Chapter 14

41 4 0
                                    

But where do I really belong?

What is my stand?

What's my real purpose in this world?

Am I just the daughter of a rich man?

A heiress?

Or someone more different than what I expected?

"So I have three exes and they are all assholes. I hope makarma na lang silang lahat. Ang papangit nila. Akala mo kung sinong gwapo, ang yayabang naman," kwento sa akin ni Vanessa habang nakahiga pa rin kami sa tela na nilatag sa damuhan.

Nakatingala kaming dalawa sa kalangitan. Umaga na at kakasikat pa lang ng araw kaya hindi masakit sa mata.

"Dumating na," sabi ni Nicholas sa gilid.

"Ang ano?!" tanong ni Vanessa sabay upo mula sa kinahihigaan niya kanina.

"Yung padala na mga gamit ni Sir Clyde," sagot naman ni Nicholas.

Napatakbo kaming dalawa ni Vanessa kung saan tumungi ang dalawang boys. Nagulat na lang kami paglabas namin sa tinataguan namin kagabi ay may nakapark ng mamahaling sasakyan sa tabi ng kotse ni Sir Rodriguez. Naka-abang sa gilid ang hindi pamilyar na mukha ng isang babae na sa tingin ko ay nasa edad mid 20's na.

"Pinadala ni Sir Rodriguez sa inyo," sabi nong babae. Red ang kulay ng buhok nito. May piercing rin siya sa kanyang labi at ilong. Yung pinaglalaruan niyang susi ay tinapon bigla sa direksyon ni Nicholas. Mabuti na lang at nasalo ito ng kasama namin. "Nandito na rin sa likod ng sasakyan ang mga baril na hiniping niyo sa kanya. Pati na yung tatlong maleta ng pera."

"OMG, tatlong maleta ng pera? Saan nakuha ni Sir Rodriguez?" tanong ko sa katabi nasi Vanessa.

"Shh," sabi naman sa akin ni Vanessa. Pinagmasdan naming dalawa sina Nicholas at Scottie habang kinocompiska ang likod at sa loob ng mamahaling sasakyan.

"Need ko yung sasakyan ni Sir," ani nong babae. "Gagamitin daw niya," dagdag pa nito.

Ibinigay naman ng tahimik ni Nicholas ang susi. "Salamat, Ate Cara." After non inutusan na kami ni Nicholas na kunin ang mga personal naming gamit sa kabilang sasakyan. Dali-dali naman naming ginawa iyon ni Vanessa.

"Ang ganda ng sasakyan. Halatang makakatakas agad tayo kapag may naghabol sa atin. Nakaka excite tuloy. Para na akong official na spy dahil sa mission na ito," ani Vanessa.

"Spy? Akala ko ba ano kayo... kriminal," bulong ko.

Napatawa naman si Vanessa bago ito napahawi ng kanyang buhok. "Secret agent na may pagka kriminal pala,' aniya.

"Yung motor ko," narinig kong sabi ni Scottie doon sa Ate Cara nang makabalik na kami ni Vanessa.

"Hala, wala sa akin binigay," ani nong babae.

"Hays," singhal ni Scottie.

Tinapik naman siya ng malumanay ni Nicholas sa braso. "Okay lang 'yan, pre. Tinabi lang ni Sir Rodriguez para hindi masira sa misyon natin. Ikaw na yung magdrive ng kotse. Ako pa rin yung magmomotor para magbantay sa inyo."

"Sige. Sige," Scottie.

Papasok na sana ako sa mamahaling kotse na pinadala sa amin dahil ganon rin ginawa ni Vanessa pero pinigilan ako ni Nicholas.

"Charity." Napahawak siya sa braso ko.

Tinignan ko naman ang kanyang kamay na nakahawak sa akin. "Bakit?" naka kunot noo kong tanong.

Nang marealize ni Nicholas na nakahawak pala siya sa braso ko ay agad niya ito binitawan. "Can you call your friend? Yung sinasabi mong mapagkakatiwalaan kuno. Ask him kung alam niya kung nasaan dad mo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 20 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Teen Militia: Angel With A Shotgun [Novel #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon