CHAPTER 2

1 0 0
                                    


Naka upo lang ako sa sofa habang umiinom ng juice tama kayo juice, ayokonh maglasing baka pagalitan na naman ako nina ate nako lang.

Naramdaman kong may tabi sa'kin.
At halos tumalbog ang puso ko nang tumabi sa'kin si sean.
Nakangiti pa ito habang tinititigan ako kaya nilabanan ko ang titig niya.

"Ang tahimik mo ata"
I
"Wala akong kausap alangan naman akong sumigaw dito"

Humalakhak ito habang hindi iniiwas ang tingin sa'kin.
Namula ako ng bigla niyang guluhin ang buhok ko.

"Ang cute mo"
Nakangiting aniya.

"Kaletse sean magtigil ka kilala ko ugali mo"
Natatawang sabi ko pa kasabay ng paghalakhak niya.
Nambobola lang iyan, kapag ganyan yan may gustong hingin o gustong gawin.

"Hmm kilalang kilala mo na talaga ako ah"
Namamangha niyang sabi.

"Uy guys tara sayaw naman tayo!"
Pagyaya ni camille umling lang ako,pero si sean pumunta sa dancefloor na parang baliw.

"Belle.."
Nakangusong sabi ni camille sa'kin.
Nginitian ko lang ito.

"Ano ba kayo nalang, maghihintay nalang ako dito mag enjoy na kayo"

"Ok kalang ba dito?"

"Yeah dont mind me"
Sabi ko pa at tuluyan na siyang umalis, kasama ang iba pa naming barkada.
Hindi naman sila lasingero lasingera eh, marunong silang magcontrol uminom.

Naramdaman kong naiihi ako kaya minabuti ko ng maglakad patungong cr.
Habang naglalakad ako r'on papuntang pinto   narinig ko ang malakas na sigaw ng isang babae.
Kaya dali dali kong pinasok ang banyo.
Tinulak ko ito hanggang sa mabuksan.
Pero ga'non nalang ang pagkabigla ko ng makita ang isang lalaking naka sout ng isang black lethered jacket at black na cap tsaka pants.
Bigla siyang tumakbo papunta sa gawi ko dahil mga sa nabigla ako hindi ako nakagalaw sa bukanan ng pinto kaya ako ang naitulak niya dahilan para mapaupo ako sa semento.
Ang sakit sa pwet niyang animal niyang lalaki!

Nakalabas na siya ng tuluyan, tumayo agad ako at sinilip ang babaeng sumigaw kanina.
Ay laking gulat ko ng makitang duguan ito at nakadilat ang mata.
Nanginig ako sa takot dahil sa kalunos lunos na sinapit ng babae.

Maya maya dumating ang mga pulis at ako ang tinanong nila kong ano ang nangyari lalo pa't ako ang nakakita at ako ang nandoon sa cr.
Sinagot ko naman lahat ng katanungan nila maliban sa kung anong itchura ng lalaki.

"Gosh, belle are you okay?
Tanong ni camille.

Tanging tango lang at ngiti ang isinagot ko.
Napagpasyahan na naming umuwi at si sean ang nag hatid sa'kin.
Kami lang dalawa ngayon dahil iba naming barkada ay may mga sasakyan ako lang yong wala.

"Belle..."
Napalingon ako kay sean ng bangitin niya ang pangalan ko.

"Pwedi ba kitang ligawan?

Umawang ang labi ko sa sinabi niya.
Hindi nananiginip lang ako.

"S-sean.."

Biglang niyang itinigil ang sasakyan at gumilid kami.
Tumingin siya sa'kin, at kahit na nahihiya ako ay nilabanan ko ang titig niya.

"Rhianne belle Cardinal, can i court you?"
Seryosong aniya pa.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero may kalahati sa puso ko na natutuwa at kalahati naman ay iwan hindi ko maintindihab ang kaninang kamay ko na hawak niya ay bigla kong nahila pabalik sa'kin, muli akong nag iwas ng tingin at ramdam kong nabigla siya sa ginawa ko.

BE MY INFINITYWhere stories live. Discover now