•CHAPTER 13•

201 10 0
                                    

SOFIA POV

Samo't saring kuwentuhan ang ginawa namin habang bumibiyahe kala ko magiging tahimik ang byahe kaso dahil kasama namin si blessy the microphone puno ng daldalan at tawanan ang biyahe namin. Hindi masyadong nagsasalita si daven dahil busy ito sa pagmamaneho pero nakikitawa naman ito sa amin.

Sabi nila blessy si daven daw talaga ang nagyaya na maggala ngayong araw kailangan daw namin muna magsaya saya at hindi puro problema ang iisipin.

Maya maya pa ay nakarating na kami sa dapat puntahan namin at ang mall ito. Nagpark muna si daven ng sasakyan samantalang kaming tatlo ay naghihintay sa entrance. Wala pa kami sa loob ng mall pero puro kalokohan na itong mga kaibigan ko pati mga taong dumadaan pinagtitripan kaya ang ending ang sama ng tingin sa amin.

Dinamay pa ako ang bait ko kaya charot!!

Hindi naman nagtagal ay dumating na din si daven hindi ko maiwasang tumingin sa kanya masyado syang maitsura para hindi pagtuunan ng pansin. Bumagay sa kanya ang short na pang alis at t shirt na itim simple pero ang galante nyang tignan. Nahiya naman yung pantalon kong may butas pa sa tuhod.

Pumasok na kami sa loob ng mall at tulad kanina sa labas ay sobrang daldal ni blessy at pinagtitripan pa nila yung ibang tao dito.

Buti na lang mabait ako....

Nagyaya muna si daven na kumain sumang ayon naman agad kaming tatlo dahil libre naman daw nya kaya ayun yung dalawa tuwang tuwa at nagsisitalon pa ang mga gaga.

Pumasok kami sa isang restaurant dito sa loob ng mall. Sinimulan na naming umurder. Ng maka order kami ay nagkuwentuhan muna sila at ganun na din ako.

"Ahmm.. bat ka pala nagyayang gumala?? Atsaka bat kami niyaya mo imbes na yung mga kaibigan mo??". Takang tanong naman ni alexis kay daven.

Hindi na ako nagtaka kung bakit nagyaya sya ng gala sa amin dahil ako naman talaga ang pakay nya. Alam kong nasasaktan sya pero hindi ko kayang suklian yung nararamdaman nya sakin.

"Wews choosy pa! Ayaw mo nun nakakagala ka ngayon!".Sagot naman sa kanya ni blessy na agad namang tumawa sa kanya si daven. Baliw!

" Actually lahat sila kasi busy i dont know kung anong ginagawa nila dahil hindi din naman akong ako nagtanong basta busy sila. Kaya naisipan kong kayo na lang ang yayain ko and why not??kaibigan ko din naman kayo".  Nakangiting sagot ni daven.

Busy?? Saan naman busy?? Busy naman pala lakas ko naman mag assume...

Napa 'ahh' naman yung dalawa kong kaibigan.

Ng dumating ang inorder namin ay nagsimula na kaming kumain. Hindi padin mawala yung tawanan at asaran samin habang kumakain kami na sya namang nagpapaingay sa loob ng restaurant.

Masyado kasing tahimik ang restaurant na ito paano kasi galante samantala naman kami parang nakatisod lang ng pera at dumiretso dito.

Ng matapos kaming kumain ay nagyaya naman silang manood ng movie. Ayun libre na naman kaya tuwang tuwa sila----este kami. Bumili muna kami ng ticket at pumasok na sa loob ng sinehan.

At hanggang ngayon hindi pa din matapos yung tawanan namin kaya pinagtitinginan kami ng mga tao dito. Paano ba naman kasi ang tagal magsimula ng movie.

Maya maya pa ay nagsimula na yung movie ang unang lumabas sa screen ay yung title ng movie.

"The lovely bones".

Nagsimula na ang palabas medyo tumahimik na tung mga kasama ko dahil seryoso na kaming nanonood. Medyo may nagtitilian dahil sa kaba na din.

May nagpadala kasing letter dun sa bata at medyo mahangin yung paligid ang letter na yun ay pinadala ng crush nya kaya hinabol habol nya ito. Ng tuluyan na itong mawala ay may lalaki namang dumating at pinasama nya ito sa kanya. Pumasok sila sa isang parang ewan dahil ang pinto nito ay nasa sahig at pag binuksan ito ay bubungad sayo ang isang maliit na kwarto may buhangin pa. May kunting pagkain.

My Husband (ONGOING)Where stories live. Discover now