2

55.5K 1.2K 68
                                    

IT'S Autumn's first day at La Croix University. Sakto naman na first day rin ng klase for that school year. She is now a third-year college student, taking a major, Business Administration course in Business Management.

Pasimpe niyang inayos ang suot na necktie sa harap ng review mirror bago siya lumabas ng kotse niya. She threw a glance on her wristwatch, medyo maaga pa siya ng thirty minutes bago ang una niyang subject. Ayos na rin iyon dahil kailangan pa niyang hanapin ang classroom niya. Buti na lang at medyo malapit lang ang condo unit na binili ng parents niya para sa kanya sa university.

Her older brother and parents bought her a car naman para daw hindi na siya mag commute. Kaya pala tinuruan na siya nito mag drive. She's already nineteen years old na naman kaya may driver's license na siya.

She can't help but to amaze while looking around. Buti na lang pala at nakinig siya sa kuya niya na doon sa LCU mag-enroll. Pwedeng kasing ihanay ang La Croix University sa mga school sa ibang bansa sa ganda at lawak ng paligid. Noong nag-inquire siya sa school na iyon, napag-alaman din niya na may kanya-kanyang building ang bawat courses. Even uniform. No wonder, ang mahal ng tuition fees sa LCU.

Nang makarating si Autumn sa classroom niya, marami-rami na ang estudyante na nandoon. Nailang tuloy siya nang pagtinginan siya ng mga ito. She really hates attention from other people pa naman.

Pinili niyang maupo sa bandang likuran, malapit sa bintana. "Hi! Can I sit there?" nakangiting tanong niya sa babaeng nasa tabi ng pwesto na kung saan sana gusto niya maupo.

She's pretty though she's wearing a thick eyeglasses, mas mahaba rin ang pencil cut skirt nito kumpara sa kaniya at ibang estudyante.

"S-Sure." tila nahihiyang sagot nito. Agad naman siyang umupo sa tabi nito matapos magpasalamat.

"I'm Autumn Spring Sanders, how 'bout you?" she want to make a friend. Lalo pa at wala pa siyang kakilala sa school na iyon. Sa ibang school kasi nag-aaral ang pinsan niyang si Iya.

"I'm Danielle Ruiz." maikling tugon nito. Hinablot niya ang isang kamay nito at siya na mismo ang nakipag shake hands dito.

"Nice to meet you, Dani! friends na tayo ha?" nakangiti niyang saad dito. Nahihiya naman itong tumango tango sa kanya. Madali niyang nakapalagayan ng loob si Dani. Mabait naman kasi ito.

Ilang sandali pa, unti-unti nang dumami ang mga estudyante sa loob ng classroom nila. Nakipagkilala rin sa kanya ang isang classmate nila na si Francine, or France, iyon kasi ang gusto nitong itawag nila dito. Medyo ka-close rin pala ito ni Dani. Unlike Dani, sobrang daldal ni France but she's also nice.

Natigil lang ang pagdadaldalan nila nang dumating na ang prof nila para sa first subject. In-introduce lang nito ang sarili nito at inexplain sa kanila kung anu-ano ang magiging topics nila for the whole semester.

"Hay kapagod! one and a half hour ang vacant natin! let's go sa cafeteria!" yakag sa kanila ni France after ng tatlong sunod-sunod na subjects nila.

Sumunod na lang sila dito ni Dani, lalo na siya, hindi pa naman niya gaanong kabisado ang bawat pasikot sikot sa buong school. While walking, she checked her phone. May ilang text messages doon from her parents at sa kuya niya. Tinatanong siya kung kamusta raw ang first day of school niya.

Napangiti na lang siya. Kahit kailan talaga parang baby pa rin ang turing sa kanya ng mga ito. Especially her kuya Jack. Medyo spoiled kasi siya sa kuya niya. Lahat ng gusto niya ibinibigay agad nito–like luxury bags, shoes and dresses. Pero siyempre kapalit 'non, nag-aaral naman siya ng mabuti, actually Dean's lister nga siya noong sa US pa siya nag-aaral.

SingularityWhere stories live. Discover now