CHAPTER 3

0 0 0
                                    


Written: Leslie

"Ang mga makakasama mo ngayon ay hindi mahihina, kalahati lang ang bilang dito ng mga baguhan". Muling saad ng lalaki na ngayon ay nasa harap kona, ako ang pinakabaguhan eh paano naman wala pa akong alam.

"Pwesto!!"
Biglang sigaw ng isang lalaki at nakita ko silang gumawa ng isang linya, nasa kaliwa naman ang mga kalalakihan

"Ano pang hinihintay mo?!"
Sigaw ng lalaking katabi ko. Bigla niya akong tinulak buti nalang nakagalaw agad ako kaya dali dali akong pumuwesto sa huli.
Gustong gusto ko silang sagutin ng sagutin, naiinis ako sa mga trato nila sa'kin.
Eh hindi naman nila in-explain kung anong gagawin.

Pinatakbo kami at kumulo ang dugo ko dahil 10 laps ang kailangan.
Nakakapgod kaya.
At ang pinagtaka ko pa bakit sama sama ang kalalakihan at kababaihan?
Parang naiinis tuloy ako kay ate dahil ibang iba ito sa mga kwinento niya sa'kin noon.

Maya maya.

Lumabas kami sa parang arena na ewan hindi naman nila sinabi sa'kin kong urgh! Nakakainis magkakandarapa ako nito kita mo!

Namangha ako dahil isang beach ang sumalubong sa'min.
Ang sarap ng hangin,refreshing, ang lamig, malapit ng magliwanang saktong sakto kukunan ko--. Natampal ko ang noo ko dahil wala pala akong dalang cellphone.

"Pwesto!"
Nagtakbuhan ang mga kasabay ko papunta sa tabing dagat at sumunod nalang ako napasin kong dumapa sila yong parang handa na silang mag push up kaya gumaya din ako, ang ipinagtataka ko lang kung bakit malapit sa tubig eh kung magsisimula na silang magdown masusubsob mukha nila sa tubig. Ang labo ng mga taong to balak ba nila kaming patayin!

Patayin? Hindi naman siguro si papa ang may ari nito kaya alam kong hindi niya iyon magagawa,ang bait bait kaya ng papa ko.

Pumwesto na ako. Isang hanay lang din kami nung suminyas na ang kamay ng isang lalaking armado ay nagsimula na sila sa push up kaya gumaya na'rin ako.

"1,2,3,4,5.."
Mabilis ang counting kaya mabilis din ang galaw pabilis ng pabilis ang napapagod na ako.
Parang kanina pa kasi kami ganito pero wala pang tumitigil, dahil hindi kona kinaya, hindi na ako nagpatuloy nakaangat pa'rin ang katawan ko, hanggang sa mapansin kong may umapak sa batok ko dahilan para mailublob ang mukha ko sa tubig.
Nagpumilit akong iangat ang ulo ko pero ang bigat ng paang umaapak sa'kin.
Nanghihina na ako, hanggang sa hindi ko na maramdaman ang paang nakaapak sa batok ko.

"No one will stop understood!"
Sigaw nung lalaki mula sa likod ko at nasisiguro kong siya ang umapak sa batok ko.
Unti unti akong nakaramdam ng inis! Wala talagang mga respeto sa babae!

LEANNA POV

"Dad, how's belle?"
Tanong ko agad ng makapasok siya sa mansyon at naupo sa sarili niyang upuan.

"She's fine". Tipid na sagot niya.

"Sa tingin ko hindi siya magiging okay kapag nalaman niya ang tungkol doon"

"Wag monang problemahin ang bagay na iyan dahil naayos ko na"

Bumuntong hininga nalang ako.

"Why didn't you tell him why did you enter her of our organization?"

"Shut your mouth kate leanna"
Hes mad.

"Ayoko lang na kamuhian niya tayo--"

"Hindi niya magagawa ang bagay na iyan kapag nalaman niya ang dahilan na'tin at iyon ang hindi niya pweding malaman sa ngayon". Sana lang papa, sana lang maging maganda ang resulta ng plano mo.

Lumabas ako at kumuha ng sigarilyo mula sa bulsa ng jacket ko.
Sa pool ako magpunta dahil dito lang ako nakakapagpalipas ng oras at mga masasamang saloobin.

"Our princess is in danger"
Bigla ay sabat ni kuya charlie na hindi ko alam na nasa pool din pala naliligo, at ako nakatayo lang aa gilid.

"Hindi mangyayari iyon"
Kumpyansang sagot ko.

"Alalahanin mo ang naging resulta mo noon kate sa pagsali mo"

Napapikit ako sa pagpipigil ng inis, ito na naman si kuya pilit na ibinabalik ang nakaraan na kahit kailan ayoko na talagang balikan, pero palagi niyang pinapaalala.

"Ayoko lang na mapahamak kayong pareho, i prefer to die first before you pfft--"

"Kuya!! Youre such a fetus!". Angil ko nakukuha niya pa talagang magbiro sa ganitong sitwasyon. Pero deep inside natutuwa pa'rin ako kasi may kuya akong ganito.
Kahit minsan mabiro si kuya minsan yong biro niya may laman.

Rhianna Pov

Natapos na kami sa jogging, push up, at ibang mahihirap na training pero ang bigat bigat pa'rin ng katawan ko, andtio ako ngayon sa kwartong inilaan para sa'kin opo para lang sa'kin. Pero mas gusto ko kasi sana na doon nalang ako matulog sa kwarto ng mga babae eh dito kasi wala akong kausap--ay hindi nga pala ako pweding makipag usap.. pero bakit naman kaya hindi pwedi?
Nakakainis naman eh ang boringg walang kausap.

*Tok tok tok*

"Sino yan!"

"May dalaw ka"
Dinig kong sigaw mula sa labas, dalaw? Di naman ako preso bakit may dalaw pa.
Tatayo na sana ako kaso biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si papa.

"Papa susunduin niyo na po ako?"
Masayang tanong ko, excited na akong mag aral uli.
Unti unti siyang lumapit sa'kin at umupo sa iaang sofa.

"Hindi pa, 1 month kang absent".
Nagulat ako sa sinabi ni papa at magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako." Sumang ayon na ang mga guro mo kaya wala kanang dapat ipag alala". Kalmadong sabi niya." Pero papa--".

"Wag mo akong tawaging papa dahil baka may ibang makarinig sa'tin dito! Wag kang mag alala mag aarak kapa rin kahit na nandito ka lahat ng kasaling mga kasing edad mo ay dito na nagsipag aral--at wala kanang magagawa dahil iyon ang desisyon ko sa ayaw at sa gusto mo!"
Aniya at tuluyan ng lumabas.

Tumulo na naman ang luha ko, paano ang mga kaibigan ko, si sean--.

Oh myy napatakip ako sa bibig ko ng maalala kong hinihintay pala ni sean ang sagot ko sa tanong niya.
Pero lumaylay ang balikat ko, paano ako makakaalis dito.
Huhu wala na.. baka may magustuhan na siyang iba.

Biglang sumagi sa isip ko ang sabi ni papa na isang buwan akong mamalagi sa lugar na 'to na hindi ko alam kung gusto ko pa talagang manatili rito.

*Weng weng weng*

Isang malakas na serina amg umalingawngaw sa labas kaya nagmadali akong lumabas at nakita  kong nagtatakbuhan ang mga babae palabas ng kanilang kwarto. Iisa lang ang kwarto nila at maluwag pero tig iisa sila ng higaan habang ako  lang ang hiwalay.

Naglilito man ay kusa akong sumunod.
Sa kanila hanggang sa napunta kami sa isang mala arenang lugar kung saan dito ako inang nakapunta.
Magtatanghali na dahil tanaw ko mula sa labas ang masilaw na ilaw.

Biglang bumuo ng hanay ang kapwa ko babae at ang kaliwa ay mga lalaki. Sumunod din agad ako sa kanila, at ang mga kamay nila ay nasa likod nila at nakaangat ang mga ulo nila kaya gumaya rin ako! Urgh! Ayoko ng gaya gaya gusto kong may alam ako tungkol dito, nakakainis naman kasi ang mga taong 'to hindi manlang nila ako kinakausap.

"Uhmm uy kausapin mo naman ako"
Pagtawag ko sa katabi ko, tinitigan niya lang ako at muling humarap sa harap.
Ay masungit, isnabera ka.
Nanahimik nalang ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BE MY INFINITYWhere stories live. Discover now