CHAPTER 10

1 1 0
                                    



Niall.....

After niyang magpakilala sa kin iniwan niya na rin ako. Ewan ko kung sino yun ano kaya problema niya sa kin. Habang naglalakad nakita ko si Jak na papalapit sa kin.Ang tagal na rin na di ko siya nakita. Linapitan niya ko at ginulo gulo buhok ko.

"Masaya ako sa nabalitaan ko," Sabi niya at napangiti naman ako sa kanya.

"Talaga,"

"Sana sagutin mo na si Pinsan," Sabi niya at inakbayan ako.

"Masaya rin ako para sayo sige na pala aalis na ko," Sabi niya at iniwan ako.

Masaya ba siya bat parang di halata sa mukha niya may problema siguro yun.

Papunta ako sa room ng nakita ko na naman yuny Niall. Nasa may isang room siya at nakatingin sa kin. Hindi ako mapakali sa titig niya parang may kakaiba.

"Ion," Sabi nila Keena buti na naman nandito na sila.

Sumama na ko sa kanila at pumunta kami sa room. Maya maya nag umpisa na ang klase. Late si Hendry kasi mag inasikaso siya. Ang sabi niya about daw yun sa family nila. Inayos na namin kanina yung about sa research namin.

Nung vacant time napagpasyahan namin dalawang turuan ang isa't isa. Ako tuturuan ko siya sa english at siya naman tuturuan ako sa math.

Habang busy kami sa pagtuturo sa bawat isa yung mga classmate namin at mga kaibigan ko nakatingin at kilig na kilig sa min.

"Sana all kasi may manliligaw naku nabibitter ako," Sabi ni  Staisey.

"Oo nga eh nakakainggit naman kailan ba kayo magiging official?,"Tanong ni Keena.

"Hindi pa nga official sweet na what more kaya pag naging sila na talaga," Sabu ni Hershey at todo hiyawan ang mga classmate ko.

Nahihiya na ako pero tinignan lang ako ni Hendry.

"Magfocus ka lang sa sinasagutan mo,"Bulong niya sa kin.

"Opo," Sabi ko at nagpatuloy na kami sa pagsagot.

Maya maya dumating na adviser namin sa math. Tamang tama lang pagreview at pagtutor sa kin ni Hendry. Paano naman kasi naglong test kami. Ayun tatlo lang mali ko. Siguro ngayong araw puro kami long test na kasi.

"Kapagod talaga no oii ang galing mo na sa math," Sabi ni Keena at inakbayan ako.

"Oo nga eh," Sabi ni Staisey at Hershey.

"Asan mga boyfriend niyo para naman kunin na nila kayo at tigilan niyo na ako," Sabi ko sa kanila at nagsitawanan naman yung tatlo.

"Masaya ba ang magmahal ng isang Hendry Qian?,"

Napalingon kami sa nagtanong. Yung lalaki na naman na ang name ay Niall. Sino ba siya? Lumapit siya sa min at tinignan ako.

"Excuse me sino ka ba?," Tanong ni Keena at sinungitan yung lalaki.

"Hindi naman mahalaga kung sino ako ang mahalaga ay kung kilala mo ba talaga ang lalaking minamahal mo?," Tanong nung Niall at nagsmirk.

"Anong ibig mong sabihin?," Tanong ko at nagcross arms. Nangiti lang siya at nilapitan ako.

"Niall!,"

Nakita ko si Jak at Hendry. Lumapit siya sa min at tinulak ni Jak si Niall ako naman hinawakan ang kamay ko ni Hendry.

HER LOVEWhere stories live. Discover now