibigay lahat ng luho ko, pero si Rose....

"Can I request something? " mahina kong sabi habang nakayuko.

"Tell us what do you want" sagot ni Cronus

"Si Rose....." panimula ko. Naramdaman ko naman na hinawakan ni Cronux ang kamay ko dahil hanggang ngayon ay tila nanghihina parin ako sa mga narinig ko.

"I want to save her...."


Author's Note.

Hi po, gusto ko po sanang humingi ng sobrang daming sorry sa inyo kung sobrang tagal kong hindi nakapag update. Alam kong mga ilang buwan din iyon nung huli akong mag ud, and I'm so sorry po talaga.
Na aksidente po kasi ako at medyo malala kasi iyon. Nahihirapan akong mag ud at medyo nawawalan din po ako ng pag asa sa sarili ko. Dahil medyo malaki ang naging pinsala ng nangyari sa akin. Those times, I really wanted to give up and just dissappear. Pero salamat sa magulang ko at hindi sila sumuko sa akin, nasa recovery stage pa po ako  magpasa hanggang ngayon, at medyo limited pa po ang mga oras na makakapag ud ako, sana po naiintindihan niyo ang siteasyon ko.
Salamat din po pala sa mga sumusuporta sa story ko na hindi nang iwan at patuloy na nagbabasa. ❤

Claiming and Sharing  (Deathrone #4) Blaze Cronus ,  Blade Cronux  DeathroneWhere stories live. Discover now