The Playboy's Toy: 2

132 13 0
                                    

Cleo's POV

Nag-umpisa ang araw na pagpasok ko sa paaralan kung saan nag-aaral din ang aking pinsang si LA.

Alas-singko pa lamang ng madaling araw ay gising na ako.

Hindi naman ako masyadong excited ano!?

Pagkababa ko nga'y nagkagulatan pa kami ni LA dahil nakapatay ang ilaw sa kusina. Sinabe niyang 7:30 pa ang klase ko, alam niya ang schedule ko dahil siya ang kasama ko upang mag-enroll.

Pinilit niyang magpahinga muna raw ako pero sinabe ko na dahil gising naman na ako eh tutulog na muna ako sa mga gawain dito, nung una'y syempre hindi siya pumayag pero kalaunan ay wala na siyang nagawa ng hugasan ko ang pinagkainan naming dalawa.

Kakatapos lang kasi namin mag-almusal at umakyat na siya at sinabeng mag-aayos na para pumasok. Ako naman ay ayos na at kailangan ko na lang magbihis ng aking uniporme.

"Ayos na ba lahat ng kailangan mo?"- tanong niya ng nasa sasakyan na kami.

"Oo at tsaka LA pang-limang beses mo na yata akong tinatanong hindi naman na ako kinder eh."- natatawa ko namang sagot at napa-kamot na lamang siya ng ulo at sinabihan ang kasambahay na paghandaan si Kuya Conor ng makakain.

Mamaya pa iyon gigising at mamaya pa pasok niya sa kaniyang trabahong na-applyan kahapon lang. Nakapagtapos na ng kolehiyo ang Kuya ko at ngayo'y nagtatrabaho siya sa isang call center agency.

Kinakabahan ako dahil ito ang unang pagbabalik iskwelahan ko, hindi lang iyon dahil ito rin ang unang beses na hindi ko na kasama ang mga kaibigan ko. Sa probinsya kasi kung saan ako nakatira talaga'y magkakasama kami ng mga kaibigan ko. Ngayon ako lang pero nandyan naman si LA kaso maiiwan pa rin akong mag-isa tiyak akong mahihirapan akong makakilala ng magiging kaibigan pero hindi naman iyon ang dahilan ng pagpunta ko dito sa maynila.

Nandito ako para tapusin ang pag-aaral ko kaya kahit mag-isa ayos lang.

...

Natapos ang araw at walang masyadong ginawa dahil puro pagpapa-kilala lang pero may mga kailangan na agad gawin.

Isinukbit ko na ang bag ko at agad lumabas ng room, nagulat pa ako ng makita si LA at mukhang inaantay ako.

Pinagmadali niya ako at rinig ko ang paulit-ulit na pagtunog ng cellphone niya.

"Ah, LA bakit hindi mo sagutin?"

Nilingon niya ako at inakbayan, napatingala ako dahil matangkad ang pinsan ko.

"Don't mind it, magmadali na lang tayo dahil sigurado ako na naiinip na ang mga iyon."

Mga iyon???

"What took you so long? Kanina pa kami naghihintay dito."- sambit ng isang magandang babae.

"Sino siya?"- napalingon naman ako sa isa maputi ito at matangkad rin kagaya ni LA, pero napansin ko na may kolorete sa kaniyang mukha.

"Who is he?"- muling lingon ko pa sa isa at nakita ko na naka-taas ang kilay nito at ramdam ko ang malakas na presensya niya kahit na nakatayo lamang siya.

Ang ganda niya..

"Ah siya ba?"- sambit naman ni LA at inakbayan ako't ngumiti.

"Hindi, ikaw? Sino ka ba? Ano ba ang pangalan mo?"- sarkistong sambit ng kaharap namin na ikinatawa ng dala nitong kasama.

"Tsk.. This is Aaron Cleo Alega."- pagpapakilala niya sa akin sa tatlo na hula ko'y mga kaibigan niya.

Ngumiti ko sa kanila at ang dalawa ay nginitian rin ako maliban sa isa.

Playboy's ToyWhere stories live. Discover now