KABANATA 17

404 34 4
                                    

KABANATA 17

"Thank God you called."

"And thank God, natawagan na rin kita. Ano bang klase 'yang probinsya niyo? Sobrang layo ba talaga sa sibilisasyon kaya walang signal?" Parang nabawasan nang kaunti ang takot ko nang marinig ko ang boses ni Rina. Parang kahit papaano ay nakakita ako ng pag-asa.

"Tama na muna 'yang reklamo mo. Rina, I need your help."

"Help? Why?"

Lumayo muna ako sa pintuan para makasiguradong walang makakarinig sa magiging usapan namin.

"Hindi ko ma-explain 'yung nangyayari sa parents ko. Bigla na lang nagbago 'yung mga ugali nila."

"I can ralate. Ganyan din si Mommy sa 'kin. Papayagan ako lumabas then biglang magbabago ang isip. Pati nga allowance ko balak niya bawasan."

"No Rina. Iba 'to," pabulong kong sabi na hindi ata niya narinig dahil tuloy pa rin siya sa pagsasalita.

"Wala naman daw pasok at wala naman akong dapat pagkagastusan. May merch pa naman akong binili online."

"Rina..."

"My God ang hirap maging fangirl! Hirap maging marupok!"

"Rina stop!" Medyo nilakasan ko ng kaunti 'yung boses ko para mapatigil ko siya sa pagsasalita.

"Oh, sorry."

"Iba 'tong nangyayari sa 'min. 'Di tulad ng iniisip mo."

"What do you mean?"

"They're acting weird. Mismo sa harapan ko nagsisinungaling sila and nagiging bayolente pa."

"Gwen? Hello? I'm waiting for your answer."

"Aren't you listening?"

"Gwen? Nandyan ka pa ba?"

"I'm still here Rina."

"Hello? Can you still hear me?"

"Yes. I'm still here. I can hear you." Naglakad ako sa loob ng kwarto. Trying to get better signal. "Please don't hang up on me."

"Ano ba 'yan. May good news pa naman ako sa 'yo. Hey Gwen, if you can still hear me, maupo ka muna.

"I can't. Hangga't 'di ako nakakahanap ng pwesto na maganda ang signal. Kailangan mong malaman kung ano'ng nangyayari sa 'kin."

"Nakaupo ka na? Heto na?"

"Hello Rina. Hindi mo ba talaga ako naririnig?"

"Pupuntahan ka ni Liam d'yan."

"What?!"

"Parating na prince charming mo to save you sa pagkainip d'yan sa lugar na 'yan." Natatawa niyang sabi.

"No! Hindi siya pwedeng pumunta rito."

"Ano ba 'yan? Paka-tahimik. Hindi ko man lang marinig 'yung reaction mo. Pero sure ako kung naririnig mo 'ko, nagsisisigaw ka na d'yan sa sobrang kilig."

"Stop him Rina! Please!"

"Sige na nga. Bye na. Call me kapag nandyan na siya."

"No! Rina, please, don't hang up! Tell him not to go!"

Tunog ng pagkaputol ng tawag na lang ang narinig ko. Tulala na lang akong napaupo sa kama nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok si Dad. Nasa kamay pa niya ang susing ginamit niya para buksan ang pinto.

"Sino'ng kausap mo? Nagsusumbong ka? Humihingi ka ng tulong?!"

"No Dad. Kausap ko lang si Rina. You know her 'di ba? Nangangamusta lang po siya."

INANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon